ang magbabasa ng blag na ito ay mamamatay

20 04 2008

char lang!

sa mga parekoys at marekoys na hindi nakakaintindi ng salitang bakla na piling ko e sa kabisayaan mo lang makikita, ang ibig sabihin nun e “charing lang.” o kung sa simpleng pagong terms e “loko lang”. hindi po yan ang unang stage ng pokemon na sila charmander, charmeleon at charizard. miss ko na yung palabas na yun ah. hindi din yan ang nickname ng elementary crush ko na si charish hernandez. nu na kayang nangyari sa babaeng yun? patay na patay pa naman ako dun nuon.

enyweys, sa katagal tagal kong pagtatayp e ngayon lang ako natapos kasi mabagal ako magtayp. bakit kamo? kase pagong ako. isang hamak at simpleng pagong. pero kung seryosong dahilan ang gusto nyong malaman kung bakit matagal akong hindi nakakapag-blag e dahil yun sa reyalidad na por da past wik e kung anu anong kaetchoosan at kachuvanessan ang tinray ko para ma-updeyt ang blag na ito. sa katunayan e hindi talaga ito ang primary at personal na blag ko. kung gusto mo makita ang personal kong blag e iklik mo ito! yan ay ang blag na nirekwayr samin ng guro namin sa kritisismo na klase namin sa upmin. kaso naging personal na blag ko na. malayong malayo ang mga entris nun sa entris na ito. ang mga kaibahan:

1. yun ay matagal na. ito, beybi pa. kakaunti pa lang ang post ko dito.

2. nasa wikang ingles. dahil nga major ako in ingles kaya ingles yun.

3. mas patriotic ako dito. ito ang blog ko na iniaalay ko sa sambayanang pilipino. basta abawt pinoy at pilipens, nandito ko nilalagay. dun, kahit ano.

4. mas random dun. dito random din pero mas hindi organisado dun. kahit ano lang ang pinaglalagay ko dun. minsan saloobin, minsan tula, minsan pagpipityoor ng isang websayt.

5. wala na akong maisip e. ikaw nalang magdagdag o! fill in da blangk ______________________.

eto naman ang pagkakaparehas nila:

1. parehong konektado sa kapagungan. ang taytel nun ay ‘inscriptions behind a turtle’s back’ dito naman e ‘simpleng pagong’.

2. parehong wordpress. gusto ko sana magblogger o blogsome pero nasanay na ako sa wordpress. ayoko din ng kumplikasyon. dun na ako sa nakasanayan. besayds, ok sa wordpress kasi may kategoryas at tags!

3. parehong ako ang gumawa! obyoos ba? ako! at dahil mahilig ako sa pagkakaroon ng dobol personalidad e iba-iba ang mga pangalang ginamit ko. elementary pa lang ako e mahilig na akong magiba-iba ng aydentity. aydol ko kasi si batman. merong syang alter-ego.

4. parehong pangit!!! e hindi naman ako magaling sa mga kung anu-anong kaetyoosan at kachurvaness na pwedeng ilagay dito sa blag na ito e. andami mo pang mga kaartehang dapat salihan para mapromowt ang blag mo. 

ito listahan ng mga sinalihan ko (saggest ka ng pwedeng idagdag para masaya!):

1. mybloglog. para tong prenster groops. para daw madali kang sumikat. waw, ayus yun ah. magiging instant celebriti ako. kung sino-sinong kano na ang dumadaan sa mga blags ko. dumaan na si keanu reeves at si spongebob. sinong di sasaya nyan?

2. feedburner. ewan ko lang bakit sinusunog neto ang mga feeds. para daw makasabskrayb sa mga post ko. piling ko yusless to. mukhang ako lang din ang magsasabskrayb ng sariling kong mga powst. pakita ko kay mami pagong.

3. blogcatalog. para din atang mybloglog. hindi ko na binasa. basta salihan lang daw e.

4. twitter. naintriga ako sa chikay na si cherylmae kasi ang nakasulat sa blag nya ay “my twit”. aba! dahil iba ang aking oryentasyon e iba rin ang naisip ko. ganun parin. sumali lang din ako. parang pager onlayn.

ewan ko na sa iba. basta sali lang ako ng sali. sayn up ng sayn up. pareparehong mga username at pasword ang pinaglalagay ko dun para hindi ako malito. saka ko naisip kung tama pa ba tong ginagawa ko. kaya yun. nagreplek muna ako ng kaunti at sinabi sa sarili: siguro tama na muna to. andami ko nang kumplikasyon sa buhay ko. antagal ko na ding hindi nagpopowst. hehe.

talaga namang nakakataba ng puso ang mga komento ng mga tao galing sa kung saang lupalop ng pilipens at mundo. kinikilig aku. wehehehe.. hala sige, enjoy din kasi magblog hop. talon lang ako galing sa isang blog patungo sa isa. minsan e nagkokomento minsan naman e wala lang.

salamat nga pala sa mga naglink sakin. parang blogger’s ethics na pagmay naglink sayo e dapat ilink mo narin. pagmay nagview sayo e dapat iview mo narin. pagnagkomento sayo, mainam na magkomento ka narin. parang pormalidad sa mga nagbablag. waw, may sistema din pala dito.

ang kyoot pala magblag.

o sya. stey simple. stey pagong: wag magkakakumplika, simpleng pagong.


Mga Tugon

Information

5 responses

21 04 2008
linglingbells

wala akong sinalihan sa apat na nabanggit mo! hehe! bloghopping lang ginagawa ko para mapromote ang aking mga katililingan..😀

21 04 2008
simpleng pagong

@linglingbells: waw, ayus ah. buti kapa. yun na nga lang din ang ginagawa ko. hehe.. patalon-talon! ^_^

24 04 2008
buzzingflowerpecker

Napagod na ako sa kaka-sign-up sa kung anu-anong website. Nagsasawa na nga ako eh.

27 04 2008
Margaret

oo ang kyut nga magblog. may blogger’s ethics pang nalalaman.
major in english ka pala. hindi halata.🙂
bakit naman pagong? naalala ko tuloy minsan pag nagnenet ako sa labas, ambilis ng net nila, simbilis ng pagong. hehe.
enjoy basahin.

27 04 2008
simpleng pagong

@margaret: tenk yu. meron man talaga atang di nakasulat na blaggers ethics jan. hindi lang nga nakasulat, parang pormalidad. hindi naman tinuturo sa atin na mag-amen sa mga matatanda diba? yap! major ako in english pero hindi ito ang blag na para dun. kung trip mo, tingnan mo yung isa kong kapagungan na blag, yun english yun. may meaning kasi ang pagong sa akin, hayaan mo’t magpopost ako tungkol sa aking pagiging pagong. nyehehe.. ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: