nagsasalamin na pagong

25 04 2009
trip ko lang ilagay yan.  si april na higante.

trip ko lang ilagay yan. si april na higante.

at ako’y naninibago parin sa bagong wordpress.  “bagong paskil”

nagsasalamin na nga pala ako.  ngayon ko lang talaga nareyalays na malabo na pala ang mata ko.  akalain mu wan sebentipayb ang kanang mata ko at wan twentipayb ang kaliwa.  grado yun.. nung una e mukha talaga akong engot pero nasanay na rin ako kalaunan.

tamad talaga ako magblag. kung binabasa mo ito ngayon, kongrats! marunong ka magbasa… hehe.. kongrats at binabasa mo parin tong blag na ito kahit tamad ang gumagawa.

nakakatuwa tong bago kong selepon!.  hehe.. piptitri ten na nokia. pero wag mong isiping mahal ang ginastos ko..  imitasyon to e.. original imitasyon pa nga daw sabi nung tindera. hehe.. eh wiling-wili naman ako sa pagpresenta ng babae kaya kinuha ko din ang tig-dadalawang libong imitasyon..  tig-siyam na libo pala ang orig nung tinanong ko sa mol.

e aanhin ko naman ang orig?  balak ko lang talaga bumili ng pang-text at pantawag.  bonus na lang yung empitri, bidyo at kamera na nilagay ng kung sinong naglagay nun sa selepon.

regyular na ako sa trabaho ko.  pero balak kong bumalik sa up.  gusto ko na talagang pumasok muli sa unibersidad ng pilipinas.  delayed na ako masyado. eniweys, pag-iisipan kong mabuti.

ang problema lang e nasanay na ako sa laypstayl na laging merong pera.  sariling pera.  iba kasi pag-alawans lang ng magulang. bukod sa kakarampot lang ang binibigay ng tatay ko e hindi mo rin tipong gumasta ng gumasta lalo na’t alam mong hindi naman ikaw ang kumita ng perang iyon.

kaya’t andito naman ako’t merong dilema.

pero di naman talaga dilema yun basta’t makakakita lang ako ng maayos na part-taym na trabaho habang nasa iskool. yey!

sige sige.. yun na lang. pag-iisipan ko.  sa ngayon e balak kong magipon para makabili ng laptop kasi bukod sa nakakainggit yung mga taong merong laptop e kakailanganin ko talaga yun sa pagsabak sa majors ko sa pagsusulat.  hindi na luxury kundi nesesiti na ang laptop ngayon.

pero kahit ordinaryong pc lang e pwede na rin.

sige, pasimple muna ako.  stey simpol.

stey pagong.


Mga Tugon

Information

5 responses

25 04 2009
batopik

hakhak! boy labong pagong. aba. siguro kamukha mo na ang pagong sa header mo. awooo! hakhak.

tama yan! sariling sikap. awoo.

26 04 2009
rinka

may open university naman ang up, diba? taray mo.

27 04 2009
Kara Krus

hehehe ako man. napapraning na ako hehehe.

3 12 2009
neil dalanon

ang kulit ng pic. hehe😀

22 02 2010
s_pagong

@batopik: oo, pero bago na header ko ngayon. nyahahaha!

@rinka: bumalik na ako ng upmin. gradweyting na nga ako sa susunod na taon. kongrats sa akin! yehey!

@kara krus: di ba? apir!

@neil dalanon: oo nga, hehe.. nakakatuwa nga eh.. gawa ka rin ng ganyan tapos pakita mo sakin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: