saksakan ako ng gwapo!
hai hai.. at dahil mahigit kumulang isang taon akong suspendido sa pag-iiskool, e mamarapatin ko na ring maghanap ng tabraho. oo, tabraho! yan ang sabi ng kapatid kong apat na taong gulang lang, kapipisa lang nya sa itlog.
ai nah! sino bang naghahanap ng isang awt ob skool yoot na kahit papano’y nakatapos ng dalawang taon sa bachelor of arts in english major in creative writing! o ha! kaya nyo yan? suspendido na kung suspendido kaya hayaan nyo na muna ako magyabang! hoy! dean’s lister ata toh! average ko por last sem e 1.46! ako lang ata ang pagong na nakakakuha ng ganung grado! at hindi basta basta ang aking kolehiyo noh! e unibersidad ng pilipinas! up to doots! yoooooooooo peeeeeeeeee… sa ingles, umihi ka. you pee!
pero yun nga, sabi pa ng tatay pagong ko, “aanhin mo naman yang dean’s list mo kung suspendido ka naman.” okey na sana yun, dinagdagan pa nya ng: “hala, magkargador ka sa pier!”
mukha mo, tay!
eniweys, neks taym ko na ieelaboreyt kung bakit ako nasuspendido. bwehehehe! pero yun nga ang clue: may bugbugang nangyari.. ano? ano kamo? isa pang clue? hmmm… o sya, eto pa oh:
pangalawang clue: pagtapos ng bugbugan, yakapan agad (parang prends)! n_n
kung mahulaan nyo kung anong dahilan bakit ako nasuspinde e maaaring bigyan ko kayo ng premyo. gusto nyong ice cream? ha? gusto nyo yon? bigyan ko kayo nyan bah..
o sya, yan na muna yan sa ngayon. para sa mga nanghihingi ng burger sakin, eto lang ang masasabi ko sa inyo: mukha ninyo! di na kayo naawa sa isang simpleng pagong na tulad ko. huhuhu.. suspendido na nga, awt ob skool yoot pa! ang ibig sabihin nun, wala akong alawans.
at dahil sa dahilang yun akoy naghahanap ng tabraho. tab-ra-ho! kahit papano’y may binatbat din naman ako. ayoko ilagay ang resume ko dito sa blag. pero ilalagay ko naman ang aking ispesyal iskills. eto oh:
1. magaling mag-ingles. ay syempre! ang galeng galeng ko ata magspokening dollars noh! seryoso bords, kaya ko pa nga manggaya ng accent. kyumustey ne keyow?
2. mabilis magtayp. oy! disclaimer. kahit sinasabi kong mabagal ako magtayp, mabilis naman talaga. umaabot ako ng 60 words per minute. o debah? as in. hindi na nga ako tumitingin sa keyboard kasi memorayz ko na ang placement ng mga keys. chui noh? Read the rest of this entry ?










