yey! sa wakas at may blag na ang isang simpleng pagong na tulad ko. op cors, late na naman ako at nahuli ako sa usong trend ng mga tao (at pagong) na blagging as yuswal dahil sa kabagalan ko and ebriting pero ang importante ay nandito na ako sa sayber speys! yey ulit!
bakit ako isang pagong? or in ader words eh nag-aasyum na pagong ako? e dahil yan sa aydol ko ang mga pagong lalo na sa legendary na kwento na “ang pagong at ang matsing” na ginawan ko pa ng book rebyoo nung akoy nasa elementarya pa. si gat jose rizal nga pala ang may pakana ng storya na yan–para dagdag kaalaman: siya din daw ang nag-pauso ng champorado. at muntik ko nang makalimutan, importante din pala, sya ang nasyonal bayani ngayon ng pilipens. Read the rest of this entry ?










