itim at puti: pano ang grey?

23 04 2008

oy!

salamat sa aming british litereytyoor (literatura ni britney spears, loko lang) ander sa aming propesor na si mam goddess–oo, sabi nya dyosa daw sya sabi nya, di na namin kinontra. dito sa napakaimpormatibong sabjek na ito e natutunan ko ang tungkol sa dakilang binary opposition. o deba? kuha nyo yun?

sa mga taong di pa nakakakilala kay binary opposition, e simulan nyo nang lunukin ang inyong prayd dahil sasabihin ng isang pipitsugin at simpleng pagong ang ibig sabihin nito. bwehehehe. kung gagamitan natin ng simpleng kapagungan sa pageekspleyn, ang binary opposition ay ang ideyolohiyang lahat ng bagay dito sa mundo e nahahati sa dalawa. dalawa lamang! o debah? gets nyo na yun? ndi?

o sya…

gamitan natin ng simpleng greyd wan aralin na magkakasalungat (antonyms). halimbawa: puti-itim, maganda-pangit, mabango-mabantot, malamig-mainit, matangkad-bansot, tahimik-maingay, mabait-masama, payatot-tambokekoy, babae-lalake at, syempre pa, vilmanian-noranian! lahat ng bagay e merong mirror image (salaming imahe) o kakambal na kasalungat. kung titingnan mo e napakasimple naman talaga ng prinsipyo ng binary opposition e. di parin gets?

o sya…

gamitan din natin ng simpleng lodyik. merong dalawang grupo. ang grupong puti at ang grupong itim. at kung hindi ka kasali sa grupong puti e awtomatikaling deretso kang miyembro ng grupong itim! wala nang ekskyuses! wag ka nang kumontra. ganun talaga yun. black and white ika nga sa ingles. ang binari opposition ay striktong nagmamarginalayz ng lahat ng bagay sa dalawang grupo lamang! di paring gets?

o sya…                                           

gamitan kaya natin ng simpleng simbolismo. syempre e pamilyar ka sa simbolong yin en yang. yun ay ang bilog na nahahati sa dalawang ikwal parts. ito’y isang antigong simbolo na ginagamit ng sinauna hanggang mga modernong chinese sa kanilang paniniwala. wag nyo na akong tanungin kung ano ang mga paniniwala nila dahil hindi ako bihasa dun. pero interesado ako sa simbolong yin en yang na nagsisimbolo ng balanse. pero para sa akin e sinisimbolo din nun ang binary opposition. opinyon ko yun ha. interesado din ako kasi kamukhang kamukha yun ng logo ng pepsi. parang ganun ang binary opposition. di parin gets?

o sya…

gamitan na lang natin ng simpleng pananakot. kung hindi mo parin gets kung anong ibig sabihin ng tanginang binary opposition na yan, mamayang hatinggabi pagnakahiga ka na sa higaan mo e may biglang malamig na kamay na hahawak sa leeg mo. ididilat mo ang iyong mga mata at makikita mo ang isang batang babaeng nakaputi pero duguan. lumuluwa ang mata nya at nakikitang my pangil. at sabi pa nya: “neknek mo! hinahawakan ko ang nek mo!”

o yan! kanina mo naman pala gets e. pero kung meron ka ding simpleng sentido komon e imiminimayz mo ang page na ito at magbubukas ka ng google search engine at isesearch ang ibig sabihin ng “binary opposition” at dahil inunahan na kita e may ayos na link dito, eto oh! wahahaha…

at dahil gets mo na ang ibig sabihin ng binary opposition, isa lang ang nais kong sabihin tungkol dito: itlog! sandamukal na itlog! tanginang binary opposition yan. sira ulo ang nakaisip nyan. maniniwala ka ba namang lahat ng bagay ay simpleng blak en wayt? sige nga daw. tama ba na kung hindi ka milyonaryo e siguradong pulubi ka na? tama ba na kung hindi mo kinikilalang diyos si Hesus e otomatikong kampon ka na ni satanas? tama ba na kung tigahanga ka ni vilma e hindi mo na maaaring hangaan si nora? bah, di naman tama yun.

baka sabihin nyo na napaka-ipokrito kong pagong kasi panay ang sabi kong simple ako. bat ko nga ba kinakaaway ang ideyolohiyang nagpapasimple sa lahat ng bagay. pwes! akala nyo lang yun. mas pinakukumplika ng binary opposition ang mundo. siguradong meron talagang magreresist. syempre kung may blak en wayt, meron ding grey. anong sa tingin nyo ang mangyayari sa mga taong wala sa binary opposition?

simple lang… minamarkahan agad silang wirdo! othered kaagad sila kung sa ingles pa. sila ang mga others.

at dahil don e nagsisimula ang mga kontrabida sa mga palabas! sana’y mareyalays ninyo na hindi naman talaga masasama ang mga kontrabida sa simula e. mababait naman talaga sila. may mga tayms pa nga na bespren o matalik na kaibigan pa sila ng mga bida e. sa tingin ko e mga biktima lamang ng dakilang binary opposition ang mga kontrabida sa mga palabas. kawawa naman sila. palagay ko e mga kulang lang talaga sila sa pansin. kaya yun! nagpapapansin lang sila sa inyo. wag naman kayong cold sa ating mga kontrabida. aba! mga nilalang din sila sa palabas na pinanonood natin ah.

basta yun ang poynt ko. ewan ko lang kung naintindihan nyo ang poynt na yun. kayo na bahala. hehe. basta ang akin lang, sana’y hindi din blak en wayt kung mag-isip ang mga tao (at pagong) dahil may mga grey matters din na dapat ikonsider natin. napaka-anpeyr naman nun diba? pano yung mga weird, deviants at mga don’t-bother-me-i’m-emo na mga tao? ang luwag luwag ng mundo para itakwil ang mga othered sa sosayti!

o sya ulit.. agen.. wan mor taym..

ganun rin naman, babagsak lang din ako sa pagsasabing:

stey simple, stey pagong! wag na lang kayong magkakakumplika, ito po si simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

8 responses

24 04 2008
buzzingflowerpecker

eks talaga ang binary opposition na yan. Mas gusto ko kasi minsan ang “somewhere in the middle” na drama.

24 04 2008
wei vines

akshalli, mga 8yrs old ako tinuruan ng lolo ko nyan. He told me: Think on both sides apo, no matter what you choose, kailangan mong alamin yung ‘other side’ para makuha mo yung tinatawag nating ‘wisdom’.

konek?oo konek yan. Ewan ko lang kung na gets mo😆

25 04 2008
simpleng pagong

@buzzingflowerpecker: uyyy. para maiba. hehe. agree ako sayo jan. simpleng instinct na talaga ng mga tao (at mga pagong) na hindi mapalagay sa dalawang panig. daynamiko tayo e, hindi istatik.

@wei vines: wala yan sa lolo pagong ko. hehe. imortal ata ang lolo ko. pero buti ka pa at merong kang insaytful na lolo. gets ko naman ang wisdam na ibig sabihin ng lolo mo. para yang tinuro ng guro namin sa philosophy na si sir pavo. bago ako tuluyang makatulog e natutunan ko pa ang “analogy of the table”. kahit anong anggulo mo tingnan ang mesa e parehong mesa parin pero may wisdam ka na. ^_^

27 04 2008
Margaret

binary opposition.
parang ang hirap ngang tanggapin na dalawang opposing forces lang ang nageexist sa mundo. walang something in the middle. kumbaga sa mahirap at mayaman, walang middle class.

27 04 2008
simpleng pagong

@margaret: waw! ayus. nasamarays mo ang powst ko in les dan tatlong pangungusap. hehe.. pero yun nga yun. kung ganun ang lagay e hindi ka pwedeng magsabi ng “ok lang” kung tinatanong ko kung matalino ka: eeder genius ka o sobrang bobo mo. ganun din kung tatanungin kong maganda ka ba? hindi naman kasi lahat ng yes-no question e nasasagot ng yes at no. ^_^

30 04 2008
LimeGemini

tulad rin ng ‘yes’ and ‘no’. you have to pick one. you cant say maybe. walang someting in between kasi if meron something in between, you wont handle the pressure, maloloko ka. mahahati talaga ung isip mo. baka drastically dyan pa mapariwala ung buhay ng isang tao.🙂

2 05 2008
chuanwei

========
========

IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE HERE: http://www.leoxa.com/
(The themes is so beautiful & also able to place adsense)

========
========
many people have moved from other blog to Leoxa.com blog because the themes is very beautiful

2 05 2008
simpleng pagong

@limegemini: ewan ku lang ha. hehe. in favor ka sa binary opposition o siguro nama’y mas simpol lang talaga ang plain yes or no sa sagot. well, ganun din naman e. subjective yan. depende sa tanong. ^_^

@chuanwei: spam ka noh? sino ka? ang lakas naman ng loob mong mag-adbertays sa komento box koh! hmm. leoxa pala ha, matingnan nga. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: