hindi ako galit sa nanay ko

11 05 2008

hoy nanay pagong! hapi ermats dey!

meron daw mindanao-wayd blak awt ngayong araw kaya bibilisbilisan ko to. ewan bakit. tungkol daw sa problema ng napocor-slash-meralco-slash-dabawlayt. oo, tiga-dabaw ako. angal? mahilig akong tumambay sa mol, autoshop, magsaysay park, bangkerohan at sa jack’s ridge. marami pa akong hilig tambayan gagawa na lang ako ng isang powst para sa aking mga dakilang tambayan para kung sakaling mapadpad ka dito e alam mo na kung san ka pwedeng maligaw.

eniweys. kung merong grinch sa pasko. pwes, ako ang grinch sa maders day. sino bang may pakana ng araw ng mga nanay? ay naku naku. nakakatamad magresearch at ilink sa powst ko. kayo na lang ang tumuklas.

hindi naman sa ayaw na ayaw ko sa nanay ko pero hindi kami in gud terms. siguro sins nuon pang ako’y nagkaisip. kaya siguro ako deviant sa lahat ng bagay at hindi laykabol kasi hanggang sa pagluwal lang ata ang trabaho ng nanay ko. pagtapos nun e bahala na daw ako.

pero kung magpapasalamat lang din ako sa nanay ko e magpapasalamat parin ako. hindi ito sarkastik kasi totoo naman talagang nagpapasalamat ako sa nanay ko pero hindi ito tulad ng pagpapasalamat ninyo sa nanay nyo na “salamat sa pagmamahal, nay” o “salamat sa lahat ng naibigay mo sakin” o “thanks for being my mom”. o hindeeeee!

pasalamat ko sa nanay ko:

1. salamat sa pagiging perpeksyonist. oo, kaya yun na rin ang nangyari, sa sobrang pagiging kritikal ng nanay ko sa mga maliliit na detalye sa lahat ng bagay e natuto na rin akong maging kritikal at perpeksyonist. lahat na lang e parang may mali sa kanyang mga mata. sa totoo lang e nakakainis na pero dahil bata pa ako at dahil merong tinatawag na “respeto” sa ating sosayti e tinanggap ko naman ito kahit hindi bukal sa aking puso. natuto akong magbasa ng tao. hindi ako pihikan pero kinikilatis ko ang mga tao na para bagang potensyal na kaaway. lahat ng bagay dapat organayzd at perpekto. tama dapat lahat at sakto. walang labis at walang kulang. ganyan ako pinalaki. obsesib kompulsib kumbaga.

2. salamat sa pagpwersa sa gusto mo. maders knows best ika nga. e ibahin mo nanay ko. better pa ata sa best ang alam nito e. ultimo sa paraan ng pagkolor ko ng aking koloring book e dapat tama. ako ang batang lumaking hindi nakakapanuod ng ghost fighter, pokemon, dragonball z at kung anu anu pang anime kasi nga daw puro “bayolens”. ayaw nyang maekspows ako. pero grabe naman syang makaarkila ng cd ni jackie chan, bruce lee, steve segal at john travolta. sige nga! a basta sa bahay, ang nanay ang masusunod. olweys. wala kang kawala. wala nang paliwanag at wala nang tanong basta sundin mo sya. buti naman at wala pa syang inuutos na labag sa batas.

3. salamat sa pagturo sakin ng pagiging totoo. sa totoo lang e masasabi kong hinulma ng nanay ko ang personalidad ko ngayon. ang adbanteyj ko lang e bata pa ako at lalake pa talaga. nuon e repressed na repressed ang pakiramdam ko kasi nga hindi ako nasusunod. pero tulad ng nagawa ni simoun sa el filibusterismo e napwersa akong magrebelde. kaya yun! na-unleash tuloy ang tunay na ako. kumbaga e niluto ako ng nanay ko sa apoy kaya lumabas ang aking pagiging ginto.

4. salamat sa pagmamaliit. ayaw ko nang mag-elaboreyt dito. nyahahaha.. pero dahil dito e nagkaroon ako ng superiority complex, pagiging inggitero atityood, lakas ng loob, tiwala sa sarili at paninindigan sa buhay.

5. salamat sa pagiging kuripot. hinding hindi ako lumaki na merong bago sa aking mga kagamitan. naturingan pa namang panganay sa pitong magkakapatid. ewan ko na lang. puro ukay-ukay ang damit ko. sekan hand ang bag at laging kupas ang maong. pero dahil dito e natuto akong hindi maging maarte at masinop. naging matipid ako at naging magaling humawak sa pera. dumadating nga sa punto na umuutang ang sarili kong nanay sakin. mwahahaha! magiging mayaman ako balang araw.

6. salamat sa mga sigaw. mahilig sumigaw ang nanay ko. parang matandang nagkakatantrums. nuong elemetary ako e ayaw ko nang lumabas ng bahay dahil sa hiya sa kapitbahay. pero nung dumating ang high school e nasanay na ako at ang kumapal na ang mukha ko. dahil dito e natuto akong maging palaban. mas naging matyoor ako sa buhay at nasanay ako sa mga hindi kanais-nais na pag-uusap. natuto akong maipagtanggol sa mga manloloko at hinding hindi ako uurong sa suntukan pwera na lang kung sugatan ako. hah!

7. salamat sa pagluwal sakin. nuon pinagsisisihan ko kung bakit ako niluwal pero kala-unan e natuto ako. maganda ang buhay at hindi ako magpapatalo sa mga pagsubok kahit minsan e nanay ko yun.

hindi ako galit. totoong sincere ako sa pasasalamat ko sa aking nanay pagong. malayo sa pagiging perpekto ang nanay ko. pati na rin nanay mo. hindi natin makakamit ang nanay na simbait ng mga nanay na napapanuod natin sa pelikula. hindi din nila kasalanan kung ganyan sila. kung pokpok, gro, serial killer o lalake man ang nanay mo e buhay nila yun. nanay parin natin sila. matuto tayong rumespeto at kumilala ng magulang. ng ina.

wala akong sama ng loob sa nanay ko. sa katunayan nyan e ginagawa namin ang lahat para mabuhay ng mapayapa. kung sa mga magkaibigan pa e “civil” kami sa isa’t isa. sinusubukan naming mabuhay ng matiwasay. iniiwasan namin ang initan ng ulo. ganun parin naman, kahit mas magaling ka pa sa nanay mo e nanay mo parin sya. wala kang magagawa.

salamat sa nanay ko e alam ko na ang tipong magulang ang gusto kong maging pag dumating na sa puntong magpapamilya na ako. itatama ko ang mga mali at ipapatuloy ko ang mga tama. ganun parin, alam kong darating ang panahong kamumuhian o di kaya’y ikakahiya ako ng magiging anak ko sa darating na panahon sa kung anong dahilang maisip nila. bahala na sila. basta gagawin ko kung ano ang nasa isip ko ang tama.

a basta! ang buhay ay buhay. ayokong sayangin ang buhay ko na may galit. ayoko ring maging tulad ng mga taong walang magawa kundi sisihin ang nanay nila sa kanilang problema sa buhay. kasalanan nyo na yan kung pangit ang buhay nyo.

gusto ko lang ng simpleng buhay. dahil ako’y isang simpleng pagong.


Mga Tugon

Information

7 responses

11 05 2008
eloiski

mahal na mahal ko nanay ko!
as in!!!

hnd nman natin maiiwasan na ang nanay eh kuripot!
nanay ko sobra jan. kasi hnd namna ganoon kaganda ang estado ng buhay namin.
at dahil nga dyan natuto akong magtipid! as in sobrang tipid to the point na nakakaipon ako ng ilang libo noong grade one pa ako! hahaha!
at dumating na rin sa punto na ayun nanngungutang na rin sya sa akin at minsan eh hnd na nababayaraN!
wapaK!

happy mother’s day sa mama mo!!!
kht hnd kagandahan ang relasyon nyo sa isa’t isa, nanay mo pa rin sya!!! weeeheeee!!!!

11 05 2008
linglingbells

ganyan talaga ang mga magulang.. may kaunting sama din ako sa nanay ko pero kahit anu pang mangyari, nanay ko pa rin siya..

hapi mother’s day sa ating mga inay!😀

11 05 2008
linglingbells

ganyan talaga ang mga magulang.. may kaunting sama din ako ng loob sa nanay ko pero kahit anu pang mangyari, nanay ko pa rin siya..

hapi mother’s day sa ating mga inay!😀

12 05 2008
rio

sana lang umokey na kayo ng mama mo,…
hapi mother’s sa lahat ng moms pati n adin sa mami mo..=)

13 05 2008
simpleng pagong

@eloiski: yap. aym syoor na magiging mayaman ka din balang araw. hehe. tested en pruuben na yang pag magaling ka sa pera e yumayaman ka.

@linglingbells: ayus ah. dobleng meseyds. hehe. wala na nga akong sama ng loob pero hindi ko rin pwedeng sabihin na mama’s boy ako.

@rio: okey naman kami. pero hindi nga lang kami klows. tapos na yung chans nya para mapalaki ako ng maayos, malaki na ako e. hehe. pero at least kahit papano e risonabol ako, marunong makisama at rumerespeto sa magulang. ^_^

14 05 2008
rhosie

hai… tayong mga anak ang dami nating inarte sa ating magulang…sa totoo lng wlang perpektong magulang at lalo na perpektong anak…pero sana isspin natin n bawat magulang lalo na ang ating ina, lahat ng ginagawa nila sa atin yun ang paraan nila ng pagdidisiplina at pagpapakita ng pagmamahal.Meron kasing mga ina na “showy or expressive” sa mga anak nila at meron naman na “tough o disciplinarian”.Madalas hindi natin napapansin yung sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang, sa halip madalas nating napupuna yung kakulangan..My mum is like also your mum.And like you ang dami ko tanong at mga what if sa buhay…Pero one day narealized ko na siguro that’s the way my mum showing her love to us..OO marahil weird ,pero isipin mo nalng may magulang ka na nakakapiling.Isipin mo nalang na maswerte ka may nanay kang nagisnan, yung ibang bata na namatayan ng magulang o hindi man nasilayan ang kanilang ina.
Siguro maganda mo gawin kausapin o kaya sulatan mo ang iyong ina at ipabatid mo sa kanya ang iyong saloobin.Gasgas na ang linya na ito “hindi pa huli ang lahat para magsimula”… Gobless

16 05 2008
simpleng pagong

@rhosie: ang haba ng komento mo ah. waw. yup, naisip ko naman talaga na ang swerte ko dahil meron akong nanay. ang ganda ng pagkakasabi mo na meron ding ibang anggulo ng pagtingin sa aking (at marahil sa iba rin) sitwasyon. basta kung anu kami, ganun na yun. ayaw ko na ng gulo e. hindi tayo nakakapili ng nanay pero maari nating piliin kung pano lumaki ang mga anak natin. bawi na lang ako sa aking mga bagets. ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: