h1

pano gumawa ng gayumang epektibo

May 3, 2008

gayuma ang madyik powsyon na pinaiinum sa mga taong target ng mga emo-slash-hopeless na mga tao na hindi naman gusto ng kanilang mga minamahal o natitipuhan. ito’y lumang haka-haka kuno ng mga matatanda noon pang unang panahon.

ngayon e wala nang naniniwala sa gayuma. kahit maraming nag-aadopt ng konseptong ito sa mga pelikula at mga tv series e hindi naman talaga ito pinaniniwalaan ng mga modernong tao. tulad ng hiwaga ng agimat, orasyon at kung anu-anu pang kaetchoosan ng ating mga lolo’t lola, hindi na talaga uso ang paniniwala sa gayuma.

pero kung isa ka sa mga nabanggit na emo-slash-hopeless na hindi talaga pinapansin ng crush e parang hindi na bale kung maniwala ka sa gayuma basta’t mapasa-iyo lang si crush. tama ba? hehe. kung ganun.. ang swerte swerte mo dahil tuturuan kita kung pano gumawa ng gayumang epektibo…

loko lang!

pampabitin lang. hehe. kalokohan ko lang. nandito ako para sabihin sa inyo na gumawa ako ng mga bagong page sa blag ko. bukod sa aking mga mahihiwagang powsts e sana nama’y daanan nyo rin ang iba ko pang mga pages. hehe. para enjoy. ang mga bagong pages ko ay:

gesbuk. daanan nyo kung bumibisita kayo. pwede kayong mag-plagging at mag-adbertays. pwede na rin kayo maglagay ng mga links ninyo. kung gusto nyong bumati ng “hapi bertday” o kung gusto mong magsabi ng “yey! break na kami sa wakas!” e pwede rin! basta ang gesbuk ay para sa inyo. kayo na bahalang bumaboy at magpaganda nito. chalamats!

at

itanong mo sa pagong. dahil hindi naman ako bobong pagong, hindi mo masasabing bobo ako. simpleng pagong ako at modest para amining matalinong pagong ako. nyahahaha.. trip kong maging filing klows sa aking mga readers at sa mga naliligaw sa aking blag. kaya fil free kayong magtanong sa isang pagong na tulad ko. sasagutin ko naman yan ng buong kapagungan at bukal sa aking loob. hehe.

paalala ko rin, daanan nyo rin ang aking page na:

ang pagong at ang matsing. bersyon ko sa dakilang “ang pagong at ang matsing” na pabula na pina-uso ni jose rizal. sana nama’y magustuhan ninyo. komento din kayo para enjoy..

at

tungkol o abawt. selp-eksplenatory. ineekspleyn kung bakit merong simpleng pagong blog. at kung bakit ginugulo ng isang tulad ko ang sayber-speys.

basta yun yun! chalamats sa mga bumisita at naligaw. sana’y bumisita kayo o maligaw kayo ulit sa blag na ito. chalamats sa mga nagkomento! may sens o wala basta’t nagkomento ka e tumaba na ang puso ko. chalamats sa mga nag-subscrayb via rss feed. hehe. bukod sa akin, fil ko may nagsubscribe din iba. kung sino man kayo, chalamats. hehe.

sana’y hindi kayo mainis sa akin at naging cock-teaser ako sa gayuma issue. hehe. kung ikaw nga ang emo-slash-hopeless e sana’y palarin ka sa iyong lablayp. kung trip mo e humingi ka ng adbays sakin. nyahahaha.. itanong mo na sa pagong para enjoy.

basta lab ko kayo. ingat ingat!

stey simpol, stey pagong. wag magkakakumplika! simpleng pagong.

3 comments

  1. hmm.. di man ako emo-slash-hopeless na tao ay naging interesado rin ako sa gayuma-gayuma na yan kaya nga binasa ko tong entry mo.. hahaha!


  2. hahaha!
    akala ko tlgng may gayuma tlg! echos!

    sige sa susunod bababuyin ko ang gesbuk mo! weeheeee!!!!


  3. @linglingbells: asus. kunwari kapa. hehe. loko lang poh. nang-aasar lang. lam ku naman yun, wala namang emo-slash-hopeless na aamin e. hehe. hayaan mo’t magreresearch ako tungkol jan sa gayuma-gayuma.

    @eloiski: asahan ko yan marekoys. yey! parang utang. huuuuus, isa ka din ba sa mga emo-slash-hopeless? hmmmmm.. ^_^


Leave a Comment