panaginip na trabaho ng isang pagong

16 04 2008

ano nga ba ang dream job (panaginip na trabaho) mo? andami ko nang iniisip na pwede e. sa totoo lang, mali yung sinasabi ng karamihan na kung ano ang kurso mo, yun din ang trabaho mo! pasensya ka na, raymone urlanda. ganun talaga e. hehe. ang lagay pala e kung education ang kurso mo e magiging edukayson ka. kung medicine e magiging gamot ka. kung law e magiging batas ka at kung criminology e magiging kriminal ka! nu ba naman yan.

pero seryoso, talaga naman hindi na talga ganun ang nangyayari. ewan ko nga ba. syempre meron talagang mga pumapasok sa trabahong ayon sa kurso nila pero madalang na lang yun. ang mga nakakapasok sa ganung trabaho e yung mga pinakamagagaling na o di kaya’y may mga kamag-anak na koneksyon. nyehehe..

kung iisipin mo, bat nagko-kolsenter ang mga kakilala kong kumuha ng akawntansi, biology at engineering. bakit? hindi mo naman kaylangan ng units ng microbiology at zoology sa pagkokolsenter a! sige nga.. intindihin mo kaya yun.

isa pa, marami namang trabaho jan na di naman kinaylangan ng degree. as a mater ob pak, walang degring tinuturo para sa trabahong yun! sige nga, anong degri ang kaylangan mo para maging senador? o di kaya’y para maging presidente? ba’t si erap naging presidente kahit di nakatapos? may degri ba para maging artista? drap-awt si bill gates diba? o sige nga! ba’t mas mayaman pa sya sa lahat ng tao dito sa lahat ng tao dito sa aming barangay ipagsama? madaming gradweyt dito ng kolehiyo, baka akala mo. ba’t sikat sina pocahontas, albert einstein, robert de niro at kerokeropi kahit hindi sila pumapasok? o diba? diba? diba si einstein na din ang nagsabi na “skooling interpird wid may edyookeyson”?

kaya kung ako sa inyo e pumili kayo ng kurso o di kaya’y lerning ekspiryens na magagamit mo. maging praktikal na tayo ngayong mahal na ang presyo ng mga produkto kahit saan. kung hilig mo talagang magkulay gamit ang krayola, ba’t mo naman ipagpipilitan ang sarili sa pagnanarsing? sige nga? kung magkokolsenter ka na lang rin, bat ka pa kukuha ng philosophy? sige nga. kung ako lang ang masusunod e gagawa ako ng sariling silabus. halos wan port ng mga sabjeks ko sa aking silabus e hindi ko naman talaga kaylangan. sige nga, bat mo kaylangan ng kemistri kung ang kurso mo e creative writing? pwera na lang siguro kung magsusulat ka ng sci-fi. ganun parin! di mo na kaylangan ma-imers sa mga jargons.

hay naku! andaming ibang trabaho jan na pwede. sa totoo lang e gumawa ako ng listahan ng mga dream jobs ko. mararangal naman lahat to! ikaw talaga ha! gagawa pa ako ng ibang listahan sa mga hindi marangal na dream jabs. wehehe.. in da min taym, nandito ang mga trabahong hindi na kaylangan ng mabibigat na pasanin at kalbaryo sa eskwelahan. ito rin ang mga trabahong tinaguriang simple pero mahirap. pero ang importante ay ito ang aking mga paborito at dream job na hanggang ngayon e gusto kong makuha. lagi lang kasi akong oberkwalipayd e.

basta! tingnan nyo na lang ang aking ten dream jobs:

simpleng pagong’s tap ten dream jobs (sampung panaginip na trabaho sa taas):

1. tigakuha ng ticket para sa balcony ng sinehan sa mol. walang insyoorans at maliit lang ang sweldo pero hanep ang benefits! ang trabaho ng tigakuha ng tiket e yun lang, kumuha ng tiket! ang enjoy sa gaisano mol ob dabaw na sinehan e nasa loob ang hagdan. dun ka lang tatambay hanggang matapos ang shift mo. o diba? erkon na, nakakanuod kapa ng sine. malas mo lang kung pangit ang palabas. ganun parin, nakakasawa ding manood ng pareparehong palabas paulit-ulit hanggang matapos ang araw mo. den sa susunod na araw ganun paring. patay ka kung box-office (kahong opisina) ang palabas, ieekstend pa talaga nila ang kalbaryo mo. pagnapromowt ka e ikaw na ang operator ng sinehan! mwahahaha! (benepits: libreng sine, aircon at maliliit na papel na pwedeng nguyain)

2. gasolin boy. ginaya ko lang ang propesor ko sa creative writing. yun ang gusto nya e. naimpluwensya lang ako. naisip ko, sabagay tama rin. naalala ko nung bata e inaabangan ko talaga na huminto ang dyip na sinasakyan sa gasolin steysyon. dun ko pagmamasdan ang nakakaaliw na pagpindot sa napakalaking kalkyooleytor at sa pag pasok ng napakahabang ahas sa butas ng dyip. oy! hindi ako manyak pero may phallic simbol dun ah! may pagkasekswal pala ang trabahong yan. pero sabi pa nga ng propesor ko, ang totoong dahilan kung bakit gusto nya dun e para makita nya ang iba’t ibang personalidad ng mga kustomer base sa looban ng sasakyan. sa isip ko lang e tinitingnan nya kung sino ang mas madaling holdapin. (benepits: sumbrerong panggasolin boy at isang lapad na ga-as)

3. mambabalot. i lab balot, peryod. ubusin ko tinda ko. (benepits: torotot at night-life [gabing buhay])

4. maskot sa jalibee. eto siguro ang pinakanakakataba ng puso na trabaho eber. lahat ng mga bata e tumitingala sa iyo na parang ikaw ang kanilang haring bubuyog. hahabul-habulin ka! o diba? parang selsbriti. ang hirap lang e kung may mga tusong bata tulad ko nuon na trip gawing punching bag ang mga maskot! anlalambot kasi nila e. ansarap hatawin. buti nalang kung di ka mabayagan. isa pa e mainit daw ang kostyoom na yun, kaya pala saglit lang lumalabas si jalibee! naw yu know… pangiti-ngiti pa yung maskot na yun pero hinihika na pala ang tao sa loob. pero kahit na! kaya kong magsakripisyo para mahalin ng mga batang paslit at yagit… (respeto at admirasyon ng mga kabataan, ngiti ng mga magulang at one-piece chiken-joy [isang payapang manok na masaya])

5. tigapulot ng basura sa parke. bah! andaming chiks sa parke noh. kung kaw ang tigapulot, perpek byoo sa legs. hihi. bad pagong! (benepits: voyeur na inspirasyon)

6. tiga-fotokapi sa diaz mol o di kaya’y tiga-seroks kela ate malou. ito na siguro ang isa sa mga pinakachaleynjing na trabaho. ang bayad mo e tigpipiso-piso lang kasi per page pero inaasahan kang magkompayl at magkoleyt ng sandamukal na papel. puro pa talaga nagmamadali ang mga tao kasi yooswali estudyante at empleyado ang nagpapaseroks sayo. kung anu-ano pang mga ispesyal na utos ang ibibigay sayo. teka! bakit nga ba nandito ito sa aking listahan?…..ay tama! kasi nga gusto ko pala makasilip sa mga trabaho ng kapwa estudyante. mang-aasar sa gramar at ispeling nila. (benepits: bagong materyal sa pang-aalaska)

7. bantay sa pipitsuging internet kape. ayoko maging bantay sa mga high-class (adik na klase) na internetan. maganda yung pipitsugin lang kasi pwede kang makigamit habang wala pang kostomer. haha! (benepits: isang bakanteng lote sa sayber-speys)

8. kargador sa pier. isa ata to sa mga vigorous jobs eber. dito e masasanay ang katawan mo sa sandamukal na eksersays. araw-araw kang mang-aagaw ng bag sa mga nambabyahe at pwersahang paniningil dahil napagod ka sa pagdala ng kanilang handbag. di kaya yun biro! lalaki ang katawan mo sa trabahong ito, daig mo pa ng naglalakihang masels ni arnold schwar…e…che… ay naku! hulk hoogan na lang. at dahil talo ko na si johnny bravo sa palakihan ng masels e pwede na akong mag-…. (benepits: murang gym)

9. macho danser. ano nalang ba ang silbi ng asset ko? katawan na lang nga ba talaga ang habol ng mga tao sakin? mwehehe. oy! danser lang sabi ko ha. teka lang, hindi yung iniisip mo ha. kundiman ang balak kong sayawin pati bolrum dansing. hindi ako sasayaw ng malalaswang sayaw noh! kung sumayaw ang isang machong tao ng hip-hop, macho danser na yun! kaw talaga! (benepits: ewan, wala akong maisip. ganito nalang: fill in the blank_________________)

10. taong-grasa. jack ob ol treyds is a master ob none. pwede sya sa lahat ng trabaho! pwedeng gawin ng isang taong grasa ang lahat ng klase ng trabaho. lahat ng trabahong nabanggit ko sa taas e kaya nya. kaya nya syempreng maglinis ng banyo, sumalo ng duryan na walang glabs, magbalat ng niyog gamit ang ngipin, magprito ng galunggong gamit ang kamay lang sa kumukulong mantika, mag-hairdresser (dinadamitan ang buhok), kumain ng bubog, magnakaw ng trade secret, mag-asasineyt ng korean ambasador at syempre pa kaya nyang maging presidente! (benepits: meny tu mensyon, mauubos ang oras ko)

o ano? may nakuha kayong inspirasyon sa listahan ko? may napulot ba kayong kahit katiting na sens? alam nyo na kung bakit wala yang ph.d. o m.a. nyo kumpara sa j.o.b. ng mga dream jobs ko! hah! hindi mo nareyalays na andami palang pwedeng trabaho na napakaswak sa benepits.

pahabol nga palang dream job:

11. tigaluto ng lechon manok. kasi ebritaym na nagpapaluto ako e pinapachop ko. sa pagchop nila e may napapansin akong katiting na naiwan sa chopping bord. kung sa lahat ng chinachop nya e kunukuhaan nya ng katiting na manok e may pang-ulam na sya! libre pa! (benepits: libreng sawsawan)

alam ko meron din kayong dream jobs jan. wag kayong madamot at isheyr nyo na yan. baka sa loob-loob mo e gusto mo pala talagang maging tiga-5-6, tindera sa cd-r king, tigabilang ng bituwin, tiga-iyak sa patay, weyter sa isang karinderya, tigalinis ng paa ni bill gates, amo at blogger ni inday, yaya ni baby james ni kris aquino, panching bag ni manny pacquiao, teyst tester ng mga gumagawa ng shabu o di kaya’y isang jedi sa star wars na may layt seyber. aba! fil free tu sheyr, bukas ang aking tanggapan, email ad at ang aking komento baks.

basta sa lahat ng desisyon mo e dun ka kung san ka magaling at kung san ka masaya.

dito muna ako. wag kalimutang iwasan ang mga kumplikadong bagay. stey simpol, stey pagong: simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

7 responses

17 04 2008
linglingbells

matanong ko lang, anung trabaho mo ngayon? o estudyante?

ako naman: ang dream job ko ay ang maging manager ni sam milby! bwahahahaha!

17 04 2008
pagoy

@linglingbells: uy! nilink nya aku.. hehe. chalamats. pwede yun! maneydyer ni papa sam. wla pa akong full-time (bobong oras) na trabaho. paraket-raket lang. blagging, enkowding, macho dansing…biro lang. hanggang panaginip lang talaga ang mga trabaho na nakalista sa taas. n_n

17 04 2008
buzzingflowerpecker

pwede ako dun sa taong grasa. Idadag ko na yun sa choices ko. Mukhang di ko naman kailangan mag-praktis para diyan.

18 04 2008
eloiski

Sa totoo lang gusto ko rin na job eh magbenta ng piratang dvd lalo pa’t maxado ako naadik sa kakanood ng mga asianovelas. Alam ko hindi yun legal. Hahaha!
Isa pa pala yaong tagabantay sa compshop! gusto ko ng ganun! wahihihi! lalo pa’t adik ako sa pag-iinternet!
Isa pa, and the last, tagahugas ng pinggan sa isang restaurant.

18 04 2008
pagoy

@buzzingflowerpecker: yey! bihira lang ang mga taong gusto maging taong-grasa. korek! hindi naman pre-rekwisit na mag-praktis. ang kailangan lang e handa kang gumawa ng bagay na ayaw gawing ng ibang tao.

@eloiski: tumatangkilik ako ng payreted na dvd! mas mura pa ang pekeng dvd na may sampung pelikula kesa sa isang tiket sa sinehan! mwehehehe..

22 04 2008
wei vines

haha!ayus ah! natutupad naman dream job ko: tagalamon sa kusina… hehe

22 04 2008
pagoy

@wei vines: waw,.ang pambansang drim jab! nyehehe.. yun ay kung may laman ang kusina. hehe.. trip ko nga palang maging taste-tester sa beykeri! ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: