trenta’y dos na per kilo, bords!

14 04 2008

ay naku.. nakaka-bad trip o kung sa tagalog pa ay “nakaka-masamang lakwatsa” tong pagtaas ng presyo ng mga bilihin. aba’y mukhang malaking kalokohan na to ah. sa totoo lang e pati ang isang simpleng pagong na tulad ko e naaapektohan din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. aba’y hinayupak naman din kase ang tinaas na daig pa ang mga batang umiinom ng growee baytamins na may mottong “tatangkad din ako”. di naman naggrowee sila michael jordan, larry bird o si yao ming ah. kalokohan talaga.

enywey, balik sa aking pagrereklamo. punyemas talaga yang pagtaas ng bilihin. nagsimula ang lahat sa pagtaas ng naturingang pawis ng mga magsasaka, ang walang kamatayang ledyendari bigas! kam tu tingk ob it, ang laking “eww” at “yacks” diba? ikaw ba naman, kumakain ka pala ng pinatuyong pawis ng mga magsasaka! sino bang gaganahang kumain nyan? di naman ako wirdo, konti lang.. pero seryoso, tinaguriang pawis ng mga magsasaka ang bigas dahil dito ibinabaling ng mga dakilang parmers natin ang kanilang napakabigat na pasanin at trabahong pang araw-araw. biruin mo, ang pagtatanim ay di biro! maghapong nakayuko. di naman sila naka-upo o di din naman sila nakatayo.

at ngayon, tig tetrenta’y dos pesos na ang isang kilo ng bigas! malapit na yan mag isang dolyares ah! sino ba ang dapat sisihin sa pagtaas ng presyo ng bigas na pangkomersyal? ang gobyerno na di umano’y may pakana nito para makakuha ng kickback (sipa-likod) sa pagbebenta ng nfa rays? o di kaya’y ang mga naghohoard o yung mga nag-iimbak ng mga bigas sa kani-kanilang warehouse (nasaan-bahay sa tagalog) na nakakapagdulot ng artipisyal na shortage (panliliit sa tagalog)? o di kaya’y sa pagbabalik ni papa gabby sa pilipens para mag-comeback (dating-likod sa tagalog) sa pag-aartista at dalawin ang anak na si kc sa kanyang birthday (panganak-araw sa tagalog)?

aba’y ewan ko kung ano ang sagot! sino ba ako para malaman kung ano ang dahilan ng anak ng tupang pagtataas ng presyo ng bigas? sa totoo lang e hindi lang naman ang presyo ng bigas ang nakikipagkumpitensya sa empire state building sa pataasan e. pati ang ibang mga bilihin na iba’t ibang pang araw-araw na produkto e tumataas na rin. anong kalokohan to? pakinbowlsheyt talaga!

tumaas na din ang presyo ng…

arina! o hindee! pano na lang ang kumpare kong si boots (hindi yung kasama ni mareng dora da eksplorer) na isang panadero sa beykering panadero? kahit medyo tustado at pagod yung mga pandesal na binebeyk nya e nakakapantawid gutom na rin para sa mga dukhang pagongness na gaya ko. kung papansinin ninyo ang ebolusyon ng pandesal simula nung 1980 hanggang ngayong 2008, kahit si doc eufemio rasco jr. e sasang-ayon na merong malaking katiwalian sa pag-ebolb ng pandesal. noon daw sabi ng nanay ko, singko sentimos lang daw e meron ka nang pandesal na singlaki ng kama-o mo o di kaya’y puso mo (kase daw pareho ang laki ng kama-o ng tao sa puso nya) nung mga 1980s, nung dumating ang 1990s e meron ka nang isang brawn paper bag na puno ng maliliit na pandesal sa bente pesos mo! pwede na sana yun e pero ngayong 2008 e tig-dadalawampiso na ang isang maliit na pandesal na nilagyan ng katiting na keso na di mo naman malasahan! hanep na ebolusyon no?

petrolyo! hindi yung petrolyum jelly na mahilig gawing parang gel ng pinsan kong si pattie sa buhok nya. ang tinutukoy ko e yung gasolina. hindi naman dahil wala akong oto o minamanehong dyip e hindi ako maapektuhan. kanina lang e narinig ko sa nyoos na itataas daw ng wan peso at singkwenta sentimos ang pamasahe. sino ba naman ang masisiyahan nyan? ilang beses na akong sumakay ng dyip na hindi nagbabayad noon. lagi akong nahuhuli kase mabagal akong tumakbo. nakakahiya mang aminin pero inaamin ko ngayon dahil hindi nyo naman ako kilala at di naman kayo syoor kung nagsasabi ako ng totoo. basta ang poyt ko e mahirap para sa drayber ang pagtaas ng pamasahe. alala ko pa nung minsan e naligaw ako sa lungsod ng maynila, sumakay ako sa isang dyip. hanep talaga tong mga dyipni drayber sa pagkwenta, eksaktong eksakto talaga kung magsukli! kung 18.35 ang pamasahe at bente ang binigay ko, talagang bibigyan nya ako ng 1.65 eksakto! grabe talaga! kung dito pa lang yun sa dabaw e nirawnd-op na siguro yun ng drayber, pareho naman naming naiintindihan e. mahirap na ang pera.

lata! nagmamahal din pala ang lata? at dahil dun e mahal na rin ang mga de latang pagkain tulad ng walang kamatayang sardinas, korn bip na hindi ko naman alam asan ang mais don, mit lowp at tuna na merong apritada, adobo at tsokoleyt pleybor! waw, mahal na ang lata. kung trip mo maglaro ng tumbang preso o kilala dito sa dabaw na tumba-lata, e isa ka na sa mga mayayamang bata sa lugar! mahal na nga ang lata. sabayan mo nalang ng havaianas na tsinelas para isagad mo ang pagiging mayaman mo. sharo! kawawa naman si tinman sa dorothy and the wizard of oz kase mahal na nga ang lata! hindi na sya makakabili ng murang speyrparts. kawawa din si C3po at r2d2 sa starwars kung trip nilang magpalit ng damit na gawa sa lata e kaylangan nilang gumastos ng malaki. matatalo na din sila haring leonidas sa sparta dahil hindi na sila makakbili ng malaking shields na gawa sa lata para sa kanilang pakikidigma laban sa mga persians. ay tama na! basta! ampangit pangit naman neto. pati lata, mahal na.

baboy! bago ang lahat e gusto ko nga pala i-aknowledge si pareng pol medina jr. as my aydol wen it kams to kartooning, hindi po sya yung kumokolekta ng karton. gumagawa sya ng kartoons na pugad baboy! hilig ko na talagang basahin ang mga yun bata pa lang ako. eniweys, boyseeet!! bakit nagmahal din ang presyo ng baboy?! hindi na to nakakatawa! pano na lang ang chicharong bulaklak na paborito ko? adobo, swit and sowr at lechong baboy!!! pati ang walang kamatayang pork chap–uy, singit lang! aydol ko din pala ang porkchop duo noon!–ay mahal na! pano nalang ang best sors of good cholesterol at protina ng ating katawan? siguradong masaya na si babe sa pelikulang babe at si webster sa pelikulang charlotte’s web kase hindi na sila nakatokang kainin ng mga tao. hay naku kahit delikado sa pestehsayds at herbisayds e mukhang mapipilitan akong maging isang vegetarian o yung wala nang ibang kinakain kundi gulay. pero balita ko e tumaas na rin ang presyo ng…

gulay! aba’y anak ng nangagamoteng bakla naman oo!!! gulay na nga lang e itataas nyo pa ang presyo. kung kelan determinado na akong kumain ng berde at madadahong gulay e saka nyo naman ako bibigyan ng magandang dahilan para hindi kumain neto! bigay ng gulay e iba’t ibang baytamins na daig pa ang ini-endorso ni angel locsin, sam milby at piolo pascual na centrum na kumpleto daw fram a to zinc! tanong ko lang, kelan ba naging letra sa ating dakilang alpabet ang “zinc”? sa tingin ko e sinungaling yung centrum na yun, wala naman ang lahat ng letra ng alpabet sa salitang “centrum” ah! enyweys, isang maderpakingbowlsyeyt sa inyong lahat na gustong magpamahal ng lahat ng bilihin! ow may gulay! kahit talbos ng kamote e iwan nyo nalang.. mga walang patawad.

noodels! ay ewan ko sa inyo! yan na nga lang ang alam kong lutuin.. tang ng nanay nyo lahat!

hay naku! ewan ko ba ba’t nagkakaganito ang pilipens. no wander andaming gustong umalis ng bansa. sino ba naman ang gusto nitong mahal halos lahat ng bilihin. siguro asin na lang ata ang hindi mahal ngayon. sa tingin ko ang pinakamainam nating gawin e maghanap ng kakarampot na lupa at magtanim ng saging! seryoso ako, nagawa na namin yun ni pareng matsing! magtanim tayo ng maraming saging! tamang-tama, pagnamunga na lahat ng saging natin e hindi na tayo dependent sa bigas o kung ano pang komoditi na nagloloko ngayon.

magsagingan tayo! palakihan pa tayo ng saging mga parekoys! hehe..

nagiging kumplikado na talaga ang pilipens para sa isang pagong na tulad ko, wag na kayong dumagdag at wag na sana kayo magkakakumplika. o sya! hanggang dito na lang muna ako. stey simpol at stey pagong: simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

2 responses

15 04 2008
ginoong lapis

hayaan mo magpapasa ako ng batas na magpapalakas ng suporta sa mga pagong na kagaya mo..

at hindi dapat kayo naaapektuhan ng pagtaas ng bilihin!

nyaha! mabuhay kayo! i-link po kita ah..

16 04 2008
simpleng pagong

@ginoong lapis: yey. ililink nya ako. hala sige! itaas natin ang pagong rayts ko! mwahahahah.. bilang gantimpala e ililink na rin kita. ayus to a. akala ko nakakagulat ang pagong na nagba-blag. may lapis rin pala. chalamats sa pagbisita. impernes, phallocentric ang ating sosayti. lam mu ba na phallic in neytyoor ang lapis. yey! ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: