maliit na pasko tok

22 11 2008

at ako’y nagbabalik. hindi niyo ba napansin na hindi ako gumagamit ng kaps lak? wala lang. naisip ko lang kung napapansin nyo kaya.

eniweys. napansin ko na isang buwan na din pala ako hindi nagbablag. tamad. pero syempre simple.

simula na naman ang kung anu-anong pakulo at pasikat na parol. rap na karoling at ang walang kamatayang manito at manita. oo, ewan bakit kris-kringgel ang tawag jan. e wala naman itong pakialam sa kringkels na mahilig kong kainin. yes may prends, magsusulat ako tungkol sa pasko aydeyas ko.

tama talaga yung sinabi ni lola pagong. pagbata ka pa e ang inaasahan mo sa pasko e ang makakuha ng regalo o di kaya’y aginaldo. aginaldo. hehe.. parang emilio aginaldo. eniweys, pagmatanda ka na e ang inaasahan mo naman daw ay ang ngiti at pasasalamat ng mga taong binigyan mo ng regalo-slash-aginaldo.

nga pala! singit ko lang, nanalo pala ang demokratikong si obama sa amerika. congrats sa kanila at gud lak sa amerika. hehe.. nakakatuwa pakinggan at panuorin ang debate nila ni john mccain na isang republiko. unang negrong pangulo sa estados unidos. sori sa mga reysist na steytment na maitatayp ko mamaya. hehe.. sabi kasi ng loko kong katrabaho e pagnaging presidente na daw si obama e papipinturahan niya ang white haus ng itim. kaya black haus na daw. loko talaga. uy, pro si obama sa gay mereyds at aborsyon. ayaw ko naman nun. simpleng opinyon ko lang.

eniweys, balik sa pasko. yun nga. eto nga pala ang ayaw na ayaw kong makuha sa pasko lalo na kung nageekscheyds gift kaming magkakatrabao-slash-barkada-slash-kung anu-anu pa:

mug–lagi na lang yan! anu ba yan. puno na ng mug ang bahay ang lahat ng pinoy. wala nang ibang maisip ibigay. tatanggapin ko lang yang mug kung may isanlibong piso sa loob o di kaya’y pwedeng makapainit ng tubig na di kaylangan ng kuryente.

labakara o tawel–hindi ko naman kaylangan nyan. nuon pa siguro. nung uhuging bata pa ako na walang ginawa kundi maglaro ng tumbang preso at patintero. lalo na yung walang kamatayang ‘good morning’ tawel na puti na merong ‘good morning’ at kung anu-anong chinese character na hindi ko naman maintindihan pero filing ko e ‘good morning’ din ang ibig sabihin nun. yun yung puting tawel na laging ginagamit ng mga drayber ng jipney.

pigyurin–talaga naman! bigyan mo ako nyan at mapapangiti nalang talaga ako sayo. bat mo naman ako bibigyan ng pigyurin? unang-una, san ko ilalagay yan? e wala namang lugar yan sa maliit kong bahay. pangalawa, ano ba talaga ang purpose nyan? pampaganda ng bahay? wala nang pag-asa ang bahay ko. pero negoysabol naman, kung pigyurin yan ng mukha ko o pagong, e tatanggapin ko yan ng buong puso.

anu pa nga ba yung mga ayaw kong matanggap? hehe.. itigil ko na muna jan. kapal din ng balakubak ko noh? hehe.. bibigyan na nga lang din e ang arte-arte pa. isip ko lang naman yun.

alam nyo mga prends, hindi naman sa maarte ako. ayaw ko lang yung punto na binigyan ka lang ng ganyan kasi obligado sya. sa totoo lang gustong gusto ko yung binibigyan ako ng bagay. at kontrari sa maaari ninyong iniisip ngayon, wala naman talaga akong paki-alam kung kendi lang ibigay mo sakin ngayong pasko. ang aking lang e sana naman e kita yung totfulness. yung pagbibigay galing sa kaibuturan ng puso. kahit nga walang regalo e okay lang, basta’t ramdam mo na masaya ang lahat kasi pasko.

simple lang naman ako e. dapat ikaw din. kaya…..

stey simpol. stey pagong.


Mga Tugon

Information

One response

28 11 2008
eloiski

woohoo!
mabuhay ang pagong!

ayaw ko rin makatanggap ng pigyurin!
as in ayaw ko kasi gusto ko yung nagagamit ko para naman mas masaya at hindi ko lang tinititigan!

amp!

maligayang pasko!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: