ina mo, pleydyerist!

22 02 2010

binigay na nga hindi pa ginamit!  mabawi nga…

kaya yun, binawi ulit ng simpleng pagong ang kanyang websayt.  hindi ko lang maintindihan kung bakit binawi nia.

okay, ganito to… naiinis ako!  talagang nakakainis.  meron ba namang gumaya sakin!  as in!  hindi ako natutuwa.  pati yung “stey simpol, stey pagong” na linya ko!  anu ba naman yan.  ni hindi ko man lang kilala kung sino siya.  ginamit pa talaga ang komento box ko para mag-plug ng kanyang rip off na group.  kaya napilitan akong bumangon muli sa aking pagreretiro sa pagiging blagger at nag-post muli ng powst.

noon din ay merong kumuha ng aking kwentong “ang pagong at ang matsing” ang ipinowst sa kanyang prenster na blag.  ewan ko kung andun parin yun.  pero masasabi ko ring kasalanan ko rin yun.  wala naman kasi akong ginawang hakbang para hindi nakawin ang aking mga pinag-gagagawa dito sa internet.  hindi ko rin kasi inisip na may magtatangkang magnakaw ng aking intelektwal praperti.

ang masasabi ko lang ay:  taragis na mga hinayupak na mga bwisit na kamoteng kahoy kayo oo!!!  masaya ba kayo kung ninanakawan kayo ng ideya?  bat di kayo gumawa ng sarili ninyong taglayn???  sira ba kayo?  wala ba kayong matinong pwedeng gawin kundi manira ng araw ng mga inosenteng kapagungan?!  ano?  nananahimik ako sa pagiging ako, e hindi pa kayo naging kuntento!  gusto nio pang maging ako ngayon?!  pinoy ako!  pinoy na pagong!  wag nio akong gagaya-gayahin kung ayaw nio tubuan ng kulugo sa mata ninyo!  hahabulin kayo ng sandamukal na pagong pagpumunta kayo ng beach at walang sawang papapakin nila ang iyong balat!!!  mga punyemas na pleydyerist kayo!!!

mabuti at nailabas ko yun.  syempre, hindi talaga yun ang sentimyento ko.  ang totoong sentimyento ko ay dapat naka-kaps lak, nakabold at hindi dapat nababasa ng mga kabataan dahil sa bulgar nitong katangian.  yun bagang tipong pinapalitan ng asterisk para hindi mabasa.  pero dahil naging tradisyon na ng blag kong hindi gumamit ng kapital na letra at asterisk, e hindi ko na siguro ilalagay dito.  isisigaw ko nalang sa mga pleydyerist kung magkita kami.

pero seryoso, masama yun!

at dahil rasyonal din ang pagiging pagong ko dahil simple ako, e gagawa ako ng hakbang upang hindi na manakaw ang aking mga powsts, kwento at ang buong blag na ito.  kukuha ako ng libreng lisensya sa creative commons.   tingnan lang natin kung makuha nio pa to.  papaprotekta na rin ako sa copyscape.  baka sa oras na binabasa mo na tong powst na ito e may widget ka nang makikita sa aking blag!

hmpf!

ah basta galit ako!  grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr…..  pasalamat kayo at pagong ako, at hindi tigre!

isa akong mabait, rasyonal at higit sa lahat….

simpleng pagong  n_n


Mga Tugon

Information

6 responses

23 02 2010
rllqph

wahh! kala ko ako yun! pagong kasi ang avatar ko!

peace tayo ah!

23 02 2010
simpleng pagong

@rllqph: hindi naman ikaw yun. hindi ko din naman inaangkin lahat ng imahe ng mga pagong kaya seyp ka. nadaanan ko blag mo–nays.

27 02 2010
eloiski

hoy! kasi naman magblog ka na ulit. sayang naman. yan tuloy may nagnanakaw na. blog na uit ginoong pagong!

21 08 2010
lass

oyy kumpareng pagong!!!
mag blag ka naman
para namang iniwan mo na kami nyan ee

31 08 2010
simpleng pagong

@eloiski at lass: dahil sa inyo, naganahan ako ulit magsulat. salamat. natutuwa din ako kasi sa stats, madami paring nagbabasa ng blog na ito kahit matagal na akong ndi nagsusulat. nakakataba ng puso… n_n salamat ulits…

24 11 2012
Susannah

mas magaling pa siya mag tagalog sa mga? pinoy na pinanganak sa ibang bansa ah…hahaha….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: