sa sayber-speys

7 04 2008

ow may simpolness! at ow may golly pagongness!

andami palang dapat gawin dito sa blagging. hindi ako ganun ka galing wen it kams tu tekki staf. sa totoo lang matagal ko ding ginagamit ang aking pipitsuging tertitri piptin (3315) na selepon. umabot na rin yun ng mga anim na taon bago ninakaw ng walang magawa dito sa boolebard. basayds, e hindi lang talaga umaapila sa akin ang mga hay-tek na mga kabagayan. nakukumplikahan ako e. syempre gusto ko ng simple.

pero kahit papano e kung mabilis ako sa isang bagay e yun ay ang pagiging fast lerner! orayt diba? kaya nga paborito ako ng mga titser ko e. hindi naman din ako titser’s pet kahit pa pagong lang ako. at dahil ako’y isang hambol at ambisyosong pagong e magpapatulong sana ako sa inyong mga online pipol dito sa sayber-speys sa mga sayber jargons. naman oh. sabi pa naman ni cypher sa the matrix na “ignorans is a blis”. ay naku! neknek nya!

singit lang pala, mga parekoys at marekoys! hindi ako nanood pero kinokungratyulet ko ang mga manununtok o boksingerong nakipagboksing laban sa mga iba’t ibang nasyonalitis na trip magpabugbog sa mga barakong pinoy. ay ewan ko ba, dahan-dahan nang nagiging bully ang mga pinoy sa ibang bansa. wow pare ha! at list nakikilala din tayo. hanep talaga ang mga pinoy!

kung tatanongin mo ako kung ano ang istand ko sa bayolens, ito ang masasabi ko: hindi ako marunong tumugtog nang bayolens! gitara nga di ako marunong, bayolens pa kaya! pero seryoso, nakakaaliw naman talaga ang mga bayolenteng pangyayari ah, pwera na lang kung tayo yung ginugulpi. ayon pa nga kay pareng sigmund freud e inneyt na sa ating mga tao sa ating id na tayo’y mga bayolente at seloso. desayr at bayolens. para sa isang simpleng pagong na tulad ko, magtatago lang ako sa aking dakilang syell kung may rayot.

enyweys, nandito ako’t namomroblema sa blag na ito. andami pa palang dapat sayn-apan. nalimutan ko na tuloy ang mga paswords sa ibang mga akawts ko. kung minsan nga e naisip ko na mas simple pa pala yung prendster e. kam tu tingk ob it, antagal ko na palang hindi nakapaglog-in sa prenster. naalala ko tuloy yung isang beses na may nakachat akong chiks. sabi ko, “nu prenster akawt mo, add kita”. biglang replay pa naman ng: “prenster? yucks!”

aba! pinandidirihan na din pala ngayon ang prenster. talagang ambagal ko sa mga bagay-bagay. bleym it on may being a simpleng pagong. hay naku. balak ko pa naman gumawa ng prenster akownt bilang simpleng pagong. hehe. pag-iisipan ko yan. tanungin ko pa si nanay at tatay pagong. libre rin naman e.

basta yun. meron naman akong email na simplengpagong@yahoo.com pwede din sa simplengpagong@gmail.com kung gusto mo. pareho ko nang inunahan ang ibang tao na gustong simplengpagong ang pangalan nila sa kanilang mga email. teka, parang ako lang ata nakaisip nun. haha! ang galeng-galeng koh!

waw, umabot ako dito sa powst na ito na wala naman talagang ganoong katinong naisusulat. waw talaga! tama pala, nadaanan nyo yung bersyon ko ng “ang pagong at ang matsing” nandun yun sa mga pahina ko sa blag na ito. wag kalimutang magkoment, ang hindi magkoment ay eeder isnab, maarte, may amnisya, tamad o hindi lang talaga trip magkomento. pero mas ikatataba talaga ng aking pusong pagong kung magkokomento kayo kahit simpleng smayli lang. hehe. o yung ganito: ^_^ o kaya’y ganito: n_n pwede na yan. maeendyoy na ako.

o sige, hanggang dito na lang po muna mga giliw kong mambabasa ng powst. kung naisip ninyong nasayang lang ang oras nyo sa pagbabasa ng powst na ito, pasensya na at maraming chalamats. kung kayo’y na-aliw, mahal na kita at maraming chalamats din! o diba? mabait ako sa mga readers ko, kung meron nga ba.

hanggang dito na lang po muna! stey simple, stey pagong. wag kayo magkakumplika! ito po ang pagong na hindi kumplikado: pagoy da simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: