pagong kwento

ang pagong at ang matsing
popyularayzd bay gat jose protacio rizal
(simpleng pagong bersyon)

unang part: a nyoo hope for da saging

noong unang panahon in a boulebard far far away e merong dalawang magkaibigan na isang pagong at isang matsing. habang naglalakad sila sa may baybayin at nag-uusap tungkol sa greenhaws epek at greenday na banda at green jokes at kung ano ano pang green, e may nakita silang naghihingalong puno ng saging na naghihingalo sa daanan. obyoos naman na pwede pang mabuhay ang saging at minabuti nilang itanim ulit ang puno.

pero dahil ayaw ni matsing ng joynt akawt kasama si pagong at dahil in a way gusto niya makalamang kase trip niyang maging kontrabida sa storya eh sinabi niya kay pagong na hati-in nila ang puno sa dalawa at magkanya-kanya sila sa pagtanim ng saging. kawawa naman ang puno ng saging, naghihingalo na nga eh hahati-in pa. pero dahil wala naman din syang magagawa at dahil sa kakulitan ng matsing e natuloy ang paghahati sa kawawang puno.

hinati ang puno ng pacrosswise. ngayon eh may dalawang bahagi na nang puno nang saging and madahon na dulo at ang maugat na dulo. o diba? hanep ang magkabilang dulo. dahil sa angking katamaran ng matsing at dahil napakaapurado nya e pinili nya ang madahon na dulo, akala din kasi nya e mauunahan nya si pareng pagong sa pagpapatubo.

sa tingin niyo, ano kayang dulo ang pinili ni pagong? wala kayong clue? e syempre napilitan si pagong na kunin ang maugat na dulo. lingid sa kaalaman ni matsing e may tatlong yunits pala si pagong sa mst5 biotechnology and society na kurso ni dr. eufemio rasco jr. sa upmin at nakatsamba ng gradong 1.75 kaya marami palang alam si pagong tungkol sa tissue culture, cloning at genetic engineering! o kaya mo yan? wag mong ismolin ang mga ismol na pagong! dali-daling kinuha ni pagong ang maugat na dulo para makapag-umpisa na sa pagtanim ng saging.

pangalawang part: attack of da saging clones

tu meyk da long story iben longer, nagkanya kanya na ang dalawang magkaibigan. parehong may mga ultiryor motibs. yung isa e gusto maka-isa sa kaibigan at yung isa naman ay gusto gumawa ng maraming banana q at minatamis. ikaw na bahala mag-isip kung sino sa matsing ang pagong ang angkop sa nakatalagang ultiryor motibs. nagtanim at nagtanim ang dalawa. si matsing ay basta-basta lamang isinuksok and kanyang saging sa kung saan (teka, bat parang iba ang tunog nun sa aking pandinig?). basta, hindi inalagaan ni matsing ang kanyang saging dahil dumeretso kaagad sya sa boyztrek netcafe para maglaro ng dota. besayds, mamamatay naman talaga ang dulo ng kanyang saging kasi walang ugat yun.

syempre dahil nasa kabilang dulo ng baynari oposisyon si pagong e maaasahan talaga ninyo na puro positibo lang ang isusulat ko tungkol sa itinanim nyang saging. siya din syempre ang protagonist sa storya kaya okey pa sa orayt ang kanyang tinanim. dahil magaling si pagong magclone ng kanyang saging e dumami ang mga bunga ng kanyang tinanim. di kalaunan dahil sa kanyang kasipagan e dumating sa punto na napakalaki at napakataas na ng saging ni pagong (sandali lang, nakakahalata talaga ako na medyo weerdo yun pakinggan a!). madami din pati itong bunga na pwedeng i-banana q, turon, minatamis at banana chips.

sa huli e panalo ang simpleng pagong! magteyk kasi kayo ng bio-tech!

pangatlong part: da matsing strayks bak!

dahil malakas ang pang-amoy ng unggoy na si matsing na unggoy din at dahil ifinityoor din sa mga blags, rated k at sa guiness ang napalaking puno ng saging ni pagong e syempre umiral ang pagiging inggitero nitong si pareng matsing. pero dahil ayaw nyang mahalatang bitter o kahit papano e ayaw niyang makita ng mga tao ang kanyang pagiging talunan sa isang simpleng pagong e dehins nya pina-emo stayl ang kanyang buhok at dehins din sya nagmukmok sa isang sulok.

ang ginawa ng gagang matsing e lumapit sa biktoryus at simpleng pagong at kinongratyooleyt ang bespren daw. nakipagbeso-beso pa! aay, kabadingan ng matsing. balak pala talaga niyang kunin ang malulusog na bunga ng puno ni pagong. pero syempre ginamit din nya ang kanyang pagiging tuso.

“parekoys,” sabi ni matsing. “halata naman sa kabansutan mo at sa katangahan mong dalahin ang mabigat mong haws en lat sa likod mo na mahihirapan kang akyatin ang puno ng saging na kay taas taas.”

“oo nga no,” tango ni pagong. nasa isip din nya yun. aktwali e binalak nyang humiram ng kreyn sa konstraksyon site sa may bankerohan bridge para hakutin ang mga saging nya. sinabi nya ang ideyang ito kay matsing.

“wag ka na mag-alala, pareng pagong,” wika ng matsing wid a sooting boses. “ako nang bahala sa pagkuha ng mga bunga ng puno mo. tutal, unggoy naman ako eh. nakapagtapos ata ako ng degri in tree climbing.”

syempre, nandito yung tinatawag naming mga kre-eytib rayter na hammartia o tragik flaw ng protagonist sa isang story. dito e makakagawa ng isang maling desisyon ang bida para naman magkabuhay at magkaadbentyoor naman ang storya. pangit naman kung swak na swak lahat ng nangyayari sa kwento diba? kaya yun! dali-daling pumayag si pagong sa oper ni matsing. hanep din to si pagong at binigyan pa ng sweldo si matsing sa pag-akyat ng puno niya, dalawang banana-q daw.

umakyat ng umakyat si matsing sa puno ng saging ni pagong. ang taas-taas ng kanyang inakyat. hintay muna tayo ha. siguro log-off muna kayo tapos balikan niyo lang after piptin minits. uy teka, anjan na. naabot na ni matsing ang tuktok at dun ay naekspiryens nya ang kaligayahan dahil puro saging ang nandun! saging, ang paborito ng mga matsing (oy, walang bastos dun ha!)!

“hoy, pareng mats!” sigaw ni pagong sa baba. “bumaba ka na’t dalhan moko ng saging!”

at ang sabi ni matsing ay: “neknek mo! akin na toh lahat! kakainin kong lahat ng saging mo dito! mwahahahahaha!”

at kinain ni matsing ang saging ni pagong. anong dobol mining? oy wholesam yun ha!

pang-apat na part: da rebenj of da simpleng pagong

namulat sa katotohanan si pagong at dali-daling nag-isip ng pwedeng iganti sa tusong matsing na hanggang sa ngayon ay nasa taas pa ng puno. lokong matsing yun! inisip niya ang kanyang mga adbanteydyes. namber wan: hanggang ngayon e nasa taas parin ang matsing. namber too: busog si matsing at siguradong wala na yun sa konsentrasyon in ader words e nalasing yun sa saging. at namber tri, ito din ang pinakaimportante: mas matalino ang pagong kesa sa matsing, iskolar ata ng bayan! (uy, nag-plug ng skwelahan).

kaya yun! kinuha ni pagong ang lahat ng mga barbe-q stik na nakakalat sa daanan salihan mo pa ng mga barb wire ne medyo kinakalawang na. pinaku-an ng pinaku-an ng pagong ang paligid ng kanyang puno ng saging. nilagyan pati ng mga booby traps. lahat na lang ng maisipang ng pagong e nilagay na niya sa baba ng kanyang puno.

hindi to napansin ng matsing dahil sa kanyang pagiging bisi sa pagkain ng hindi sa kanya. yan! puro saging ang inaatupag! hay nako. ang kalokohan ng matsing. nung nabusog na ang matsing e naisipan niyang bumaba sa puno. pa-islayd pa nga kung bumaba e.

“aaaaarrrrrrraaaaaayyyyyy!!!!” sigaw ng matsing. “anak ng tipaklooooooooooooooong! aw.. aw.. aw..! areku! areku! awts naman! boyseeet na pagong na etuuuuuuuuuuu…” *toink* “aarrrrrrrrruuuuooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!”

kayo na ang bahalang umintindi doon. hindi naman tama na puro nalang deskripsyons no! fil ko ang tawag dun e onomatopeia. sori kung mali ang ispeling.

bastah, naisahan ang nang-isa! haha. ang galing kasi ni simpleng pagong!

pang-limang part: return of da simpleng pagong

in sam kumbinsing mirakool e nakaya pa ni matsing na isurbayb ang lahat ng booby traps na isinet ni pagong. ito lamang ay nagpapatunay sa kasabihang “masamang damo, madaling hit-hitin”…este…”masamang damo, matagal mamatay” pala. tila sinaniban ng ispiritu ni mojojojo e hinabol ng hinabol ang simpleng pagong. howpfool kayo no na makakatakas si pagong? eeeengk! mali! kung gagamitin natin ang ating mga sentido kumon o kung sa wikang ingles ay komon sens, marereyalays natin na hindi mabilis tumakbo ang mga pagong anles kung isa kang suso (sneyl ha! hindi yang iniisip mo!).

giben dat pakt tapos salihan mo pa ng aristotolyan lodyik na ip ey is ikwal tu bee and bee is ikwal tu see, den ey is ikwal tu see halimbawa kung ip gwapo ang mga pagong at pagong ako edi ibig sabihin e gwapo ako! parang ganun! gowing bak sa kwento, kung madaling mahabol ang mga mababagal at kung mabagal si pagong edi obyoos na obyoos na madaling mahahabol si pagong! waht?! rili? ambilibabol? syoor ka? hindi ata ako makapaniwala! pwes maniwala ka dahil ito ay kumbinsing!!!

kaya yun! nahabol si pagong ng sooper bitter, sooper badrip, sooper emo at sooper sa ka-eklavoosh na si matsing. at dahil may pagka-sick tong si matsing kase nga nasaniban ni mojojojo, ay naisipan nitong…

“sunugin si pagong!”

“o sige bah!” sabi ni pagong na halata naman para sa mga taong nagbabasa na nagba-bluff. “pagsinunog mo ako e titigas ako at magiging indestraktabol ako! hindi mo na talaga ako matatalo nyan! sunigin mo ako bay ol mins! haha!”

nagdalawang isip ang matsing at nagbago ng isip, wala naman pala tong isip. den naisip niyang…

“tadtarin si pagong!”

“o sige bah!” sabi ni pagong na patuloy sa pag-bluff. “pagtinadtad mo ako e magreregenereyt ako. tulad ng butiki ay tutubo at dadami ako! parang si wolverine at parang amiba! tadtarin mo ako bay ol mins! haha!”

tapos nang magdalawang isip ang matsing kaya’t nagtatlong isip na sya dis taym. biglang may epiphanic moment ayon pa kay james joyce…

“ihagis si pagong sa karagatan!”

“o hindeeee!” arte ni pagong na pang best aktor sa oskars. “wag po pareng matsing! hindi ako marunong lumangoy! wag mo ako itapon sa deep dark osyan! nakakatakot dun!”

at syempre dahil laging absent si matsing sa kanyang mst2 biology class na naturingan pa namang klase ni chanselor ribero e hindi tuloy niya nalaman na pwede palang mabuhay ang mga pagong, lalo na ang mga simpleng pagong, sa karagatan. kaya’t dali-dali nyang hinagis si pagong sa karagatan. ang pobreng uto-uto talaga!

-da end-

epilog at tapsilog

nagulat na lang si matsing ng makitang kumaway si pagong sabay pakita ng mga daliring animo’y nagde-dirty finger sa kanya. opended daw si matsing nung ni-rid my lips nya si pagong kasi ang nabasa nya ay: “neknek mo baklang matsing! bak joo!”

to da reeders:
pasensya na kayo kung na kerid away ako sa aking imahinasyon. napakaboring kasi nung kinwento ito ng grade wan kong titser na si misis marturillas, nilagyan ko lang nang konting palaman. to mam marturillas: kumusta na po kayo mam? nagtuturo pa po ba kayo? sori po kung nabasag ko yung pinggan nyo wan taym ha. sori rin nung nabasa ko yung shayni na ploorwaxed na sahig niyo nung naka-ihi ako sa klase habang nagtetest kami. ikaw kasi eh, ayaw mo ako papuntahin sa banyo! again to da reeders: chalamat sa pagbasa ng bersyon ko ng kwento ni rizal. i aprisiyet yor kayndess. sana’y may matanggap akong konstraktib na kritisismo galing sa inyo o kahit koments lang. grabe din kaya ang eport ko sa pagsulat nun! chalamat por yor endoorans! ay lab yu beri mats, batman! kung piling nyo e nababoy ko ang kwento, sori sa malaki kong pagkakasala! aaku-in ko ang responsibilidad at ilalagay ko ito sa listahan ng aking mga mortal sins. ay lab yu parin, batman!

gayd kwestyons por kritikal analeesis:

1. bakit ‘ang pagong at matsing’ ang taytel ng kwentong ‘pagong at matsing’? wala na kayang naisip pa si rizal na taytel na hindi masyadong obyoos? ipaliwanag.

2. ano ang ibig sabihin ng gat sa pangalang gat jose rizal? ito bay ekwibalent ng mister sa salitang ingles? kung ganon, sa tingin mo masagwa ba ito pakinggan?

3. ilang “simpleng pagong” ang nabanggit sa buong kwento? tru ba yan or pols?

4. sino ba ang may mas malaking saging? si pagong o si matsing? kaninong saging ang trip nyong kainin sa dalawa? sa tingin nyo bastos ako? oi, dirtee maynded…

5. in da pirst pleys, naniniwala ba kayong nakapagsasalita ang mga pagong at matsing? nakakita ka na ba ng pagong o matsing na nagtatanim ng puno ng saging?

6. ilan ang grade mo sa mst5? napasa mo ba lahat ng exam ni sir rasco? umaabsent ka ba sa mst2 ni mam ribero?

7. ano ang ibig sabihin ng “bak joo”? yupemism ba ito sa bad word na katunong ng apilyedo ni manny pacquiao?

8. modipayd tru or pols. ang kros-brid ng saging at ng kawayan ay banana-q.

9. napansin mo ba na hango ang taytel ng mga parts sa episods ng starwars? ikomper at ikontrast.

10. kumusta na si misis marturillas? kilala mo ba sya?

——————————————————————————

rayt yur answers to a pis of pepper: pwede sa long or short kukumban o sa pink/blue/red/purple/black or yellow pad, pwede ding isulat sa bato o sa hangin pero mas maganda kung…

isusulat mo as komento ang mga sagot ninyo o di kaya’y i-email o i-way-em sa simplengpagong@yahoo.com. may libreng ice-cream na pleybor of da rowd ang makakasagot ng tama. wag na kayong umasa kasi tulad ng philosophy quizzes namin kay sir pavo sa aming ssp5: philosophy, “der’s no rayt or rong anser.”

hanggang sa muli! ito ang pagong na hindi kumplikado: pagoy da simpleng pagong!

33 sumagot

5 04 2008
unang padyak ni pagoy « simpleng pagong

[...] ang pagong at ang matsing [...]

10 04 2008
jetcetera

haha.. ang galing ko.. ^_^

3 07 2008
choobitz

hehehe……nakakatuwa aman cla

8 07 2008
seth

ang gara ng kwento na 2!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

26 08 2008
grabe

what the hell? you totally butchered a great story by Rizal. screw you. feeling mo ang galing mo.

30 08 2008
RJ

hahahaha. ang saya ng kwentong ito. natuwa talaga ako. salamat sa pagpost kasi nagamit ko sa aming report sa Filipino. sana gumawa ka pa ng maraming kwento at lagyan mo parati ng palaman. sana balitaan mo rin ako para mabasa ko lahat ng works mo. :)

30 08 2008
RJ

hai agen…

curious lang ako kasi nabasa ko lang naman ang exact entry ng “ang pagong at ang matsing” mo.

http://sakura_gali_shark11.blogs.friendster.com/haii/

ito ang address ng nabasa ko. exact as in exact talaga ang wordings pati na ang questions mo. hehehe. :D

1 09 2008
pagoy

@choobitz: mabuti’t natuwa ka. natutuwa ako’t natuwa ka. magkatuwaan tayo bords.

@seth: magara nga ba talaga? e kalokohan nga e. inegsadyereyt ko lang.

@grabe: ay, bakit kaya sa tingin mo e binaboy ko ang kwento ni rizal? eksplein nga. sa isyu ng “screw me”.. hala sige, by ol mins! turnilyohan moko..

@rj: buti’t nakatulong ang kwento ko sa report mo. sana e hindi ka binagsak ng titser mo. ewan ko lang kung bat nilagay ng blagger na yung ang post ko sa blag nia, para pampataas pr siguro. sana naman e inaknowledge nia na ako sumulat ng bersyon.. hehe.. sa kanya tuloy pupunta ang mga kritisismo ko. hahaii.. inemail ko na, sana’y ayusin nya yun. n_n

1 09 2008
RJ

salamat talaga!!! ah bahala na kung bumagsak ako o hindi basta’t may naipass ako. magaling kang sumulat!!! keep it up. at saka pala yung kumuha ng article mo, hindi niya inacknowledge ang name mo. ok lang yan, nan jan naman si GOD. siya na bahala humusga. hehehe. :)

15 09 2008
12square

wahaha… yur su funni

15 09 2008
12square

doyou got friendster? add kita. haha… marami ka p ba dyang revived kwento?

8 12 2008
orangeaislin

salamat!! kailangang-kailangan ko na ng kopya ng kwento at hindi ko alam saan ako maghahanap.

13 06 2009
silencer1987

ganda kaya ng kuwento o.a. naman yung nagsabi ng panget daw? ^_^ two thums up para sa kuwentong ito… hehehe…

18 06 2009
GLEN

ANG PANGI NG KWENTO MO

23 06 2009
erika

wow ang gnda:D

16 07 2009
Chaque

First comment:

Pasensiya if gustong kong mag-comment in Taglish.

Wala akong trip e.

So.

I’d like to answer a question taken from “gayd kwestyons por kritikal analeesis”: ano ang ibig sabihin ng gat sa pangalang gat jose rizal? ito bay ekwibalent ng mister sa salitang ingles? kung ganon, sa tingin mo masagwa ba ito pakinggan?

Oh. Tatlong kwestyons pala yan.

Anyway.

According to Wikipedia, the free encyclopdia:

The acronym GAT can refer to the following:

* The Genius Association for Tomorrow, a humanitarian organization founded out of Endicott, New York
* The General Achievement Test taken by students in Victoria, Australia prior to completing their Victorian Certificate of Education
* The GAT automotive company formerly based in Estonia during the early 60’s to late 80’s
* The “Gifted and Talented” demographic in education
* Ground Armored Tank, a fictional vehicle from the Star Wars: The Clone Wars video game.
* GAT, the “Guidance Automation Toolkit”, one of the pillars of the Microsoft “Software Factory” vision along with the DSLTools

The Merriam-Webster’s Online Dictionary doesn’t say anything about “gat” being synonymous with “mister.”

And.

No, it doesn’t sound masagwa.
One of the definitions given by the Merriam-Webster’s Online Dictionary says that “gat” is “an archaic past of ‘get’.” And the sound of “get” doesn’t give even the faintest hint of kasagwaan.
So there.

16 07 2009
Chaque

Second comment:

This serves as my answer to the following questions:
kumusta na si misis marturillas? kilala mo ba sya?

Hindi ko siya kilala so hindi ko alam kung kumusta na ang “lagay” niya (awwwwwwww).

sino ba ang may mas malaking saging? si pagong o si matsing? kaninong saging ang trip nyong kainin sa dalawa? sa tingin nyo bastos ako?

Hindi ka naman siguro bastos. Well, it depends on how a person looks at your words na lang.

Mm.

Hindi naman nagbunga ang tinanim ni matsing, so imposibleng ikumpara kung sino ang may mas malaking saging.

Pwera na lang kung ibang saging ang tinutukoy mo (oh, yeah).

16 07 2009
Chaque

Third comment:

Many of the words translated from English to Filipino freak me out.

Nonetheless, I like your version of Rizal’s “Ang Pagong At Ang Matsing.”

It’s funny. Anything but boring. ;)

P. S.

Idol mo ba si Bob Ong?

23 07 2009
Michelle

Hello. Taga SPED ka? Si Mrs. Marturillas ba na taga SPED ibig mo sabihin? Reply please :D para makwento ko sa nanay ko :D

23 07 2009
Michelle

Hello. Taga SPED ka? Si Mrs. Marturillas ba na taga SPED ibig mo sabihin? Reply please :D para makwento ko sa nanay ko :D

(send ulet, mali ang unang email add na nabigay ko)

27 07 2009
pagoy

@rj: cenxa sa late rep. wala akong makoment, filing ko di mo naman din babasahin to.. pero salamat sa pagkomento.. n_n

@12square: yup, meron akong prenster.. funni din ang ibang komedyante.

@orangeaislin: masaya ako’t nakatulong ako sayo..

@silencer1987: salamat sa two thums up. hehe.. ambabait nyo ah..

@glen: ok. sabi mo eh. ikaw? maganda kwento mo?

@erika: tenks, sabi ni glen pangit daw. yan ang tinatawag na relative.

@chaque: salamat chaque, nagresearch ko talaga. sabi ko komento lang. pero na-apresiyeyt ko to..

@michelle: nanay mo si mrs. marturillas? titser ko sya sa grade wan. seksyon lawaan. di na sana nia ako maalala. n_n

28 07 2009
Michelle

Yup pagoy, sya nga nanay ko :) maaalala ka nun, bigay mo sa kin full name mo para matanong ko.

31 07 2009
yreekah nabaha

mr pagong naaply mo talaga ang lessons mo huh :)

uhm. sa number 10 question,
actually kilala ko si mam marturillas…naging teacher ko xa sa kinder wehehehe… taga sped ka pala dati?? … baka ganun pa rin ang itsura nya u kno :) baka ganun pa rin ang sinasabi nya sa s2dents nya, say…”rayt yor leters in da blu-red-blu layn.”

sa number 6. hindi pa ako nag mst 5. tsaka di si chancee ang teacher namin sa bio (mst2). kelanman di ako nag-absen dun. at love ni sir rasco ang bunny jacket ko.

number 8. absolutli TRU :P

number 1. kaw kaya pasulatin ng children’s lit di ka makaisip ng iba pang mas obyus kesa ang pagong at matsing? sige daw. isip tau ng di masyado obskyur na taytol.

number 2. gat as in, iGAT. playboy baya yan si jose-boy, baka di mo alam. nakipag eye ball sa ken, di ko sinipot hehehe:)

number 4. basta masarap ang hinog na saging :)

number 7. watebers u wana se u no, parang ah ganun pa ren yun. u no.

2 08 2009
P-noy Ako

Ang haba naman ng kwento mo.
Kailangan ko lang ng maikling kwento ng pagong at matsing!

17 09 2009
aiko

hi poh nkktwah nmn yang kwento nah yan hahhha

17 09 2009
aiko

hihiiih

26 10 2009
Mr.Unknown

whooo….. sa wakas nahanap ko rin bukas na kani ipapass to eh tnx….^_^

9 06 2011
riza

ayusin mo naman para maintindihan ng iba yung tagaolg lahat ass. namin to

14 06 2011
Gerald Lozada

ang ganda

17 06 2011
Don Pulubi

ewan ko ba kung lag aral talaga kayo ng lodyik or kagaya din kayo ng bitter pagong.

kung kinain ni matsing lahat yung saging sa taas ng banana tri, eh di na yun matsing o tsonggo or unggoy. di kaya kainin ni matsing ang volume na more than 3times ng laki ng katawan nito.

isa pa, marunong pala si pagong sa bio-technology, eh di sana maning mani sa kanya ang hydrophonics. Eh di doon na lang sana sya nagtanim sa tubig.

wan more ting, imba naman ang kababawan ng kasiyahan ni pagong at wala man lang halong vengeance? naka takas nga sya sa anger ni matsing nung tinapon sya sa deep dark ocean, (which is doubtful also kasi ang ocean ay gitna ng dagat yun, malabo magpunta dun si matsing). anyway, nakatakas nga sya, pero ganun na lang ba yun? lahat ng efort, luha, dugo at pawis sa pagpapalaki at sa saging nya(grin minded ako) at all gone with the wind na lang ba? wala man lang ba syang urge for vengeance and retaliation? kung wala, eh di hindi si pagong ang protagonist sa kwento kasi panalo pa din si matsing… why?? kasi naisahan ni matsing si pagong si pagong naisahan din si matsing, so even sila doon. natalo si pagong kasi di nya man lang natikman ang masarap at malaki niyang saging .
oh diba?

13 08 2011
Charlemagne Vincent

grabe ka tol!IDOL!!!!

13 12 2011
elloyse

.Maganda na po sana,pero may double meaning nga lang kac :> .

5 06 2014
rosechelle

hellow

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: