itim ang aking empitri

26 08 2008

ay anak ng barakong bastos!

nakuha ko yang ekspresyon na yan galing sa pugad baboy. o pig’s nest kung sa ingles.

ang tagal ko nang hindi nagbablag! e hindi naman ako nagkakapera sa blag na ito ah! may mga bumabasa nga  pero hanggang dun lang naman! ay naku.

suspendido na nga ako sa eskwelahan, e nasuspinde pati yung blag na pineperahan ko! ewan bakit! naisip ko baka dahil sa mga fektyoor na dinawnlod ko dun pero hindi naman! mag-iisang taon na akong blag ng blag e wala pang nangyayari saking masama dahil sa ilegal na pagdawnlod ko ng mga kung anu-ano sa aking blag!

e kung ayaw mong kopyahin ng ibang tao ang litrato mo onlayn, e di wag mong ilagay onlayn. ang dali dali lang naman non! sa aktong paglagay mo ng litrato sa prenster, blag o sa kung anong onlayn na pinaglalagyan mo e anderstood na dapat na handa kang makakita ng mga taong mangongopya ng dinawnlowd mo.

pero gayunpaman e suspendido parin ang blag ko. kaya wala na akong pera sa blag. hahai.. kung sabagay! okay na rin yun! tinatamad din naman ako magsulat ng mga kung anu-anong hindi ko naman talaga naiintindihan. bastat isali lang ang link nila sa kontent e meron nang tatlong dolyar. hah!

bah! mahigit apat na libo rin ang nakuha ko sa blag na yun..

nasasayangan ako sa mga sinulat ko doon na para sa akin ay meron din namang kabuluhan sa buhay ko. bago ko din pinagkakitaan ang blag na yun e rekwayrment yun sa isang sabjekt sa kolehiyo. asayd don e nilalagay ko din dun ang mga hinaing, komento at kung anu-anong maisip ko bigla. in english!

wala naman akong ibang kopya nun. kaya sayang talaga.

so mats por dat. wats gan is gan. wala na akong magagawa dun. okay na. move on na ako jan.

ui pero sayang talaga! hahaii..

may trabaho naman ako. market resercher na ako. nyahahaha! ay ang enjoy ng trabaho. kakausapin mo lang ang mga amerikano at tatanung-tanungin mo kung ano ang opinyon nila sa mga kung anu-anong tapiks na maisipang ipatanong ng mga kliyente namin.

nakakatuwa, mas magaling talaga ang mga pinoy mag-ingles sa mga kano. pramis!

pasensya na kung hindi pa ako nakakareplay sa mga komento niyo o di kaya’y nakakabisita sa mga prestihiyosong mga blag ninyo. bihira na lang ako nakaka-internet. ngayon nga e nag-internet ako para makadawnlod ng mga kanta galing limewire para ilagay sa mp3 ko.

hahai. ang kyoot ng mp3 player ko. maliit eh. ayoko ng i-pod. mahal. sino bang mokong ang gagastos ng ganun kalaking halaga para magkaroon ng 80gig na i-pod? e pwede naman akong maenjoy sa 2gig na pipitsuging mp3 player.

ang babaw lang ng kaligayahan ko. nareyalays ko na hindi pala talaga ako materyalistik na tao. biro mo, naisip ko na 80% ng damit ko e ukay-ukay! ang hindi lang ukay-ukay e yung pinadala ng aunti ko, mga anderwer ko at mga pangpormal at ilang pang-alis. naisip ko din na kung hindi ninakaw yung aking dating 3315 na selepon e hindi ako bibili ng bago. yung nga lang, hindi na 3315 ang binili ko. sabi ko sa sarili ko e pagsweldo ko bibili ako ng mp3 player. ngayong nakabili na ako e wala na akong gustong bilihin pa.

kaya nga pagtapos ko dito e bibili na lang ako ng ays krim, pakain ko sa mga pasaway kong kapatid. hehe.. tiyak na matutuwa yung mga yagit na yun.

o sya!

stey simpol, mga kapagungan prends.

labyu! n_n


Mga Tugon

Information

4 responses

28 08 2008
khareen

ah! kaya pala hindi ko na mavisit blog mo chong! tsk…

30 08 2008
akosimakoy

kamusta po?

1 09 2008
pagoy

@khareen: ganun na nga.. hari na ako ng kasuspendidohan. nyahahaha.. sumisikat na talaga.. nakakamiss din magsulat dun sa blag na yun. pero yun nga.. watch out na lang sa aking bagong blag. hehe..

@akosimakoy: whaw.. okey ka rin ha.. magkokomento ka na lang din e “kamusta po?” din ang itatanong mo. hehe.. okey naman ako.. ikaw? kumusta ka na? (baka maging thread pa tong koment baks ko n_n)

3 09 2008
wei vines

ayy potek..sayang nga yun.. lahat na lang na suspend ahh..hehehe..naman…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: