mis-ander-stood slash gago ka ted bundy!

1 05 2008

nandito na naman ang paborito ninyong pagong na nag-bablag! oy, ako lang ata ang pagong na nagbablag eh. hah! well, eniweys, dahil nakasulat na ako ng powst tungkol sa binary opposition e sana nama’y magegets nyo na kung bakit mas paborito ko ang mga kontrabida sa mga kartoons, pelikula at sa mga letereytyoor.

mis-ander-stood!

yan dapat ang tawag sa kanila. wala namang pinapanganak na masasama eh. grabe din. sa tingin nyo, hindi ba naging bata nang minsan si adolf hitler? may nanay rin naman si sadam hussein ah! kahit papano e may nagmamahal kay ferdinand marcos. anu ba? kahit sila pa ang dahilan ng holocaust, war in iraq at martial law e hindi naman sila pinanganak na ganun. malay ba nila na magiging ganun sila.

ang totoong may kasalanan e ang nagmolde sa kanila upang maging ganun. wag nyo nang tanungin kung sino. hindi ko alam. bakit? sa tingin mo ba’y clowse kami? neknek mo! mabait ata ako. hehe..

pero kahit ganun e galit na galit ako kay ted bundy! talagang sasaksakin ko ang kumag na magsasabing dapat e merong hustisya si ted bundy! ngayon ko lang to sasabihin: putang ina mo ted bundy! pak yu! kahihiyan ka ng nanay at tatay mo. kahihiyan ka sa salitang “evil”.

kung hindi mo kilala kung sino si ted bundy, hala! magresearch ka dong! o di kaya’y iklick mo tong link na toh! at yung mga link sa pangalan na ted bundy! ayun oh! ted bundy!

pero seryoso. mararangal naman na mga tao o halimaw na nagiging kontrabida. ewan bakit wala akong kilalang pagong na kontrabida. meron ba? sino? natural kasing mababait at kyoot ang mga pagong. hehe.

at bilang parangal sa mga bida sa buhay ko na pawang mga kontrabida e meron akong list ng aking mga paboritong kontrabida ob ol tayms. hehe. salubungin ng masigabong palakpakan sina:

1. count dracula. konde sa transilvannia. sya na ata ang pinakaklassik na kontrabida sa listahang ito. sya ang pinaka-una at pinakamalakas na bampira sa lahat ng mga bampira. wala na syang interes sa walang hanggang buhay at limpak-limpak na salapi kasi nasa kanya na ang dalawang yun. pero nakakagutom lang talaga ang laypstayl nya. dugo ang kaylangan nyang kainin. di sya nakakasimba kasi alergik sya sa krus. di din sya nakakapagstrolling sa parke pag-umaga kasi alergik din sya sa araw.

2. lord voldemort. kinilabutan ka? sa sobrang tindi daw nya e hindi daw dapat sabihin ang pangalan nya. isa lang ang masasami ko sa mga taong naniniwala dyan: voldemort! ka-itlogan nyo! yun siguro ang dahilan bakit naging emo sya. pag tinatawag sya e hindi sa pangalan nya. pag gusto syang tawagin ng mga ka-berks nya e madalas e “hoy”, “psst” at “bading” ang ginagamit nila. sino ba naman ang masisiyahan nyan. palagay ko si propesor dumblodore ang mahilig mamintas sa kanya noon kaya natatakot sya dun. kaya yun! ang batang si harry potter na lang ang pinagdidiskitahan nya.

3. darth vader. ay kawawa talaga tong taong to. bata pa lang e pinasasali na sa karera kalaban ang mga alieng may mga masasagwang mukha gaya nung si sebulba. naputulan ng kamay nung nagbibinata. inaway ng kanyang master nung gumagaling na sya. kung anu-anu pang pambebreynwash ng tanginang darth sidious o senador palpatine sa kanya (may topak talaga yang mga senador). bigo pa talaga sa pag-ibig. bawal daw sabi ng jedi order. e ano ngayon? kasalanan ba ang magmahal? nagmahal lang naman sya ah! abah! makakaluko-loko din ako kung si natalie portman ang leading lady ko noh! paboritong libangan: naglalakad sa langit, skywalker kasi…ngie!

4. joker. bat nyo daw sya tinatawanan?! hala kayo… lider to ng mga sira-ulo. kalaban ng aydol kong si batman!

5. lex luthor. e ano ngayon kung kalbo sya? lagi daw syang pine-pendong ni superman. o sige nga! sinong may gusto non? mayaman naman sya. pendong! matalino naman sya. pendong! magaling naman sya gumawa ng plano. pendong! karinyoso naman sya sa mga babae. pendong! kalbo ka, lex! kalbo, kalbo, kalbo! pendong kang kalbo ka! dahil yan lahat sa kakaasar ni superman!

6. magneto. napaglipasan ng panahon. ang sinyor sitizen na myootant. lolo myootant kumbaga. pero mahilig parin makipagbarkadahan. baka akala mo. sya ang hinahanap na “pusi magnet” ni borat. mwehehehe.. loko lang. pero magnet nga sya. matandang magnet. kinakalawang na siguro.

7. sauron. hindi nakuntento sa pagiging maputi, gusto nya marami syang kulay. sya ang lider ng mga istari. di nyo alam yun noh? sa lord of da rings po yun. yung istari ay mga wizards na ainur noong unang panahon. hehe. di nyo alam yun noh? lord of da rings fan kasi ako. mwahahahaha.. ay ang yabang ko.

8. orochimaru. sinong di nakakaintindi sa taong toh. kung tao nga ba talaga. parang si salazar slytherin sa harry potter eh trademark nya rin ang ahas. gusto nyang mabuhay poreber kasi gusto nya ma-awtlib ang mga tao, para maging malakas at syempre, para daw makita ang kanyang mga magulang. aaaawwww. kawawa naman. hehe. isa sa legendary sannin in ader words, may topak pero malakas. tingnan mo si jiraiya, mamboboso; si tsunade, sugarol; syempre si orochimaru, may kleng-kleng at power-hungry o gutom-sa-kuryente. hehe.

9. hao. kalaban na mukhang hindi kalaban. tulad ni sauron, mukha syang mabait at perst. sa totoo lang e fil ko talaga mabait sya. sila para sakin ang mga nakakatakot na kalaban, yung animo’y mabait pero hindi pala. kulang lang talaga sa pansin at pag-aaruga ng ina. pangit ang childhood kumbaga. waw, parang ako.

10. makoto shishio. mahal daw ang plastic-surgery. intindihin nyo nalang. aba! angaling netong batang to. kumukulo ang dugo! literali!

11. godzilla. panalo sa palakihan, pataasan, pabahu-an, paberdehan, pa-ingayan. basta sya ang pinakamalaking butiki sa balat ng lupa. mis-anderstood lang naman sya eh. pero butiki parin sya! distant pinsan ko siguro to kasi reptayl sya eh. reptayl din naman kaming mga pagong eh. simpleng pagong pah! pero hindi sya simpleng butiki.

12. grendel. hindi to yung kasama ni hansel sa hansel and gretel. gretel yun. hindi naman hansel and grendel ang taytel nung storyang yun diba? sya yung kalaban ni beowulf. yung pangit na halimaw na anak ni angelina jolie sa pelikulang beowulf. ahahahahay! angelina! crash na crash ko yung babaeng yun. hehe. naunahan ako ni brad pitt. mas pogi naman ako dun. mas simple pah!

13. program smith. virus lang talaga sya, may gusto kay keanu reeves. mabait naman sya sa lord of the rings ah. sya yung si lord elrond ng rivendell. o debah! fan nga ako ng lord ob da rings. ayyy! si papa keanu. hehe.. mas pogi rin ako dun at mas simple!

14. captain james hook. takot sa buwaya at galit sa mga orasan. lagi sigurong kinokotongan ng mga buwaya. pinutol ang kanyang kamay ng lumilipad na si peter pan. hindi naman nya maabot kasi lumilipad lang sya. filing ko gusto lang din nya lumipad. nahihiya lang sya manghingi ng pixie dust kay tinkerbell.

15. santa claus. akala nyo hindi sya kontrabida? akala nyo lang yun. tinutugis daw tong taong to. sabi nila e magnanakaw daw sya. ano nga ba ang senyales ng isang magnanakaw? malaki ang ilong at mabalbas para desgays, umaakyat sa bahay at syempre pa, kumukuha ng biskwit at gatas. besayds, sabi ng isang bata sa kanta: “i saw mommy kissing santa claus”. kung isasalin sa tagalog o itatransleyt: “nahuli kong sinesedoos ng gagong matabang taong yun ang inosente kong nanay na halatang napilitan lang na humalik sa kanya!” nu ba naman yan! inosente naman si santa claus ah! marumi lang talaga ang isip ng batang yun. sya na nga ang binibigyan ng regalo.

ops!

meron akong special mensyon…

syempre meron akong huling hirit! meron akong ispesyal na kontrabida na tiyak na kaaaliwan ninyo! kahit prediktabol sya e lovable naman. hehe. sya’y walang iba kundi si…

tentererententententen! tsantarantarararantariraran!

swiper! sya na siguro ang pinaka-istoopid at pinakabobong kontrabida sa balat ng lupa. aba’y kalain mong sabihan mo lang sya ng mga katagang: “swiper, no swiping” ng tatlong beses e matatalo na sya. bigla lang syang magsasabi ng “oh, man!” at aalis na. tok abawt being anprediktabol! hehe. pero kyoot naman sya. magnanakaw na ewan. talo ni dora na baluktot at bilingual na di mo alam kung negra, pinoy, puerto rican, espanyol, lalake o babae! samahan mo pa ng saydkik nyang si boots na isang unggoy na merong malaking botas. tatanga-tanga rin. inuuulit ang mga destinasyon sa buhay nila. may prejudice ako sa mga unggoy at matsing!

hanggang dito na lang. andami ko nang ninakaw sa deviantart.com hehe.. uy! teka nga pala. bumili ako ng bagong smart na sim! di ko naman pala ito balak gamitin kasi okey pa naman ang tnt ko na sim. pero para may use naman ito e gagawin ko nalang itong textlayn. kung trip mong magbigay ng komento o suggestion o kung trip mo lang talagang magsayang ng load kasi swerte mo kung magrereplay ako e isend mo na sa 09298458981! o diba? bonnga ako.

pero yun nga. wala akong load parati at hindi yan ang aking primary sim. bihira ko lang gagamitin. gusto ko lang makitang marami itong mensahe pag ininsert ko sa aking pipitsuging selepon. hehe. magpakilala kayo kung gusto nyo pwede din kayong magpaka-anonimus. kayo na bahala prends.

wag kalimutang magkomento at magemail kung trip nyo. pero kung tinatamad kayo e wag nalang. di ko naman kayo pinipilit! hahaha…

basta! yun ha. wag na maging kumplikado. wag na maghanap ng kumplikasyon. basta!

stey simpol, stey pagong.. simpleng pagong!


Mga Tugon

Information

7 responses

1 05 2008
linglingbells

hahahaha! kontrabida pala si santa claus!! paborito ko si count dracula, wala lang, ang gwapo niya kasi.. haha!

1 05 2008
nadine

lingaw. . .nice one. hihihihihi

1 05 2008
mardito

hahahaha,…. ang galing galing mo naman…
dapat sinama mo sa kontrabida list mo si angelica ng marimar…. hahahaha
nakakatuwa ka.. link mo ko sayo.. tapos link din kita okie??

1 05 2008
eloiski

wahihihi1

gusto ko rin si swiper!
wakekekeK!

lagi siyang talunan kay dora na negrang lakwatsera!

gusto ko rin si mojojo!

wahaahha!!!

1 05 2008
pagoy

@linglingbells: ngayon ka pa? halata namang napakakontrabida ni santa claus. kung napanood mo yung “nightmare before christmas” ni tim burton e napakasinister daw ni santa. hinanap nga nila yung “claws” nya. kasi nga santa “claws”.

@nadine: yey! napadaan sya. chalamats nadine sa visit. sana nice din yung iba para nice ____ (fill in da number of posts na nays). o debah?

@mardito: marimar? yung marimar lang na kay thalia ang napanood ko. kapamilya kasi si nanay pagong e. hehe. ilagay mo na lang sa list mo. may crush din ako dun kay angelica e. hehe. link? o sige! bayad ka lang ng singkwenta, hehe. biro lang. sige, obligado ako kasi blogger’s ethics.

@eloiski: yap yap! naisip ko na din si mojojojo pero kapangalan nya yung gay na dj sa magic 89.9 sa programang “good times with mo”. enjoy pa naman ako sa kanila. baka maoffend. may gusto pa naman ako kay grace lee. ^_^

13 08 2008
Den

I used to own an Anne Rule-book about Ted Bundy until a “friend” borrowed it and never took the responsibility of returning it back. Of course, there were several futile attempts of scouting bookstores in search of a replacement; but all were in vain. Being a true self-confessed, true-crime aficionado that I am, there are scores of true-crime stories that I came across with, but none is more moving than the story of Ted Bundy. I have read about Dianne Downs, Dr. Anthony Pignataro, Janis Miranda, Pat Taylor, and Debora Green among others. But it is Ted Bundy’s story that first riveted my interest about real crimes. It is his story that strengthened my realization that ours is not a safe place to live, because criminals can be anyone.

I am not sure whether I can find a replacement for that lost book, but for the meantime I will engross myself with other horrific real tales of crimes. Currently, I am reading The World’s Greatest Scandals of the 20th Century by Nigel Blundell. Apparently, this is a collection of intriguing stories that splashed the front pages of popular news papers. These sordid stories still compel a number people to probe behind the scenes to find out that elusive truth.

Moral Lesson: Never let anyone borrow a priceless book.

1 09 2008
pagoy

@den: waw ang haba ah. hehe.. mahilig din naman ako magbasa. ang aking patakaran, kung manghihiram ako at trip kong mag-tnt (tago ng tago) sa may-ari e sisiguraduhin ko munang hindi importante sa kanya ang libro. pramis bords! maraming interesanteng libro na may mga may-aring walang kainte-interes magbasa.. samantalahin mo na! hehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: