magsipilyo para magkagelpren

28 10 2008

nakakatuwa naman kayo. meron ba namang nainis dahil sa aking isang post tungkol sa gayuma. yun pala plugging lang.

oist! ang tagal ko nang hindi nagbablag. e bat naman ako magbablag? hindi naman ako binabayaran? e kung hindi lang dahil sa ganado ako at dahil sa ineenkareyds ako ng pinsan kong magpatuloy sa blag na ito e matutulog na lang ako.

oo, hindi lang ako simple, tamad din!

sa mga perstaymers sa blag ko, kumusta? welkam! wala kayong na-miss.

sa mga paulit-ulit na bumibisita sa blag na ito para lang madisapoyt dahil ang tagal ko magpost ng post e pasensya na! wala kayong magagawa! hehehe.. pero salamat sa pagbisita.

balik tayo sa gayuma, e bat nyo naman gusto gumawa ng gayuma gayong nabibili lang naman yan sa tabi-tabi. punta ka sa kahabaan ng san pedro strit dito sa dabaw e may makikita kang nagbebenta. kasa ng mga mge herbal na kinuha sa mga ugat ng kung anung halaman na nilagyan ng orasyon.

kung gayuma ang pag-uusapan e meron akong alam na mga urban legends at rural legends (hehe) tungkol sa paggawa ng gayuma. maraming nagsasabing peke raw pero meron din namang nagsasabi na epektibo!

para sakin parang pipti-pipti. hindi ako naniniwalang hindi walang epekto ang gayuma. hehe.. gets nio yun? kaya ko namang isheyr ang nalalaman ko sa mga epektibong gayuma pero wala lang akong motibeyson. sori.

insted! magsusulat na lang ako ng konting tips sa panliligaw! solb?

unang tip. gamitin ang makabagong teknolohiya! di tulad nila lolo’t lola, wag na kayong gumamit ng mga punyemas na kalapati na yan. at wag na wag kayong gumamit ng pagong o kahit anong domestik o wild pets para magdala ng sulat o lab leter ninyo sa inyong iniirog. may teks naman jan e. gumamit ka ng teks. ang problema ng mga lalake ngayon e hindi marunong magteks ng swabe sa mga chikabeybs! ay naku. turuan ko kaya kayo. isa lang ang rule jan: “sa lahat ng topic ninyo, dapat ang babae ang bida.” pramis. wag kang magteks ng tungkol sa sarili. hindi yan makikinig o makikipagteks sayo. magteks kau pero dapat lahat tungkol sa kanya. kung di mo yan kaya, pwes bumili ka na lang ng kalapati.

pangalawang tip. maligo araw-araw at magsipilyo! napaka-selp eksplenetori nyan. nakakahiya ka naman. pagong na mismo nagsasabi nyan sayo! wag na wag mong ipakita yang naninilaw mong ngipin sa babaeng trip mo. baka kunin nia at isanla sa kung saang ponshap! hehe.. sus naman dong! alam kong hindi ka gwapo. oo! ikaw! pero bawiin mo na lang sa pagiging presentable at pagiging malinis. ganun din naman, sabi pa sa isang teks: “men are blaynded bay byootees, wemen are defen bay lies!” ikaw nang bahala umintindi nyan.

pangatlong tip. mag-aral at magstadi! bukod sa iskool e dapat magresearch ka din sa babaeng gusto mo. baka pabigay bigay ka nga stuff toy jan e asmatik pala sya–hihikain yun! baka bigyan mo ng tsokolate e dayabetik pala sya–patay! o baka naman bigyan mo ng headband o ipit sa buhok e kalbo naman sya–sira!

pang-apat na tip. gumawa ka ng web! as in sapot ng gagamba. dito mo ipasok ang konsepto ng prenster. iprenster mo sya! kumbaga e kaibiganin mo lahat ng kaibigan nia. kaibiganin mo nanay nia at tatay nia. gawin mong bespren ang bespren nia. lahat dapat prends mo! galing sa pers degree prens (halimbawa: bespresn) hanggang ikalimang degree na prens (nanay ng kapatid ng katukayo ng ninong na may utang sa syota na former may-ari ng aso ng dating coach sa tumbang preso ng iniirog mo). at syempre, dapat boto lahat sila sayo para sa kanya….!!!!

panlimang tip. magbasa ng simpleng pagong blag... syempre! dapat yan! hindi ko ibibigay lahat ng mga sikretong tips ko na hindi na magiging sikreto kung sinabi ko sa inyo. pero dahil kyoot at simpleng pagong ako e gagawin ko para sa inyo.

sumubaybay lamang kayo mga pans! hehehe. en rimimbir…….

stey simpol, stey pagong!


Mga Tugon

Information

6 responses

2 11 2008
eloiski

hahaha!
bat para sa lalaki lang ang tip na to?

6 11 2008
QuestionMike

Galing ng tip. Dapat nun ko pa nalaman ito. Kaya pala di ako magkagelpren nung highschool ako. HEhehe!

10 11 2008
pagoy

@eloiski: hindi nga? mukha bang panlalake? talaga? ahahaha.. loko lang. syempre panlalake muna. lalake ako eh. hehe.. sige, hanap ako ng tips pambabae. hindi pwede base sa ekspiryens ko kasi di naman ako babae eh. hindi din ako bakloosh. n_n

@questionmike: bakit questionmike ang pangalan mo? saang tip bro? kakatuwa ka naman. wala kang gelpren noon? bakit wala pa bang selepon nung hayskul ka? eh ngayon? may gelpren ka na?

14 11 2008
nobodysgurl

sa palagay ko ang pang limang tip ang pinaka importante… padaan po…

15 11 2008
batopik

hahaha! aliw toh!🙂
lalo na yung last tip. hakhak.
parang ewan lang eh. pero nakakatuwa.
oi.
pag nagpabilisan kaya sa pagtagbo ang bato at pagong, sino mananalo? hakhak!

22 11 2008
pagoy

@nobodysgurl: aba.. ganun? haha.. pataba talaga ng puso. o sya, daan jan. tingnan natin kung madaanan ko yang blog mo. daan ka dito ulit.

@batopik: ikaw rin ha! pa-last tip last tip pa kayo jan. hehe.. tanong ko lang. bakit naman ako makikipagtagbo sa bato? nakarinig ka na ba ng bato na nakikipagtagbo sa pagong? teka lang, ano nga ba ang “tagbo”?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: