hindi tungkol kay britney spears

9 01 2009

mukha ba akong masaya?

unang una e hindi ninyo malalaman kasi hindi nio pa naman nakikita ang pagmumukha ko. besayds, anu bang alam ninyo sa pagkakaiba sa pagmumukha ng isang masaya at hindi masayang pagong?

bagong taon, bagong buhay. neknek nang nakaisip niyan. parehong buhay lang naman yan. aplikabol yan sa mga pinanganak sa bagong taon. pero kahit hanggang disyembre e bagong taon parin naman diba?

buong taon ang bago e. hindi lang ang araw. naisip ko lang e dapat hapi yir ang bati-an natin at hindi hapi new yir! wala pa akong naririnig na sad old yir.

nyoo yirs resolusyon. wala.

bat kaylangan e sa new yir pa gawin yan e pwede naman pang-araw araw. nililimitahan na naman natin ang ating mga sarili sa isang taon. gawa gawa lang naman ng mga tao ang konsepto ng oras. oras, araw, linggo, buwan at taon! lahat yan ay konsepto ng tao para ayusin ang mga bagay-bagay sa mundo.

anu bang paki-alam ng mga ninuno natin jan sa new yir na yan. inimbento lang yan ng mga tao nuon, tayo naman e nakikisali kasi libre ang kain. hehe..

paputok! putok nalang ng putok. bakit hindi sikat ang mga taong naputukan sa daliri pagdating ng pebrero. filing ko tuloy e tumutubo ang mga daliri nila kasi hindi na-uupdeyt ang balita tungkol sa mga nangyayari sa mga taong nasabugan ng paputok e.

enero na naman. mainit ang ulo ko at hindi ako masaya. madami akong nadiskubre! nadiskubre ko na dapat pinag-iisipan mo muna kung ano ang gusto mo. hintay ka muna. hinga ka ng malalim at isipin mo: “ano nga ba talaga ang gusto mo?”

gusto mo sa buhay, sa lablayp, sa pera. mga ganyan.

hindi porket maganda pakinggan o di kaya’y nakakainggit yung iba sa kanilang buhay e gugustuhin mo rin kung anong meron sila. nareyalays ko na puro ako hiling ng hiling. pero ngayon nagkatotoo lahat ng hiniling ko e parang nagsisisi ako sa mga hiniling ko.

basta mejo mahirap ipaliwanag. hindi ko rin naman obligasyon na ipaliwanag sa inyo. hindi ko nga alam kung merong “inyo” na nagbabasa sa blag na ito eh. hehe.. nagsisimula na akong maging kumplikado kung mag-isip.

dats beri bad. kasi dapat akong…

magstey simpol, magstey pagong. n_n


Mga Tugon

Information

2 responses

10 01 2009
mayumi

ok yang ganyan…nag-iisip. gustong umusad, umunlad bilang isang nilalang. dahil diyan alam mong may nagbabago mahirap naman kse yung tumatanda lang at napaglilipasan nang panahon. pero kung sa mga ‘bagay’ na gusto mo, subukan mong bawasan. sabi nga try to lessen your ‘wants’ makikita mo yayaman ka. mas madali ang buhay kung simple pero hindi ibig sabihin don’t reach for the stars. basta enjoy life para kung tumanda ka at nagbaliktanaw, magugulat ka, naging kontento ka pala sa buhay mo. at laging tandaan…wag padaloy sa buhay sa call center (kung yan nga ang work mo).

17 02 2009
pagoy

@mayumi: ang galing… n_n hehe.. tenkyu, bow.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: