bakit hindi?
ang sagwa kase kung ‘simpleng tao’ yung taytel ng blog ko. kase tao naman talaga ako. sa aming malikhaing pagsusulat na kurso noong nasa kolehiyo pa ako. oo! grumadweyt ako. eniweys, nung nag-aaral pa lang ako, napagdiskitahan namin yung ideya ng pagkakaroon ng totem. yun bagang ginagamit ng mga indian (hindi bumbay) na parang posteng may mukha. sabi ng titser namin e sa mga nitibong amerikano daw e may kinikilala silang isang hayop na makakasama nila sa kanilang buhay or sa susunod na buhay. ewan, di ako masyadong nakinig. basta interesado ako sa ideyang sa isang tao e merong nababagay na hayop.
natural, halos lahat ng mga kaklase ko nung pinapili ng gustong hayop e yung mga ‘cool’ at mga kinikilalang ‘astig.’ may isa gusto nia magkaroon ng animal totem na ahas kase daw matalino yun. yung isa naman tigre kase mabangis. yung isa kuneho kase kyut. agila daw dun sa isa kase magara daw. pero siyempre, lahat naman noon e parang nakahardwire na choices sa mga tao kase galing sa mga cartoons na napapanood noon hanggang sa mga telenovela na tinatangkilik ngayon e lubhang nabreynwash na tayo na yun ang mga astig na hayop. alala ko pa nun si ‘bravestar’.
~eyes of a hawk, ears of a wolf, bravestaaaar! strength of a bear, speed of a puma!~
noon di ko magets kung ano ang puma. di yun tinuro ng titser namin sa elementary. sabi niya yun lang daw mga hayop sa libro ang asikasuhin ko. eniways, kung tatanungin mo pa ako kung ano ang pinili ko e di syempre pagong. kase noong panahon na yun e nahuhumaling ako sa pet pagong ko na si ‘pagong’. ang orig ng pangalan ano? Basahin ang karugtong nitong lahok »



pataba ng puso