hindi nakarehistro

24 11 2009

ayos sapatos!

antagal ko nang hindi naririnig yung ekspresyon na yun. ayos sapatos! tsinelas! hahai… tumatanda na ang pagong. meron na akong tato! glob tato! kaya sosyal na pagong na ako ngayon. mapapadalas na ang pagbablag ko! yey!

grabe naman yung mga nagkokomento sakin. puro gayuma ang hinihingi. nu ba yan. wag naman ganun. kasi kahit meron nga akong gayumang pwedeng ipamahagi sa inyo e okey lang ba sayo na peke ang pagmamahal na ibinabalik sayo ng mahal mo? naks!

kumusta na ba ako? anu na bang nangyari sakin? wala na naman akong trabaho! tabraho… taragis naman! pero hindi ba kayo nagtataka bakit may glob tato na ako kahit wala na akong tabraho? binigay lang to. binigyan na rin ako ng laptap ng tatay pagong ko. bayaran ko daw pag may pera na ulet ako. nakulitan siguro sa aking pangunuglit. yey ulit!

nasa unibersidad ng pilipens na ulit ako. nagsusulat at nagbabasa. nakakalula. ikalawang semester na ako sa aking ikatatlong taon. grabe! pagradweyt na ang mga dapat kong kabats. kongrats!

pero enjoy naman ako ngayon. yun nga lang, wala akong pera. panay hanap ko ng onlayn na tabraho na pwede. pero nakakapagod din. aplay ako ng aplay e wala namang tumatanggap sakin. tsk. racist sila, ayaw siguro nila sa mga pagong.

malapit na ang eleksyon. hindi ako nakapagparehistro. parang baks opis ang linya. daig pa ang wawawee. ang init init pa talaga sa komelek kaya naisip ko na sa susunod na anim na taon na lang ulit.

inaantok na ako. matutulog na muna ako. wala pang laman ang aking bao. breyn dreyn ika nga. wala akong maisip. pero may isip ako. di lang nga gumagana ng maayos ngayon.

pero yun nga, simple parin.

i lab u, sabado! pati na rin linggo. wala nang hihigit pa sayo!

simpleng pagong ako…


Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: