pwede magyabang ang mga suspendido

3 06 2008

saksakan ako ng gwapo!

hai hai.. at dahil mahigit kumulang isang taon akong suspendido sa pag-iiskool, e mamarapatin ko na ring maghanap ng tabraho. oo, tabraho! yan ang sabi ng kapatid kong apat na taong gulang lang, kapipisa lang nya sa itlog.

ai nah! sino bang naghahanap ng isang awt ob skool yoot na kahit papano’y nakatapos ng dalawang taon sa bachelor of arts in english major in creative writing! o ha! kaya nyo yan? suspendido na kung suspendido kaya hayaan nyo na muna ako magyabang! hoy! dean’s lister ata toh! average ko por last sem e 1.46! ako lang ata ang pagong na nakakakuha ng ganung grado! at hindi basta basta ang aking kolehiyo noh! e unibersidad ng pilipinas! up to doots! yoooooooooo peeeeeeeeee… sa ingles, umihi ka. you pee!

pero yun nga, sabi pa ng tatay pagong ko, “aanhin mo naman yang dean’s list mo kung suspendido ka naman.” okey na sana yun, dinagdagan pa nya ng: “hala, magkargador ka sa pier!”

mukha mo, tay!

eniweys, neks taym ko na ieelaboreyt kung bakit ako nasuspendido. bwehehehe! pero yun nga ang clue: may bugbugang nangyari.. ano? ano kamo? isa pang clue? hmmm… o sya, eto pa oh:

pangalawang clue: pagtapos ng bugbugan, yakapan agad (parang prends)! n_n

kung mahulaan nyo kung anong dahilan bakit ako nasuspinde e maaaring bigyan ko kayo ng premyo. gusto nyong ice cream? ha? gusto nyo yon? bigyan ko kayo nyan bah..

o sya, yan na muna yan sa ngayon. para sa mga nanghihingi ng burger sakin, eto lang ang masasabi ko sa inyo: mukha ninyo! di na kayo naawa sa isang simpleng pagong na tulad ko. huhuhu.. suspendido na nga, awt ob skool yoot pa! ang ibig sabihin nun, wala akong alawans.

at dahil sa dahilang yun akoy naghahanap ng tabraho. tab-ra-ho! kahit papano’y may binatbat din naman ako. ayoko ilagay ang resume ko dito sa blag. pero ilalagay ko naman ang aking ispesyal iskills. eto oh:

1. magaling mag-ingles. ay syempre! ang galeng galeng ko ata magspokening dollars noh! seryoso bords, kaya ko pa nga manggaya ng accent. kyumustey ne keyow?

2. mabilis magtayp. oy! disclaimer. kahit sinasabi kong mabagal ako magtayp, mabilis naman talaga. umaabot ako ng 60 words per minute. o debah? as in. hindi na nga ako tumitingin sa keyboard kasi memorayz ko na ang placement ng mga keys. chui noh?

3. masusi kung mag-edit. as in. mas mataray pa ako sa greyd three english titser mo! nagpapaedit nga tita ko sa kanyang research thesis para sa doctorate class nya eh.

4. kyoot magdrowing. sure sure! bata pa lang ako e nagdodrowing na ako. fyi: ang una kong dinrowing e si batman!

5. marunong magsulat. syempre. literary at technikal. gumagawa ako ng tula, short stories, essays at kung anu anu pang literary writings. pwede din akong gumawa ng teknikal writings tulad ng research paper, position paper at thesis chapters.

6. kompyooter litereyt. magbablag ba ako kung bobo ako sa internet?

7. simpleng pagong. ay, para trip lang. pwede ako sa circus neto..

meron pa naman akong ibang iskils pero pakiramdam ko e hindi kaylangan tulad ng pag-inom ng dugo, pagkain ng apoy, paglakad sa bubog, pagligo sa muriatic acid, paglalaro ng basketbol at kahit anu pang bol sports gamit ang durian atbp.

ano kaya ang pwedeng trabaho ko nyan? eto ang listahan ng mga pwedeng trabaho siguro. nag-applay na ako pang col center at korean teacher. ewan pa dun sa iba.

1. call center agent. hindi call boy. hindi din ahente ng fbi, cia o yung ahensya ni palos. magbebenta ka dito ng kung anu-ano sa mga amerikano. dapat magaling ka magspokening ng dollars nito.

2. english tutor for koreans. no offens, pero natatawa talaga ako sa mga koreano. seryoso. may mga kaibigan akong koreano. ang kukyoot nila, mukha silang koreano. n_n

3. general tutor for elementary students. ay naku. pito kaming magkakapatid! kayang kaya kong turuan yang mga halimaw na yan. basta’t bayaran nyo lang ako.

4. encoder. ambilis kong magtayp. as in. kung magpapabayad ako, per page dapat. pwede na sa akin ang limampiso per page. seryoso.

5. errand boy. utusan. pero kung uutusan na lang din ako, gusto ko sa isang opisina. yung may aircon. para enjoy. at kung pwede, may internet connection ang internet. libreng prenster na yan.

6. secretary of a secretary. o pwede ring assistant secretary of an assistant secretary. parang errand boy din.

7. transcriptionist. parang encoder pero imbes na kokopyahin mo e pakikinggan mo ang pinagsasabi ng mga kumag na nagrerecord ng boses nila. tapos saka mo ieencode. swerte mo kung marunong kang magencode ng gibberish! n_n

oy, kaw na bahalang magdagdag kung meron kang maisip. oo, pineperahan ko ang isa ko pang blag. bisitahin mo nga para tumaas ang pagerank eto ang link sa inscriptions behind a turtle’s back. pero di naman talaga ako umaasa jan. bihira lang din kasi pansinin ang bids ko. wala din masyadong opportunities. tatanga tanga kasi ako pagblagging na ang pinag-uusapan. ang hirap maging consistent. di naman ako computer adik e.

adik ako sa halik! n_n

sana may trabaho na tiga-halik noh. oy, hindi ako manyakis ha. mabait po ako. seryoso. normal lang naman to ah. kaw talaga. besayds, konserbatibo ako dahil ako ay si…

simpleng pagong. stey simpol, stey pagong. wag ka na kasing magkakumplika..


Mga Tugon

Information

11 responses

5 06 2008
leo

fraternity?

5 06 2008
simpleng pagong

@leo: tanong o sagot? hehe. nga pala, singit lang, kung may tanong kayo sakin, dun kayo sa aking dakilang page na “itanong mo sa pagong”.. mukha naman akong kleng-kleng na gumawa ng page na di naman ginagamit.. ^_^

5 06 2008
eloiski

oh well, bugbugan…
sayang at dl ka pa naman! sayang talaga!

wala naman akong maisip na job opportunity sayo dahil nabanggit mo naman na.. kung ako sayo mas gusto ko na lang magtutor sa mga koreano’t koreana!
okey na okey sa olryt!

5 06 2008
simpleng pagong

@eloiski: uu, sayang nga.. para sa iskool! bwahahaha.. teka, bakit sayang? di naman mawawala ang pagiging dean’s lister ko ah kung hindi ako mag-eenrol. uu, trip ko nga talagang magturo ng koreano. nakakatawa kasi talaga sila..no opens sa mga koreano jan. ai nah.. tingnan mo na lang si sandara park para magets mo ang nasa isip ko.. ahihi.. n_n

7 06 2008
Khareen

“hai hai.. at dahil mahigit kumulang isang taon akong suspendido sa pag-iiskool,”

—->

say whaa–atttt????!!!

damn it. pagong na jud ka..

9 06 2008
wei vines

ayy..sayang naman..dean’s list na oh! heheh… mukang mabilis ka naman makakakuha ng trabaho eh..goodluck ^^

10 06 2008
pagoy

@khareen: uy, may pa-damn damn ka pang nalalaman jan. hehe.. yup! pagong na pagong na talaga ako.. bukod pa dun e simple pa talaga! gud luck dis sem kerker.. n_n

@wei vines: anu naman ang sayang dun? sayang kasi hindi chancellor’s list? bwehehehe.. pano mo naman nasabi na mabilis ako makakakuha ng tabraho?

2 07 2008
FerBert

hindi lang ikaw ang DL na out of school youth.. hindi ka nag iisa parekoy. Hindi nga siguro tayo makakuha ng diploma pero maabilidad naman tayo.. gusto mo sumama ka sakin minsan.. magbenta tayo ng laman sa circle.. haha

6 10 2008
capriceless

i want to shout….

25 11 2008
wIN

actually, patago akong nag bro browse ng blog
kasi office hours ngayon. hehe.. Atin atin lang.
Nakakatuwa naman yung pinapangarap mong maging isang call center agent. ACHOOLy, isa ako sa mga kumag na nasilaw sa ningning ng kinang ng Philippine Showbiz este BPO industry. Tips ko lang… (madami to kaya TIPS…)

pag mag aaply ka… JUST BE YOURSELF..

HR people doesn’t mind about your educational attainment as long as matatas ka Mag english,
mabilis ka mag type, at magaling ka makipag bokahan
sa mga Ameyricans…….

well, important din nga pala na naka at least
2 years ka sa college…..

and tinetest din sa Job interview ang pagiging creative mo sa paghandle ng call…

Basta, keep in mind na, hindi lang pera ang importante kung bakit ka papasok sa isang call
center……tandaan, hindi lahat ng nagko kolcenter
kailangan ng Pera (ehem)…

We are here to prove something….

(lalo na sa mga nagre reklamong Magulang
kung bakit tambay ang kanilang anak..)

naranasan ko yan.. hehe

Anyhow, Ako si win, 21 m isang graduate ng P.U.P
(ikaw taga UP ako taga PUP, kaya pala ihi din ako)

at isa akong Agent sa (*pabulong*) PEOPLE SUPPORT…

17 02 2009
pagoy

@win: hehe.. cenxa ka na kung nahuli ang reply ko sa comment na ito.. kol senter ahente na po ako.. hehe.. sa kanlurang ano… hehe.. intindihin mo nalang. salamat sa tips kahit di ko pa nababasa ng maayos kasi ang haba-haba.. n_n

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: