bakit simpleng pagong? isa’t kalahating saglit lang

8 09 2011

bakit hindi?

ang sagwa kase kung ‘simpleng tao’ yung taytel ng blog ko.  kase tao naman talaga ako.  sa aming malikhaing pagsusulat na kurso noong nasa kolehiyo pa ako.  oo! grumadweyt ako.  eniweys, nung nag-aaral pa lang ako, napagdiskitahan namin yung ideya ng pagkakaroon ng totem.  yun bagang ginagamit ng mga indian (hindi bumbay) na parang posteng may mukha.  sabi ng titser namin e sa mga nitibong amerikano daw e may kinikilala silang isang hayop na makakasama nila sa kanilang buhay or sa susunod na buhay.  ewan, di ako masyadong nakinig.  basta interesado ako sa ideyang sa isang tao e merong nababagay na hayop.

natural, halos lahat ng mga kaklase ko nung pinapili ng gustong hayop e yung mga ‘cool’ at mga kinikilalang ‘astig.’ may isa gusto nia magkaroon ng animal totem na ahas kase daw matalino yun.  yung isa naman tigre kase mabangis.  yung isa kuneho kase kyut.  agila daw dun sa isa kase magara daw.  pero siyempre, lahat naman noon e parang nakahardwire na choices sa mga tao kase galing sa mga cartoons na napapanood noon hanggang sa mga telenovela na tinatangkilik ngayon e lubhang nabreynwash na tayo na yun ang mga astig na hayop.  alala ko pa nun si ‘bravestar’.

~eyes of a hawk, ears of a wolf, bravestaaaar!  strength of a bear, speed of a puma!~

noon di ko magets kung ano ang puma.  di yun tinuro ng titser namin sa elementary.  sabi niya yun lang daw mga hayop sa libro ang asikasuhin ko.  eniways, kung tatanungin mo pa ako kung ano ang pinili ko e di syempre pagong.  kase noong panahon na yun e nahuhumaling ako sa pet pagong ko na si ‘pagong’.  ang orig ng pangalan ano?

dumadating sa punto na paggising ko sa umaga e tinititigan at inoobserbahan ko si pagong sa kanyang buhay.  ang boring!  di gaanong gumagalaw ang mokong kong alaga.  di ko makausap ng matino, di naman nagsasalita.  wala ding ingay.  siguro mga apat na pulgada lang ang laki ni pagong.  pero sa liit niyang yun e mukha na siyang matanda.  as a matter op fact e kamukha niya lolo ko.  den agen, halos lahat naman ng matatanda e magkakamukha tulad lang ng lahat ng sanggol e magkakahawig.

at sa kakatutok ko sa pagong kong si pagong e may nangyaring koneksyon sa amin.  sinubukan kong intindihin ang buhay niya bilang isang pagong at ikinumpara ko sa buhay ko bilang isang tao.  siyempre medyo messed up yung buhay niya kase nakakulong siya sa terrarium ko.  sosyal, di naman talaga terrarium un, bowl lang na merong buhangin, tubig at konting lumot.  pero yun parin, para siyang hostage ko.  pero so far, di naman siya nagrereklamo kaya okay lang.  sa pagtititigan naming dalawa e sa isa’t kalahating saglit e nakita ko ang mundo niya.  as in! peks man! promise!

at maganda ang nakita ko.

hindi naman ako napadpad sa kung anong fantasy land.  pero nagkaroon ako ng realisasyon sa buhay ng isang pagong.  laging may dala-dala sa likod, may pinapasan na di niya matanggal tanggal.  tahimik sa buhay pero may angking katalinuhan ang mga mata.  walang ingay na namumuhay sa loob ng magarang terrarium ng isang mapanuring batang lalake.  araw-araw kumakain ng saging, kanin, tinapay, minsan papel.  salbahe kase amo niya e.  ay ako pala yun.  pero okay lang siya, palaging nag-iisip ng mga bagay na siya lamang ang nakakaintindi.  mabagal kung kumilos at hindi nagmamadali sa buhay.  di ko nagpapatrain, di nagpapakontrol, di rin pwedeng kainin.  bahala siya sa buhay niya.

ang galing ah!

ang galing talaga.  kaya naisip ko ang kagandahan ng simplisidad ng buhay ng isang pagong.  ang isa’t kalahating saglit na iginugol ko sa isipan ng pagong kong si pagong ay namulat ako sa isang habangbuhay ng posibilidad at simplisidad.  elegante at nakakagalak ang simpleng pagong.

taas kilay pa yung titser ko nung sinabi kong pagong.  wala naman siyang magagawa.  ikaw din!  wala ka ring magagawa.  simpleng pagong lang talaga gusto.  ayaw ko ng magarbo, ayaw ko ng pangit.  gusto ko simple lang.

simpleng pagong is da one por me.  i em simpleng pagong.

stey simpol, stey pagong.

sp


Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: