bak-ya sa bak-yard, tig-iisanglibo

22 12 2008

aba! napakalaking pagbabago itong nakikita ko sa salitang-pindot o mas kilala sa pangalang wordpress! aba’y ba’t di nila naisipan tong ganitong set-up dati? hay naku naman.

eniweys, beri gud! two tambs ap sa mga pasimuno ng salitang-pindot. dalawang hinlalaking taas! yehehehehey!

hindi ako umiinom. yun ang masasabi ko sa inyo! sa lahat ng umiimbita at nampipeer presyoor sakin na uminom, mukha ninyong lahat! pagong ako, hindi lasenggo. madami akong dahilan bat hindi ako umiinom. wag niyo nang alamin. madidismaya lang kayo.

hindi ko sinasabi na ayaw ko sa mga taong umiinom. gustong gusto ko nga sila eh kasi andami daming sinasabi. sa pag-inom ako parang may konting hindi nagugustuhan.

eniweys. basta yun yun! ayoko uminom ng alak at alkohol.

naw lets tok abawt krismas. binilhan ko ang kras ko ng bayolet na jaket. nakakatuwa yung ismayl nia. binigyan nia ako ng litrato. tuwang tuwa din naman ako! hahay..

bumili na ako ng regalo para sa aking manita sa work. pwede na to. hindi ko sya kilala. pero babae daw kaya bumili ako ng t-shirt na pambabae. hehe.. wag na sya magreklamo. tig-two handred nayntinayn yung shirt nya samantalang wampipti yung napagkasunduang halaga! masaya na dapat siya, kung sino man sya.

nag-iisip pa ako ng regalong pwedeng ibigay sa aking pamilya at malalapit na kaibigan. may kakarampot akong pera dito pero pwede nang pangshapping.

gusto kong bilhan ng empitri mga kapatid ko kasi kawawa naman, nagchatiyaga sa radyo. hehe.. sa isa kong kapatid na mahilig magbasa, syempre bibigyan ko ng libro. pero ang problema ko e hindi ko alam kung nabasa na ba ang libro na balak kong bilihin. matanong nga!

sa mga magulang ko, ay ewan! pera na lang ibibigay ko dun. pandagdag gastos sa mga dapat pagkagastusan ng isang magastos na pamilya! hehe..

sa aking iniirog na irog. hmmmnn.. ewan ko talaga. gusto niya ng bakyang happy feet na tig-iisanlibo! kalokohan! bakya! bak-ya! bakyang branded! para lang havaianas na flip-flops na branded! bakit mahal ang mga tsinelas na yon e may ganun namang mura sa bankerohan! walang pinagkaiba sa tibay at desenyo. brand lang talaga! mga taong to talaga!

kung anu-ano nalang naiisipan para magsunog ng piso. di ba nila alam na resesyon sa amerika ngayon? dapat masaya ang ofw kasi tumataas ang presyo ng piso laban sa dolyar. grabe ang roll-bak ng pamasahe dito sa davao! enjoy!

hmmm…

meri krismas. wag ninyong ispelingin na may eks ang krismas ha! wag yung x-mas. tinatanggal daw ang christ sa christmas. bad yun!

walang isnow sa pilipens pero may isnow sa wordpress, salitang-pindot. naeenjoy ako. hay naku. nagpadala nga pala ako ng isnow sa kaibigan kong nasa tate. sabi ko ilagay lang sa garapon. hanggang ngayon wala parin!

hmmmnn… enjoy, enjoy. pasko na eh. pasko paksiw pasko paskiw! pakso!

pero yun parin moto ko. moto ko moto mo din sana. helo moto!

stay simple, stay pagong.


Mga Tugon

Information

4 responses

23 12 2008
mayumi

pwede ang gift certificate galing bookstore para yung kapatid mo nalang mamimili.

sa totoo lang nakakalungkot ang recession. libu-libong Filipino ang walang trabaho. mababa na ang palit, wala o kulang pa ang maipapadala sa pinas. pero masaya yan kung lahat nang pinoy nasa pinas. kaya lang milyong fil ang ofw. dito sa bansa na kinabibilangan ko, sa lugar palang namin,4000 na ang walang trabaho, mapadayuhan man o hindi. hay…pero kahit ganon, merry Christmas pa rin!ūüôā

27 12 2008
batopik

oo nga buti pa sa wordpress may isnow. hakhak.

melly eksmas simpleng pagong..
henako.
ewan ko ba.
naiimagine ko
nung disyembre 20 mo pa ito nitype tapos nung dec 23 mo lang napost. toinks!
hakhak!

hapi new year.
talon pagong talon!
hiiiiiik!

2 01 2009
eloiski

happy new year
late man late pa rin!

hekhek!

musta na?

17 02 2009
pagoy

@batopik: late pati ang reply sa comment ko.. inabot na lang ng pebrero..

@eloiski: -do- hehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: