kung ayaw mo, wag mo! mukha mo!

7 05 2008

yan ang sabi sakin ng isa kong kaibigan nung tinanggihan ko ang isang shat ng tanduay.

sa totoo lang ako ang pagong na walang ka bisyo bisyo. hindi ako nagsisigarilyo at hindi din ako umiinom ng kahit anumang inuming merong alkohol kontent. ayoko e. hindi masarap ang lasa at wala naman akong mapapala pag nainom ko yun. malalasing lang ako at ikahihiya ko ang sarili ko pagkatapos nun. ayaw ko nang umulit poreber!

aaminin kong nakainom at nalasing na ako nung isang beses kasama ang mga kapatid ko sa eskwelahan pero sa totoo lang e kinahihiya ko ang sarili ko nung panahon na yun. nabahiran na ang rekord kong good boy kahit mas mukha pa akong nakakatakot sa mga adik dun. naiinis tuloy ako lalo.

dehins din ako nagsisigarilyo. bad yun e. o eto, prowd na prowd akong sabihing hindi ako nakahithit ng sigarilyo kahit wans. nakakalanghap ako ng usok neto minsan pero hanggang dun lang. ayoko nun. bad yun e. ay, nasabi ko na pala.

ang maaaring merong ekwibalent sa bisyong paninigarilyo at paglalasing sa aking buhay e yun ang pagkain ng kahit anong pagkain. kahit anong pwedeng kainin e kakainin ko. isang botomles pit ang tiyan ko at malakas ang panunaw ko. kaya kahit mahilig akong kumain e ampayat payat ko.

kain kain kain kain kain kain kain!

yan ang trip ko. fud trip lagi. nauubos na lang ang pera ko sa panay kain ko ng kahit ano. aym syoor mahilig ka rin kumain. at least payatot parin ako. mwahahahahaha! hindi naman ako matakaw pero mahilig akong kumain. kung gusto kong mareincarneyt e gusto kong maging baboy o di kaya’y isang french! kasi pareho silang mahilig sa pagkain.

hindi ko bisyo ang paglalaro ng online games at lan games. pwera na lang siguro puzzle bubble, fish frenzy, minesweeper, solitaire, freecell, spider solitaire, bookworm at ang walang kamatayang zuma. maraming nagwiwish na mga gelpren ng mga kaibigan ko na sana e ganito rin raw ang boypren nila. kasi daw, nagiging sekand prayoriti lang daw sila sa buhay ng kanilang mga boypren. inuuna daw nila ang dota, rf, atbp.

mwahahaha.. ako inuuna ko ang gelpren kesa sa laro. hindi ako ander pero trip kong nararamdaman ng babae na sya ang una sa prayoriti list ko. o debah.. ganun dapat, boys.

eniweys, ang pinaka bisyo ko siguro e ang pagbabasa. bahala na ang lahat! basta dapat e makabasa ako. ang problema ko e bihira lang ako makakita ng magandang libro. gusto ko magbasa ng magbasa palagi. sabi pa nga nila e knowledge is power. kaya yun! gusto kong marami akong power. ganun din naman, kailangan naman namin yun sa kors naming kreeytib writing.

uy, magdadawnload pa pala ako ng ebook.

o sya, neks taym ulit. hanggang dito na muna ako. teka nga pala ang replay ko sa mga nagsasabi sakin ng “kung ayaw mo, wag mo! mukha mo!” ay…

gago ka pala e! sapakin kita ngayon! ambaho ng mukha mo!

yun lang. ingat ingat. stey simpol, stey pagong: simpleng pagong.


Mga Tugon

Information

7 responses

8 05 2008
rio

ayaw ko din uminom at manigarilyo…hehehe=)
ano? sapakin na natin? lols

8 05 2008
buzzingflowerpecker

tama yan. wag nang uminom ng may alcohol. Once nasira ang liver cells…sira na yan forever.

kain na lang pero eat healthy rin baka sa pagkain din lang nang kung anu-ano masira ang liver.:D

8 05 2008
pagoy

@rio: wag din. wala pa namang sumasapak sa akin. pero pag meron man, bat sapak lang? tadyakan na agad natin sa bayag! mwahahahaha!

@buzzingflowerpecker: may pagka-liver lover ka pala. ang ating dakilang atay e nilalagay ang alkohol sa ating mga dugo kapag nakainom tayo. kaya namumula pag nalalasing. isa pa, pwede nang pang gas ang dugo mo! fleymabol na e. ^_^

11 05 2008
eloiski

takte!!!
mabuhay ka kuya pagong!!!
at pati ako!
dahil buong buhay ko hnd pa ako nlasing dahil hnd nman ako umiinom ng kahit anong inuming may alkohol kontent!wapak!

at isa pa, hnd rin ako nagyoyosi!
nakaamoy o singhot, oo.
hnd yan maiiwasan lalo pa’t mapadpad ka sa store na kung saan mga engg student na tulad ko ang andun at prang tambutso nag-uusukan! amf!!!

ay pamatay! mahilig ako magbasa! at sa tingin ko hnd nman yan bisyo eh! okey nga ang pagbabasa!

gustong gusto ko basahin eh books ni bob ong at dan brown at pagdating namna sa magz eh ung T3 kasi kelangan eh updated naman sa technology! ECE eh!

amf!!!

ang haba! kinarir eh!

13 05 2008
simpleng pagong

@eloiski: waah. kuya pagong na pala. hehe. bisyo na yang pagbabasa para sakin. jan napupunta ang oras, pera at eport ko e. hehe. mahilig din ako sa mga libro ni bob ong. isa nga lang ang binili ko, mas gusto ko pang bilihin yung mga libro sa bookshop. mga litereytyoor, bukod sa gusto ko itong basahin e kailangan din sa kurso ko. hehe. tama yan, pagpatuloy mo ang clean at simpol living. baka maging pagong ka nyan kalaunan.

18 05 2008
tapsiboy

hehe…

may alaga ka bang pagong?

18 05 2008
simpleng pagong

@tapsiboy: yup. meron po akong alagang pagong. actually dalawa ang naging alaga kong pagong. ang pangalan ng una kong pagong ay “pagong”! bakit kamo? kasi pagong sya! n_n

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: