gusto mo ng mustard?

25 04 2008

at dahil hindi ako magpapahuli sa trend ng mga blaggers ngayon na kung anu-ano na lang ang nilalagay sa mga blag para makablag lang kahit tag kwestyons sa prenster e nilalagay na lang din, e maglalagay na lang din ako.

waw, antagal ko na din pala hindi nakapagprenster no? para bagang napakaluma na ng network na yun. oy, pero in perness sa prenster e madami paring naaadik dito na para bang kawnter strayk non! ewan ko nga ba bakit, di pa naman ako naaadik sa kung anong onlayn na bagay. ay! adik pala ako sa ebooks kasi nababasa ko ang mga librong di ko kayang bilihin. adik din pala ako sa youtube kasi nakikita ko ang mga bagay na di nakikita sa telebisyon. ay! adik din pala ako sa por–ay, wag na lang. may mga bata palang nagbabasa ng blag nato. hehehe. wag nyong akong tularan mga musmos na pagong (haha! as ip hindi nyo rin naman maeekspiryens ang laganap na kamanyakan sa mundo ng internet, basta hindi nanggaling yan sakin ha!)

tungkol naman sa mga tags e ang hindi ko maintindihan e kung bakit halos olweys e nagpeperteyn ito sa releysyonship at sa lab. puro na lang “sino ang krash mo?”, “mahal mo ba sya?” o “anong gusto mo sa kanya?” anlabo naman oo. pero dahil makikibagay ako sa mundo ng sayber speys e mamarapatin ko na ring jumoyn sa tagging fever. hehe. o ang lagnat ng pagta-tag. nakakaaliw din kasi ang mga tanong na binibigay e. mukhang seryoso na hindi. most ob da taym pa e napakarandom ng mga tanong na hindi mo na nagegets kung tama pa ba ang koherens ng buong tag.

ay naku… eto o, isinalin ko na sa tagalog ang mga tanong na naka-ingles naman sa prenster. ang kulit kasi basahin. napaka-konyo pakinggan kung sasagot ako ng paingles. ayoko nun.

o sya! sasampulan kita kung pano sumagot ng tanong ang isang simpleng pagong na tulad ko:

1. nakaekspiryens ka na ng perpektong relasyon?
~~>oo naman! perpekto naman ang relasyon ko sa aking mga magulang at mga kapatid na mga pagong! minamahal ko ang aking mga kaaway at ginugulpi ko sila ng maayos. at dahil gusto ko magspred ng pagmamahal e dinadamihan ko na lang din ang aking mga gelpren para saymulteynyoos ang pagbibigay ng lab…loko lang! baka saksakin ako ng kumander pagong ko. hehe. pero teka lang, diba walang perpekto. sabi pa nga sa isang kasabihan: “praktis meyks perpek bat nobadis perpek so don’t praktis!” pero sasagutin ko yan sa isang kasabihang nagsasabing: “wat meks us perpek is our imperpeksyons!” wag mo na akong tanungin kung sino may sabi ng mga kasabihang yun, hindi ko alam. para sa akin hindi sila ganun ka-importante, mas importante yung mga sinabi nila.

2. may nagkakagusto ba sayo?
~~>meron naman siguro. kawnted na ang nanay at tatay pagong ko. gusto naman ako ng mga kapatid kong pagong pag mabait ako sa kanila. kung iinyoomereyt ko ang mga kaibigan ko e madami-dami na din ako kahit na medyo loner at emo ako. hehe. pang-epek lang naman yun para meron akong parang misteryosong aura. hehe. kung ang “gusto” na pinaguusapan mo e kung meron akong mga admayrer o yung mga nagkakakrash sa akin, bat ako ang tinatanong mo? malay ko ba? sa susunod na gumawa ka ng ganitong tag e itanong mo “gusto mo ba si simpleng pagong?” hindi ko naman kasi alam ang iniisip ng mga tao sa paligid ko e. marunong ako makiramdam pero malay ko ba? sabihin nyo pa lang na makapal ang balat ko! teka, makapal naman talaga. kung ang ibig mo namang sabihin sa “gusto” e kung may mga fans ako, ewan ko rin! sana meron, para sikat…

3. anong mas masaya, umaga o gabi?
~~>ang sagwa naman ng tanong mo! napaka-far awt sa dalawang tanong na nauna. eto yung sinasabi kong random kwestyons. eniweys, hindi ko alam kung sumasaya ang umaga o ang gabi dahil hindi naman sila mga animeyt na objeks na nakakaramdam ng saya, hindi nga sila objeks e. kung ang tinatanong mo e kung sa aling oras ako ng araw masaya, syempre sasabihin kong “wala akong pakialam”. hindi naman nadedetermin ang kasiyahan ng isang tao (o pagong) sa oras ng araw e. aminado akong may mga adbanteydyes pag umaga at meron ding adbanteydyes ang gabi. pero parehon naman tong ginawa ng maykapal para sa mga tao (at pagong) para pakinabanggan at gamitin sa wastong paraan. ikaw na bahala pano ka magsaya jan! kung trip mo lang talaga malaman kung anong paborito kong oras sa araw, yun ay ang hapon! hindi mainit at hindi rin malamig.

4. nagsusuot ka ba ng alahas?
~~>tanginang tanong to oo! para saan kaya tong tanong na to? para malaman mo kung mayaman o dukha ako? mukha mo! hindi ako mayaman! kawawa naman ang mga kaibigan kong oysters, kinukuhaan ng perlas. pero inpernes, galing pala ito sa mga buhangin na napasok sa oyster. naglalabas sila ng enzaym para itrap ang toxic at ito’y nagiging perlas. in ader words, parang tutule ang mga perlas! mwahahaha… meron pala akong singsing pero hindi ko ito tinuturing alahas. hehe. ang alahas kasi para palamuti sa katawan, iba naman ang purpos ng singsing na nasa kamay ko. uyy… chika!

5. mga paboritong kanta mo?
~~>lupang hinirang na nagkataong pambansang awit. pansinin mo, walang rayming words sa kantang to. kanta ka lang ng kanta hindi naman nagkakatugma. pero okey lang. hmm, ano pa ba? lahat ng kanta ng linkin’ park sa meteora at hybrid theory, okey yun, ampapangit na ng mga kanta nila ngayon. pero walang tatalo sa mga kanta ng mga paborito kong singers na pawang mga babae lahat! iba kasi ang epekto pagbabae ang kumakanta, tawagin mo na akong eng-eng o weird pero mas naeenjoy ako pagbabae ang kumakanta! andami ko kasing paborito e. waw, may ideya na ako para sa susunod kong powst. hehe. sa susunod na lang ang sagot ko sa tanong na ito. sa ngayon e pass muna!

6. nakita ka na ba sa telebisyon nuon?
~~>oo naman. sa guiness pa nga na show e, simplest turtle in the world! nyahahaha… nakita na ako kasama si lolo pagong sa magandang gabi bayan. kasali din ako sa mga pagong na ininkyoobeyt para hindi mamatay. ano pa ba? wala pa naman akong shooting o pelikula. hehe. sana meron. wala din akong gestings. hehe. kung trip nyo akong igest, be may gest! bay ol mins, gusto ko naman din kasing maging sikat at mayaman. fame and fortune ika nga. mwehehehe… seryosohan, hindi pa ako lumabas sa telebisyon, anless isasali nyo sa kawnting yung binidyohan namin ang mga sarili namin at pinalabas namin sa aming tv set.

7. ano ang huling bagay na kinain mo?
~~>seym as yooswal, guso!

8. gusto mo ng mustard?
~~>hindi ko nga alam kung ano yan! anak ka ng topak na tipaklong! wala atang ganyan dito sa pinas. tanong ka ng tanong jan. punyemas na! wala akong alam na mustard! matuto tayong kumain ng bago-ong!

9. ano ang huli mong binili?
~~>kamatis. seryoso ako. kamatis talaga! mahal na ang kamatis ngayon.

10. alam no kung kelan ang kaarawan ng tatay mo?
~~>hindi. hindi nga nya alam e! waw, andami nang weird na mga tanong ah! kaming mga pagong e merong layp ekspektansi reyt na sobra sandaang taon, naabutan pa nga ni tatay pagong si pareng jose rizal na binaril sa may tondo. ano? sa luneta kamo binaril si rizal? hahahaha! yun ang akala mo!

11. saan ka huling nag-shopping?
~~>waw, shopping galor? kelan ka ba nakakita ng pagong na nagshashop? hehe. sa mabini public market ako nagshahop bords. wag kang sira at magshop sa mga supermarket at department stors, dun ka dapat sa wet market at tiangge o ukay-ukay. dapat maging praktikal ka na ngayon. mwahahaha.. pero para sakin, ang pinaka-ayos na lugar kung san ka makakashopping ng maayos e sa may bankerohan, san pedro at uyanguren.. yun ay kung nandito ka sa dabaw. nalimutan ko na ang mga magagandang shopping areas sa ibang lugar e. alam ko may lugar sa maynila na puro tiangge at puro mura ang lahat ng bilihin. sa baguio naman, dun maganda mamili sa may palengke sa may session road. sa cagayan, may napakalaking palengke dun malapit sa terminal ng bus. sa cebu, hmmm.. aba! bata pa ako nung huling mapadpad ako sa cebu, kayo nang bahala maghanap jan sa cebu! kung trip mo namang magwaldas ng pera para sayong kakonyohan, di mo na kailangan ng tips. sandamukal na sm ang nandyan, dito sa davao merong gaisano mall, nccc mall, victoria plaza mall at balak pa raw nila magtayo ng robinsons. hala bahala kayo! dun lang ako nakakakita ng shake na tig-80 pesos! aba! pwede na ang tatlong malalaking pop cola yun ah!

12. kumakanta ka ba sa shower?
~~>nasa ilalim ka ng dagat nakatira, magshoshower ka pa ba? hehe. seryosohan, hindi! wala naman kaming shower sa bahay e. impernes naman kasi, tabo at balde lang ang gamit namin. mas nakakatipid ng tubig. may study daw na mas makakatipid ka ng tubig kung gumagamit ka ng bath tub! uy, sana may jakuzi kami. hehe. bakit mahilig tayong kumanta habang naliligo sa cr? sa tingin ko, dahil ito sa fact na sound proof sa cr kaya hindi kayo maririnig sa labas at namamagnify ng cr ang echoes kaya parang ang ganda ganda pakinggan ng boses mo!

13. kelan ang huling beses na umiyak ka?
~~>boys don’t cry! mwahahahahahahaha!!! uyyy! balik sa mga love-oryented at senti-senti na mga katanungan. hehe. umiyak ako nung nasalubsob ang paa ko ng barbeque stik nung isang araw. ay, umiyak din pala ako kagabi kasi ang sakit ng ngipin ko. pilyo kasi akong bata e, bihira lang nagsisipilyo. oy mga kids! magsipilyo kayo araw-araw, oras-oras, minu-minuto.

14. ano ang pinakamakulit na ginagawa ng opposite sex sayo?
~~>ito na siguro ang pinakanakakalitong tanong na nabigay sakin. para sa akin kasi walang degree ang kakulitan. basta makulit ka e makulit ka na! ginagawa lang naman to ng mga taong kulang sa pansin e. okey lang naman ang makulit bastat hindi lang nakakairita. pagnangyari yun. wapak!

15. anong ginagawa mo ngayon?
~~>gago ka!

16. ano ang pinakahuling pelikulang pinanuod mo?
~~>lion king 1! bwahahahahahaha… ayos yun. klasik.

17. bago ang tshirt mo?
~~>ay isang malaking debate ang sagot sa tanong na yan. opisyali e bago ito para sakin. dahil kabibili ko lang nung isang araw. pero sa itsurang nito na kupas at may konting butas sa piling parte e masasabi kong hindi na ito bago. ito ang mga wonders ng ukay-ukay. may mga tshirt na tig-lilimampiso lang. wag mo nang labahan! itapon mo nalang pagkatapos. disposable shirts!!!

18. nakatira ka ba malapit sa ex mo?
~~>no komento. wala naman akong ex e. bakit ex ang tawag sa mga taong former na kasintahan? ganun din pag presidente ka: ex-president. so ang ibig sabihin e former na mga lalake ang mga mutants! ngayon, jodeng na sila! ayyy… x-men!

19. na in love ka na ba?
~~>nakakapagod na to ah. oo nah! inlab na kung inlab!

20. anong gagawin mo mamayang gabi?
~~>pati ba naman yan itatanong ninyo? gagawin ko ang ginagawa ng isang tipikal na batang lalake sa gabi sa kanyang kama kapag madilim na ang lahat–ako’y matutulog!

sa totoo lang, ewan ko lang kung bakit enjoy na enjoy ang karamihan sa pagsasagot sa mga katanungang wala naman talagang sense. anong ligaya kaya ang makukuha mo kung malaman mo kung ano ang huli kong binili o kung meron ba akong suot na alahas ngayon? sira! ewan ko ba sa mga tao ngayon. sa totoo lang e hanggang limampu ang mga katanungan sa tag na ito pero nakakapagod naman sagutan ang lahat nun na pawang kalokohan naman talaga ang laman. sige nga, anong kulay ng saluwal mo? anong enjoy jan? e kung sabihin kong puti na may brown sa gitna?! masisiyahan ka ba?

sori sa pagiging damak. loko lang yun. hindi yun ang kulay ng brip ko. eniweys. dahil ako’y simpleng pagong lamang at nakikibagay lang naman sa mundo ng blagging e susubukan kong hindi masyadong iresent ang trend na ito. hehe.

besayds, kung merong mas may sens na tags na bloggable naman din, bakit hindi diba? meron ba kayo? ay ewan ewan. basta, ang haba na ng powst na ito. ganun din, baka hindi ka na nagbabasa sa puntong ito.

hanggang sa muli, stey simple and stey pagong..

simpleng pagong! wag na magkakakumplika.

 


Mga Tugon

Information

3 responses

28 04 2008
linglingbells

sumasagot din ako ng mga ganyang surveys sa prendster, wala lang, trip lang pag walang magawa.. pero minsan nakakaloko yung mga tanong, yung mga feeling close na tanong! hahaha!

29 04 2008
1 05 2008
pagoy

@linglingbells: yun na nga e. hehe. hence ang aking tanong na bakit kaya enjoy na enjoy kayo jan. hehe. pero matanong ko nga ba, bakit hindi sikat ang mustard dito sa pilipens?

@eloiski: o yan.. dagdag sa mga tag sa aking buhay! hehe. pero syempre ay tatanggapin ko ito ng bukal sa aking pagong na puso. hehe. hindi araw-araw e tinatag ako ng kapwa blagger noh! chalamats..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: