not sammer plans

9 04 2008

anong gagawin ko ngayong sammer?

sagot: ewan ko!

naaalala ko pa nung ako’y nasa elementarya pa na ebritaym pagpasukan e pare-pareho ang mga pinapagawa ng mga titsers sa amin. yun ay kumuha ng wan hol syit ob intermidyit peper o kahit anu pa mang papel at sulatan ng walang kamatayang esey na “wat ay did las sammer?”

as in! ebri pasukan! ewan ko bakit nung greyd siks ko pa naisip na sumunod ng isang pormat para madali na lang. buti pa yung isa kong kaklaseng itago natin sa pangalang “roy laurentino cuevas” na pinasa ang parehong esey kada pasukan. iniiba lang niya ang deyt at setting. ebri samer ay sya’y nag-enjoy, sinamahan ang pamilya, nagbakasyon at nagsimba. asid!

downt get me rong, hindi naman ako bobo. mejo mabagal lang mag-isip ang simple kong utak-pagong. at dahil hindi ko alam ang gagawin ko e inisip ko kung ano ang hindi ko gagawin dis sammer! kaya yun! insted na ilista ko ang mga balak kong gagawin e nilista ko ang mga balak kong hindi gawin, sa ayaw at sa gusto ko! asid no? bakit kamo? e gusto ko e! bakit naman hindi, diba?

etong listahan ko:

1. hindi ako papasok sa iskool! aba’y ano ba naman ang silbi ng sammer bekeysyon kung papasok ako sa iskool? kaya nga grabe ang simpatya ko sa mga kaybigan, kadugo at kapatid sa praternidad na kumuha nang sammer klases! kawawa naman ang kakosa kong nagteyk-ap ng narsing! nu ba naman yan. preparasyon daw para sa kanilang mga praktikum! lintek na praktikum yan. ikaw na nga ang patatrabahu-in ng buong magdamag, ikaw pa ang magbabayad! kaya mo yan?! teka lang, abrod din ang bagsak nila ah. hmm… perder stady rekwayrd.
 
2. hindi ako matutulog ng les dan eyt na oras per day! orayt diba? yan ang isa sa mga gantimpala ng bakasyon! pag ikaw ay tumayming na naging isang isko sa upmin, malamang e makakareleyt ka sa pagdadamot ng tulog na ginagawa sa atin ng ating kyoorikyoolum. lagi kang may ginagawa sa gabing akademik etchoos na halata namang kaartehan lang ng propesor. magbabakasyon ako kung magbabakasyon at ang bakasyon sa akin ay tulog! kung chiks lamang ang tulog ay matagal ko na itong hinalikan.

3. hindi ako sasakay sa habal-habal. ewan ko kung positibo o negatibo ito. siguradong yussless ito dahil wala naman ako sa visiniti ng iskwelahan ko sa kabundukan ng mintal. sa mga hindi nakaka-alam kung ano ang habal-habal, ito ay tinatawag ring “singgol” or para mas simple (dahil simpleng pagong ako) e maaari ninyo itong tawaging “motorsiklo”. ito ang praymari mins ob transportasyon sa lubak-lubak na kalsada ng upmin. abawt habal-habal: bad ito kase ito’y halatang delikado. wala silang eeder lisensya o insyoorans. may mga keyses na nahuhulog at nadidisgrasya ang pasahero, drayber or/at motor tulad ng aking sis na si myra zamora. buti na lang at okey na sya, gumanda nga e. haw-eber, good din ang habal-habal kase ito’y mabilis, episyent at eksayting! hanapin ninyo yung tula ni sir timothy montes tungkol sa habal-habal por leesyoor reading.
 
4. hindi ako magpapakyoot sa aking mga krash! hay naku. ang hirap kasi e ang mga natitipuhan ko e parang langit kung abutin o di kaya’y suntok sa buwan. waw, mga liriks yun ah. hindi ako torpe pero as yu mayt ekspekt, ako ay mabagal wen it kams to chikays. grabe din kase ako kung kumilatis ng kagandahan. dapat tulad ng mayra e na byooti insayd awt. dapat raw maganda rin ang mga laman loob mo tulad ng kidni, atay, baga, bituka at baticolon. basta! gustong gusto ko ng mga chikay na may atityood at marunong magdala. walang ganun pag bakasyon, pwera na lang kung mapapadpad ka sa isla tulad ng andun sa axe body spray na komersyal kung saan dinumog ang isang lalakeng nag-aaxe ng libo libong babae sa isang aysoleyted na isla! ang swerte nang bastardong yun…

5. hindi ako magmomoling. unang-una, wala akong pera! kung sa matematiks pa e “bakasyon is ikwals to walang alawans”. kahit pano mo pa yan gamitan nang plas, maynus, tayms o dibaydibay e yun talaga ang kahahantungan nun. kaya ako mapipilitang magsammer dyab o magtrabaho nang sammer. ewan ba kung bakit ang hirap maghanap nang trabaho o sadyang ako lang ang nahihirapan. hehe. dahil siguro sa aking pagiging simple o dahil sa aking pagiging pagong. pangalawa, anu naman ang gagawin ko dun? magpapa-erkon? kung papansinin nyo, lahat ng tao sa mol e hindi nakakatingin ng tuwid. madyoriti ng mga tao sa mol e wala naman talagang ginagawa don. ayaw kong maging isa sa mga taong yun. para maiba naman.

6. hindi ako magsusunog ng kilay. dahil matagal tumubo ang mga kilay at dahil isa itong malaking kahibangan, e ba’t ko naman gagawin ang isang stoopid na bagay? pero seryoso, ang ibig kong ipahiwatig dito ay hindi ako magsusulat o magbabasa kung hindi ko gusto! ampangit naman ng peeling na pinipilit ka ng mga propesor mong magbasa ng mga rekwayrd reedings at magsulat ng rekwayrd na wrayt-aps. hindi naman akma yun sakin. dapat akong magbasa at magsulat kung kelan ko gusto. hilig ko din naman yun e. pandagdag stak knowledge. walang pilitan dis sammer, tsong-go!

7. hindi ako kakain ng luto ni ate marichu. hindi naman sa ayaw ko sa luto ni ate marichu sa kantin namin sa eskwelahan pero nasisiyahan ako’t hindi na ako makakakain ng luto nya! buong semester ka naman pakainin ng pareparehong menu araw-araw! apritada, pritong manok, humba/adobong baboy, giniling, prayd rays at pansit bihon! araw-araw! ebridey! sino ba naman ang masisiyahan na paulit-ulit ang nalalasahan ng kawawa mong teyst bads sa dila? masarap na man ang luto nila kahit papano pero laking tuwa ko talaga’t makakakain na ako ng lutong ulam kahit puro sardinas! sardinas at itlog… sardinas at gulay… sardinas at miswa… sardinasssss…

8. hindi ako magpupumilit maligo. skwela lang naman ang nagpupwersa saking maligo kada-alas sais y medya ng umaga e. may skwela ba ako? wala! pwes, maghintay ka jan banyo chunggo! mahal pa naman ang bill natin sa tubig. bakit nga ba dapat pang bayaran tong lintek ng dabaw siti water distrikt? libre naman talaga dapat ang tubig a. lalagyan pa nila ng taks. ano yan? negosyo? kung ganon e isa na pala akong taks-peyer! kung gusto mong maging taks-peyer e maligo ka lang. tips para makatipid sa tubig: wag kang kumanta sa banyo habang naliligo! mahirap mag multay-tasking sa banyo no! kung kakanta ka, kumanta ka na muna. wag mong ipagsabay ang pagkanta ng bohemian rapsody sa ligong pwede naman matapos ng dalawang minuto. ah basta! magtipid ng tubig, ang paalalang ito ay galing sa isang simpleng pagong.

9. hindi ako magpapalit ng pantalon. teka, di naman talaga ako nagpapalit ng pantalon e. sayang lang sa tubig (see namber eyt). pero beysicaly tamad lang talaga ako at maypagka-yagit. pero ol in ol, ako ay simple.

10. hindi ako maglalaro ng kompyooter games. pwera na lang siguro sa maynsweeper, solitarya at pasel babol na hindi masakit sa bulsa kasi bukod sa lan geyms ito e madali lamang matapos di tulad ng dota at rf. zuma din pala! laro tayo ng zuma.

11. hindi ako hindi magrerelaks. (gets nyo yun?)

12. hindi ako kumplikado! dahil ako ay…

steying simple and steying pagong dis sammer! simpleng pagong!

hapi bekeysyon sa inyo!


Mga Tugon

Information

5 responses

12 04 2008
eloiski

weee! summer na nga!
pero sa akin summer classes!
amP!

enjoy ur summer!

~nakikibasa at napacomment!~

12 04 2008
pagoy

@eloiski: yey. kaw unang nagkomento! dahil ikaw unang nagkomento ay nanalo ka ng….wala. pasensya na, wala akong badyet.

pero yun nga, narsing ka no? sammer klas ka din. ay naku, gudlak sayu.. stey simpol.

13 04 2008
eloiski

ay no no no!!!

hnd ako narsing!

isa akong engineering student! wapak!

14 04 2008
pagoy

@eloiski: sya nga! dapat tsinek ko muna blag mo bago ako nagreplay. nyehehe.. so isa ka palang nag-iinhinyerong mag-aaral (engineering student). ^_^

25 11 2012
Kemberly

wer i can find tthe pinoy tv gma?….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: