ay anak ng barakong bastos!
nakuha ko yang ekspresyon na yan galing sa pugad baboy. o pig’s nest kung sa ingles.
ang tagal ko nang hindi nagbablag! e hindi naman ako nagkakapera sa blag na ito ah! may mga bumabasa nga pero hanggang dun lang naman! ay naku.
suspendido na nga ako sa eskwelahan, e nasuspinde pati yung blag na pineperahan ko! ewan bakit! naisip ko baka dahil sa mga fektyoor na dinawnlod ko dun pero hindi naman! mag-iisang taon na akong blag ng blag e wala pang nangyayari saking masama dahil sa ilegal na pagdawnlod ko ng mga kung anu-ano sa aking blag!
e kung ayaw mong kopyahin ng ibang tao ang litrato mo onlayn, e di wag mong ilagay onlayn. ang dali dali lang naman non! sa aktong paglagay mo ng litrato sa prenster, blag o sa kung anong onlayn na pinaglalagyan mo e anderstood na dapat na handa kang makakita ng mga taong mangongopya ng dinawnlowd mo.
pero gayunpaman e suspendido parin ang blag ko. kaya wala na akong pera sa blag. hahai.. kung sabagay! okay na rin yun! tinatamad din naman ako magsulat ng mga kung anu-anong hindi ko naman talaga naiintindihan. bastat isali lang ang link nila sa kontent e meron nang tatlong dolyar. hah!
bah! mahigit apat na libo rin ang nakuha ko sa blag na yun..
nasasayangan ako sa mga sinulat ko doon na para sa akin ay meron din namang kabuluhan sa buhay ko. bago ko din pinagkakitaan ang blag na yun e rekwayrment yun sa isang sabjekt sa kolehiyo. asayd don e nilalagay ko din dun ang mga hinaing, komento at kung anu-anong maisip ko bigla. in english!
wala naman akong ibang kopya nun. kaya sayang talaga.
so mats por dat. wats gan is gan. wala na akong magagawa dun. okay na. move on na ako jan.
ui pero sayang talaga! hahaii..
may trabaho naman ako. market resercher na ako. nyahahaha! ay ang enjoy ng trabaho. kakausapin mo lang ang mga amerikano at tatanung-tanungin mo kung ano ang opinyon nila sa mga kung anu-anong tapiks na maisipang ipatanong ng mga kliyente namin. Read the rest of this entry ?










