Imbakan para sa Mayo, 2008

h1

suspendido

Mayo 31, 2008

naman! bakit ganun!

yan tuloy, awt ob skool yoot na ako. sa mukha kong ito. ambait bait ko. Read the rest of this entry ?

h1

bakit masarap ang halik?

Mayo 18, 2008

antanda tanda ko na.

alam nyo ba na ang box turtool ang may pinakamahabang laypspan sa lahat ng mga kahayupan sa animal kingdom? hindi? aba, malay ko kung totoo yun.

tinatamad ako. antagal ko nang hindi nagpopowst. medyo bored ako e. wala din akong ibang maisip na ipowst. kahit andami naman blagabol na ekspiryens ang naekspiryens ko e ayoko paring magblag kasi piling ko e wala akong gana tuwing nakakaharap ko na ang iskrin.

sadya nga ba talagang ganito tayong mga pinoy? o ako lang?

pagpasensyahan nyo na kung medyo random ang aking mga pangungusap. hindi ko naman ito pinagplanuhan at wala akong balak na iedit ang aking powst. kapoy ra. nasa stream of consciousness ang aking mowd ngayon. kung anu lang ang maisipan ko e yun ang aking itatayp. Read the rest of this entry ?

h1

hindi ako galit sa nanay ko

Mayo 11, 2008

hoy nanay pagong! hapi ermats dey!

meron daw mindanao-wayd blak awt ngayong araw kaya bibilisbilisan ko to. ewan bakit. tungkol daw sa problema ng napocor-slash-meralco-slash-dabawlayt. oo, tiga-dabaw ako. angal? mahilig akong tumambay sa mol, autoshop, magsaysay park, bangkerohan at sa jack’s ridge. marami pa akong hilig tambayan gagawa na lang ako ng isang powst para sa aking mga dakilang tambayan para kung sakaling mapadpad ka dito e alam mo na kung san ka pwedeng maligaw.

eniweys. kung merong grinch sa pasko. pwes, ako ang grinch sa maders day. sino bang may pakana ng araw ng mga nanay? ay naku naku. nakakatamad magresearch at ilink sa powst ko. kayo na lang ang tumuklas.

hindi naman sa ayaw na ayaw ko sa nanay ko pero hindi kami in gud terms. siguro sins nuon pang ako’y nagkaisip. kaya siguro ako deviant sa lahat ng bagay at hindi laykabol kasi hanggang sa pagluwal lang ata ang trabaho ng nanay ko. pagtapos nun e bahala na daw ako.

pero kung magpapasalamat lang din ako sa nanay ko e magpapasalamat parin ako. hindi ito sarkastik kasi totoo naman talagang nagpapasalamat ako sa nanay ko pero hindi ito tulad ng pagpapasalamat ninyo sa nanay nyo na “salamat sa pagmamahal, nay” o “salamat sa lahat ng naibigay mo sakin” o “thanks for being my mom”. o hindeeeee!

pasalamat ko sa nanay ko:

1. salamat sa pagiging perpeksyonist. oo, kaya yun na rin ang nangyari, Read the rest of this entry ?

h1

kung ayaw mo, wag mo! mukha mo!

Mayo 7, 2008

yan ang sabi sakin ng isa kong kaibigan nung tinanggihan ko ang isang shat ng tanduay.

sa totoo lang ako ang pagong na walang ka bisyo bisyo. hindi ako nagsisigarilyo at hindi din ako umiinom ng kahit anumang inuming merong alkohol kontent. ayoko e. hindi masarap ang lasa at wala naman akong mapapala pag nainom ko yun. malalasing lang ako at ikahihiya ko ang sarili ko pagkatapos nun. ayaw ko nang umulit poreber! Read the rest of this entry ?

h1

ang sususwerte ng nakatuluyan nyo, kung sino man sila

Mayo 6, 2008

elo prends! kwentong musika na naman tayo para enjoy.

nadiskas namin sa aming klase sa kritisismo na ang musika daw ang hayest porm of art. ito daw ang pinakamataas na uri ng artes at sining. maniniwala ka ba? para sa akin e totoo yun. hindi daw literary teks o yung visual arts ang pinaka-da best. musika daw talaga. paulit-ulit na lang ako. bakit kamo? tinanong ko din ang sarili ko kung bakit. antagal namin nag-hula-hulaan sa klaseng yun. antagal namin nagets ang sagot. ang dahilan kung bakit ang musika ang da best ay dahil…

walang kinakaylangang media para maintindihan o makomprehend ang musika. pinapakinggan mo lang daw ang musika e makukuha mo na ang konsepto ng buong likha. sa litereytyoor e andami pang poetics at kung anu-anong animo’y bugtong na dapat mo pang intindihin bago mo magets ang kabuluhan. mahilig ako sa ganun, mahilig akong magbasa ng mga ganun at mahilig na rin ako magsulat ng mga ganun pero ayaw yun gawing ng ibang tao. nakakapagod daw e. para sakin e challenging kaya nga naging kors ko ang kre-eytib writing. ganun din sa visual arts. hindi mo makokomprehend ang tunay na diwa ng isang obra maestra sa unang tingin mo lang. pero sa musika e ibang iba talaga ang epekto sa atin. makinig ka lang e solb na! hindi mo kaylangang maging eksperto para maapreciate ang musika. basta basta! hehe..

eniweys, nabanggit ko na sa powst na “gusto mo ng mustard?” na mahilig ako sa mga babaeng singers at mga female-fronted band o yung mga banda na babae ang bokalista. yup yup! ibang iba talaga ang epekto sa aking pandinig at pakiramdam kapag babae ang kumakanta. hindi ko naman sinasabi na bading ka kung paborito mo yung mga lalakeng singers at male-fronted bands tulad ng kamikaze, red hot chili peppers, blink 182, martin nievera, ryan cayabyab at randy santiago. hehe. ayus din naman sila, sa totoo lang e may mga paborito rin akong ganung klaseng singers at banda.

gayunpaman e paboritong paborito ko ang mga girl bands. grabe kasi pag babae eh. iba ang boses ng babae sa boses ng lalake. para sa aming mga lalake e hindi pwedeng maging seksi ang boses ng lalake pero pwedeng pwedeng maging seksi ang boses ng babae. at gustong gusto ko ng seksi syempre. hehe. madali lang akong nagkaka-voice crush sa mga dj na babae sa fm radios. hehe. hindi ko pa nga nakikita si grace lee ng magic 89.9 e voice crush ko na. hehe. eniwey, ito ang listahan ng mga paborito kong female singers at female fronted bands:

da best gelprens

1. corrs. andrea corr! ewan ko na lang kung sinong gung-gong Read the rest of this entry ?

h1

pano gumawa ng gayumang epektibo

Mayo 3, 2008

gayuma ang madyik powsyon na pinaiinum sa mga taong target ng mga emo-slash-hopeless na mga tao na hindi naman gusto ng kanilang mga minamahal o natitipuhan. ito’y lumang haka-haka kuno ng mga matatanda noon pang unang panahon.

ngayon e wala nang naniniwala sa gayuma. kahit maraming nag-aadopt ng konseptong ito sa mga pelikula at mga tv series e hindi naman talaga ito pinaniniwalaan ng mga modernong tao. tulad ng hiwaga ng agimat, orasyon at kung anu-anu pang kaetchoosan ng ating mga lolo’t lola, hindi na talaga uso ang paniniwala sa gayuma.

pero kung isa ka sa mga nabanggit na emo-slash-hopeless na hindi talaga pinapansin ng crush e parang hindi na bale kung maniwala ka sa gayuma basta’t mapasa-iyo lang si crush. tama ba? hehe. kung ganun.. ang swerte swerte mo dahil tuturuan kita kung pano gumawa ng gayumang epektibo… Read the rest of this entry ?

h1

mis-ander-stood slash gago ka ted bundy!

Mayo 1, 2008

nandito na naman ang paborito ninyong pagong na nag-bablag! oy, ako lang ata ang pagong na nagbablag eh. hah! well, eniweys, dahil nakasulat na ako ng powst tungkol sa binary opposition e sana nama’y magegets nyo na kung bakit mas paborito ko ang mga kontrabida sa mga kartoons, pelikula at sa mga letereytyoor.

mis-ander-stood!

yan dapat ang tawag sa kanila. wala namang pinapanganak na masasama eh. grabe din. sa tingin nyo, hindi ba naging bata nang minsan si adolf hitler? may nanay rin naman si sadam hussein ah! kahit papano e may nagmamahal kay ferdinand marcos. anu ba? kahit sila pa ang dahilan ng holocaust, war in iraq at martial law e hindi naman sila pinanganak na ganun. malay ba nila na magiging ganun sila.

ang totoong may kasalanan e ang nagmolde sa kanila upang maging ganun. wag nyo nang tanungin kung sino. hindi ko alam. bakit? sa tingin mo ba’y clowse kami? neknek mo! mabait ata ako. hehe..

pero kahit ganun e galit na galit ako kay ted bundy! talagang sasaksakin ko ang kumag na magsasabing dapat e merong hustisya si ted bundy! ngayon ko lang to sasabihin: putang ina mo ted bundy! pak yu! kahihiyan ka ng nanay at tatay mo. kahihiyan ka sa salitang “evil”.

kung hindi mo kilala kung sino si ted bundy, hala! magresearch ka dong! o di kaya’y iklick mo tong link na toh! at yung mga link sa pangalan na ted bundy! ayun oh! ted bundy!

pero seryoso. mararangal naman na mga tao o halimaw na nagiging kontrabida. ewan bakit wala akong kilalang pagong na kontrabida. meron ba? sino? natural kasing mababait at kyoot ang mga pagong. hehe.

at bilang parangal sa mga bida sa buhay ko na pawang mga kontrabida e meron akong list ng aking mga paboritong kontrabida ob ol tayms. hehe. salubungin ng masigabong palakpakan sina:

1. count dracula. konde sa transilvannia. sya na ata ang pinakaklassik na kontrabida sa listahang ito. sya ang pinaka-una at pinakamalakas na bampira sa lahat ng mga bampira. wala na syang interes sa walang hanggang buhay at limpak-limpak na salapi kasi nasa kanya na ang dalawang yun. pero nakakagutom lang talaga ang laypstayl nya. dugo ang kaylangan nyang kainin. di sya nakakasimba kasi alergik sya sa krus. di din sya nakakapagstrolling sa parke pag-umaga kasi alergik din sya sa araw.

2. lord voldemort. kinilabutan ka? sa sobrang tindi daw nya e hindi daw dapat sabihin ang pangalan nya. isa lang ang masasami ko sa mga taong naniniwala dyan: voldemort! ka-itlogan nyo! yun siguro ang dahilan bakit naging emo sya. pag tinatawag sya e hindi sa pangalan nya. pag gusto syang tawagin ng mga ka-berks nya e madalas e “hoy”, “psst” at “bading” ang ginagamit nila. sino ba naman ang masisiyahan nyan. palagay ko si propesor dumblodore ang mahilig mamintas sa kanya noon kaya natatakot sya dun. kaya yun! ang batang si harry potter na lang ang pinagdidiskitahan nya.

3. darth vader. ay kawawa talaga tong taong to. bata pa lang e pinasasali na sa karera kalaban ang mga alieng may mga masasagwang mukha gaya nung si sebulba. naputulan ng kamay nung nagbibinata. inaway ng kanyang master nung gumagaling na sya. kung anu-anu pang pambebreynwash ng tanginang darth sidious o senador palpatine sa kanya (may topak talaga yang mga senador). bigo pa talaga sa pag-ibig. bawal daw sabi ng jedi order. e ano ngayon? kasalanan ba ang magmahal? nagmahal lang naman sya ah! abah! makakaluko-loko din ako kung si natalie portman ang leading lady ko noh! paboritong libangan: naglalakad sa langit, skywalker kasi…ngie! Read the rest of this entry ?