unang padyak ni pagoy

5 04 2008

yey! sa wakas at may blag na ang isang simpleng pagong na tulad ko. op cors, late na naman ako at nahuli ako sa usong trend ng mga tao (at pagong) na blagging as yuswal dahil sa kabagalan ko and ebriting pero ang importante ay nandito na ako sa sayber speys! yey ulit!

bakit ako isang pagong? or in ader words eh nag-aasyum na pagong ako? e dahil yan sa aydol ko ang mga pagong lalo na sa legendary na kwento na “ang pagong at ang matsing” na ginawan ko pa ng book rebyoo nung akoy nasa elementarya pa. si gat jose rizal nga pala ang may pakana ng storya na yan–para dagdag kaalaman: siya din daw ang nag-pauso ng champorado. at muntik ko nang makalimutan, importante din pala, sya ang nasyonal bayani ngayon ng pilipens.

sa mga hindi pa nakakaalam ng storya ng pagong at ng matsing e malas ninyo. san ba kayo nag-grade wan? anong kalokohan ng kurikulum ninyo at hindi isinali ang napakainspayring na kwento na yan sa inyong aralin? alala ko pa nga na paulit kong binasa-basa ang kwentong yun sa aking nowtbook na puro nowts na pinapasulat samin ng titser naming wala nang ginawa kundi magpasulat ng nowts. dahil pagong nga ako e laging ako ang hinihintay ng buong klase bago burahin ng titser ang mga nakasulat sa pisara.

bawiin ko nalang. dahil isa akong simpleng pagong na mahilig magbasa at magsulat e ikukwento ko ang kwento na “ang pagong at ang matsing”. i-klik mo lang ang hayper-lingk na itoh! at ito pah! o diba? hanep talaga tong teknolohiyang toh… o eto pa oh! puro hayper-lingk yan sa kwentong “ang pagong at matsing”. teyk nowt lang na bersyon ko yan. wag na kayo umalma dahil kre-eytib rayter yata tong pagong na toh! kung gusto ninyo nang medyo matinong bersyon sa world wayd web, hala! maghanap ka ng mabuti!

andami ko pa palang dapat gawin. hindi talaga ako syoor sa kung anong tamang blag hosting websayt ang dapat kong salihan. yari lamang nandito na lang din ako sa wordpress na kung sa tagalog pa ay salita-pindot, ay lulubos-lubosin ko na lang din ang feetyoors neh-to. andaming naggagandahang blags na sa sayber-speys na to ah. nakaka-inggit nga kasi hanep sa spesyal epeks tong mga blags na to. may mga naglalakihang mukha nila, kagimbal-gimbal na mga widyets, nakakatulong laway na chatbakses, ay-mim, rss fids (pagkain ba yun ng pato?) at kung anu-ano pang palamuti at pakyoot ng blags. kulang na lang e lumabas sa monitor mo ang blag nila at biglang sapak sa mukha mo sabay sabi na “ang ganda-ganda-ganda ng blag ko!”

tatango na lamang ako sabay ngiti sa mga nagniningningang blags ninyo. nuon e pilit kong matutunan ang mga kung ano-anong madyik triks at tekniks para gumanda ang blag ko pero kalaunan ay sumuko o gumib-ap lang din ako. naisip ko na isa lang nga pala akong pipitsugin at simpleng pagong. hehe. pero wag kayo mag-alala, darating din ang taym na magniningningan din ang blag na itoh! humanda kayo! sa ngayon e hinay-hinay muna ako sa pagbablag.

mamangha kayo sa aking angking galing! nyahahahaha! it’s da powsts dat kawnts. o debah! at dahil mahilig ako magbasa at magsulat at dahil din mahilig ako tumulong sa mga taong tulad kong mahilig magsulat at magbasa pero nga lang madalas na inaatake ng katamaran e nakahanda akong magpowst ng mga powst regarding litereytyoor at kreeytib rayting. dun ako magaling e. haha! trip ko din magsulat ng mga hart tu hart kowts at tips sa pang-araw araw na buhay-buhay nating mga pinoy. beysikalee e balak kong isulat ang kahit anong trip kong isulat na kung anong maisipan koh.

balak ko naman na makareleyt lahat ng tao na makababasa ng mga powst sa blag na itoh. hahai.. obyoos naman masyado ang aking pagiging makabayan dahil sa pilit kong paggamit ng wikang tagalog kahit mga salitang ingles ay tinatagalog ko na ng ispeling. wehehe…

a bastah! ang importante ay mahalaga at ang mahalaga ay importante. bastah! may blog na rin ang pagong na tulad ko sa wakas por ebribadee to bisit and endyoy! yey! salamat nga pala sa mga nag-inspayr or sa mga nag-inspira sa akin para gumawa ng blag na ito. imemensyon ko sila sa mga susunod kong powst para akyooreyt at kumpleto, balak ko kasi silang ifeetyoor sa mga darating na powsts… huuus! o sige, umasa ka na isa ka dun! libre mangarap…

sanay sumilip-silip o bumoso-boso na rin lang kayo sa blag na toh wans in a wayl o kahit wans in a bloo moon. wayl yor at it e sana’y pumowst ka na rin ng mga komento dyan. sabihan nyo na ako kung dapat ko na bang itigil ang kahibangang nais kong simulan, ipaliwanag niyo na rin kung bakit. pero syempre open na open ako sa mga konstraktibong kritisismo or kritisismong layon lamang ay manlait at mang-inis. payts lang yan.

ngayon pa lang e maraming chalamat sa pagbabasa ng powst na ito. kung umabot ka nga talaga sa puntong ito, wow grabe! nakaya mong i-endyoor tong powst na toh. aydol na kitah! sana’y maendyoor mo rin ang mga sumusunod kong powsts at pakulo.

hanggang sa muli! ito ang pagong na hindi kumplikado: pagoy da simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

3 responses

15 04 2008
alpha

jet!! gnito ka na pla mgblog? no wonder nagkakapera ka.. galing, hehe.. kainspire nman..di ka b nauubusan ng sasabihen??

15 04 2008
alpha

i need more time to to read all of these…pang 1 hr lng money ko… be back later. : )

15 04 2008
simpleng pagong

@alpha: la nga aku pera ditooo. hahaii.. tripping lang. san kana ngayon uyii.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: