Archive for Abril 14th, 2008

h1

trenta’y dos na per kilo, bords!

Abril 14, 2008

ay naku.. nakaka-bad trip o kung sa tagalog pa ay “nakaka-masamang lakwatsa” tong pagtaas ng presyo ng mga bilihin. aba’y mukhang malaking kalokohan na to ah. sa totoo lang e pati ang isang simpleng pagong na tulad ko e naaapektohan din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. aba’y hinayupak naman din kase ang tinaas na daig pa ang mga batang umiinom ng growee baytamins na may mottong “tatangkad din ako”. di naman naggrowee sila michael jordan, larry bird o si yao ming ah. kalokohan talaga.

enywey, balik sa aking pagrereklamo. punyemas talaga yang pagtaas ng bilihin. nagsimula ang lahat sa pagtaas ng naturingang pawis ng mga magsasaka, ang walang kamatayang ledyendari bigas! kam tu tingk ob it, ang laking “eww” at “yacks” diba? ikaw ba naman, kumakain ka pala ng pinatuyong pawis ng mga magsasaka! sino bang gaganahang kumain nyan? di naman ako wirdo, konti lang.. pero seryoso, tinaguriang pawis ng mga magsasaka ang bigas dahil dito ibinabaling ng mga dakilang parmers natin ang kanilang napakabigat na pasanin at trabahong pang araw-araw. biruin mo, ang pagtatanim ay di biro! maghapong nakayuko. di naman sila naka-upo o di din naman sila nakatayo.

at ngayon, tig tetrenta’y dos pesos na ang isang kilo ng bigas! malapit na yan mag isang dolyares ah! sino ba ang dapat sisihin sa pagtaas ng presyo ng bigas na pangkomersyal? ang gobyerno na di umano’y may pakana nito para makakuha ng kickback (sipa-likod) Read the rest of this entry ?