posible ang taym travel!

15 09 2008

wooohoooo!!!

ano ba to. nakakaenjoy naman. hehe. enjoy na enjoy akong makinig ng enter sandman ng metallica. kung sa tagalog pa e. pasukin si buhanging-tao ng mga mambabakal. hehe.. ang twist lang e merong okestrang humihirit kasabay ng metallica. hehe.. okey na okey para sakin. nagdadalawang isip tuloy akong iparinig sa lola kong mahilig sa mga orkestral myoosik. baka magustuhan nya ang metallica e pareho na kaming magiging rockers.. *mambabato sa tagalog*

nwei.. eto o.. bago ako magdadadada ng mga gusto kong dada-in e panoorin nyo muna gamit ang tubo-mo o mas kilala sa tawag na youtube:

okay na? galing noh? hehe..

ay naku. eniweys.. ang hirap hirap pala ng nagtatrabaho. yup.. oo, pagkatapos kong masuspinde at maging awt ob skool yoot e sinabak ko ang pagtatrabaho. hindi pa ako gumagradweyt e naging batang propesyonal na ako. hehe.. wala tayong magagawa, sadyang kinaylangan nila ang isang gwapo at simpleng pagong na tulad ko. hehe..

pero yun nga, naging col boy din ako.. e hehe.. hindi kol boy na kol boy kundi isang kol senter agent. kasama ni agent dobol ow seben. hehe.. enjoy kami kasi hindi kami nagbebenta ng kahit ano sa mga amerikanong walang ka ide-ideya na puro pinoy ang kausap nila sa telepono. market researcher ang angkop na tawag sa amin at hindi telemarketer. puro tanong lang kami ng tanong ng kung anu-ano sa kung sino-sinong pinapatawag sa amin.

lahat puro kano. kahit sino basta kano.. puti, itim, hispanic, ilonggo, bading, macho at uugod-ugod na.. uy meron kaming mga nakakausap na umaabot ng sobra isandaang taong gulang. naabutan pa siguro nya si jose rizal na wala pang bigote.

sa amerika pala e merong apat na iba’t ibang klase ng oras. merong eastern taym, central taym, mountain taym at pacific taym. pwedeng alas onse sa umaga sa isang rehiyon habang alas syete pa sa isang dako. at sya nga pala, una tayo ng isang araw sa amerika.

kaya posibleng posible ang taym travel! kung gusto mong bumalik sa kahapon e lumarga ka papuntang amerika. kung lunes dito e linggo pa sa kanila. yung nga lang e kailangan mong makasakay ng napakabilis na erplano o di kaya’y magpaturo kay nightcrawler ng teleportation.

nakakatuwa naman, ang tagal tagal kong hindi nagbablag e meron paring napapadpad dito! waw talaga.

ang pinakamagandang parte sa pagkakaroon ng trabaho e meron akong sweldo! pera! pero ang pangit na parte sa pagkakaroon ng sweldo ay ang kaltas na buwis! aba’y anak ng kamoteng kahoy naman! mas malaki ang buwis ng mga walang asawa! sinong gusto magpakasal sakin?

enjoy kasi nasa mol ang aming workplace. hehe. nasa top floor ng isang mol dito sa davao! hehe.. sosyal. at kung aakalain mo na pagkatapos namin magtrabaho e deretso kaming nag-momoling e nagkakamali ka. hindi na namin pinapansin ang enjoy na ambyans ng mol o ang lamig ng erkon dahil wala kaming gustong gawin pagkatapos ng shift kundi umuwi at matulog. hehe.. pero yung din, nagmomoling din kami minsan lalo na pagsweldo. hehe..

sosyal.

natatawa ako kasi hindi ako grumadweyt diba? e nakasama ko pa naman sa trabaho yung isang alumni sa amin. hehe.. sya grumadweyt ako hindi pero pareho kaming nagtatabraho don! nyahahaha… pero kitang mas magaling sya kasi agad syang na-promowt. hehe..

maraming dj dun! yung mga dj sa mga pang-masang radio station e nandun. katabi ko nga e. noong getting to know e humingi pa ako ng autograph pero kalaunan e nareyalays ko na wala pala akong mapapala dun kaya nawala rin yung autograph ko. hehe.. kaibigan ko naman sya..

ubos ang ingles mo don kasi bawal ang kahit anong uri ng bernakyoolar sa loob ng isang kol senter. hindi ka nga naririnig ng mga amerikano pero sinasanay na namin ang aming mga sarili kahit hindi on col. kaya ang sosyal sosyal namin pakinggan don. nyahahaha…

pero kahit ganon e ako’y isa pa ring…

simpleng pagong. n_n


Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: