pagong abawt

tungkol di kaya’y abawt

nandito ka sa tungkol! o kung sa ingles pa ay about.

ito ang pahina kung saan ay dapat kong ipaliwanag ang kalokohan kong blag na ito. kung kalokohan nga ba. at dahil ako’y may pagka oc o obssessibong compolsibo e minarapat kong ilista ang aking mga dapat nyong malaman kung bakit ko ginawa ang blag ng isang simpleng pagong. ako yun!

obdyektibo o di kaya’y mga layon:

1. para mapablish ko ang aking mga saloobin na gusto kong isambulat sa buong sanlibutan dahil hindi pa ako nakuntento sa pambubwisit sa mga ka-bords ko. sa totoo lang, ito ang isang magandang adbanteyds sa pagbablag! may mga odyens ka sa ayaw o sa gusto mo. sa linya naman ng aking napag-aralan sa pagiging makata e importante tong maipablish ka para mayroon ding nakakabasa sa mga gawa ko. yun nga, pataba sa puso.

2. para magkaroon ng aydentity! syempre kaylangan nating makisabay sa kung ano ang mga pinapauso ng mga tao/pagong. kung sikat ang mga tsinelas na crocs o havaianas e syempre dapat sumabay tayo sa pagsuot debah. para sikat! pangit din naman tong palagi kang nahuhuli sa mga bagay-bagay. hay naku, ganito talaga ang buhay pagong. pag may aydentity ka na sa sayber-speys e kahit papano e dagdag na rin yon sa aking kata-uhan. naks naman.

3. para makilala ko rin ang mga tao o pagong o alien, atbp. na gusto kong maging kaibigan! kaya kung ikaw ay isang blagger, klasmeyt, pinagkakautangan, may utang sa akin, isko/iska, pulis, nars, taong-grasa, tagapulot ng plastik sa magsaysay park, dispatcher sa dyip na bumabyahe sa mintal papuntang roxas, drayber nang habal-habal, vigilante, jabless, errand-boy, taga-bantay sa sari-sari store, yung obnoxious na librarian sa city lib, spammer, hacker, makata, powet o syort stori rayter, ilustreytor o kahit ano pang mamamayan ng bansang pilipens o trip mo lang talagang makipagkaybigan sa isang simpleng pagong na tulad ko, e sobra ka pa sa welkam sa blag na itoh at sa buhay ko.

mga ino-oper ko sa blag na ito:

1. simpleng saloobin. dahil ito na ang pagkakataong kong ilathala sa sanlibutang sayber-speys ang aking mga damadamin, opinyon, tantrooms o in ader words ay saloobin e lulubos-lubosin ko nah! o debah? at dahil mahilig akong magfityoor at magkritisays ng mga bagay bagay at dun na din ako magaling e ibablag ko na lang rin for da sangkatauhan. magkakakomentos pa ako! sikat pa! at dahil aydol ko ang mga minimalista na tulad ni ernest hemmingway e gagayahin ko na rin ang stayl nya na simple kung magsulat. besayds, ako ay isang simpleng pagong!

2. simpleng panunulat. speaking of simpleng panunulat e yun na lang din ang aking isa pang i-ooper. wag nyo nang asahang pagagandahin ko ang istayl ko sa pagsusulat o na ikokorek ko ang ispeling nang mga salitang banyaga. isa yan sa aking adyenda na ispelingin sa aking orig na paraan ang mga lown words. ang nakakatuwa e naging isa sa mga pambansang salita ang ingles bukod sa filipino. umaadyast pa ako hanggang ngayon. aba! sa mabagal talaga ako e, pagong ako e. simpleng pagong!

3. simpleng usapan. dahil yan ang gusto nang karamihan at dahil yan din ang gusto ko e akma lamang na yan ay isa sa dapat i-oper ng blag na ito. syempre, merong mga ornamental at plaweri words din akong ilalagay para may owtentik balyu ang aking powsts sa blag natoh.

4. simpleng payo. mahilig ang mga kakilala kong lumapit sa akin para manghingi nang mga payo sa lablayp, pamilya, trabaho, negosyo, eskwela, ispiritwalidad at buhay in dyeneral kahit hindi naman ako saykolojist, si doktor lab, bisnez konsultant, sosyal worker o pari. isa lamang akong mabuti at pasensyosong kaybigan na may mga owt-ob-dis-world na ideya. dahil don at dahil simpleng pagong ako e naisipan kong magsulat ng mga payong kaybigan sa aking mga powsts. o deba! para akong adbays kolumnist!

5. simpleng ako. hindi ko inooper ang aking matipunong katawan o ang aking dangal. inooper ko ang aking hambol at simpleng ako. ehehe. at dahil mahilig ako sa mga komento at mga fidbaks galing kahit kanino e welkam na welkam kayo magbigay sakin kahit greyd tri kapa o ikaw ang presidente nang pilipens. yur olweys welcam tu koment in dis blag!

few words pah…

beysikalee, blog ito ng isang pagong. isang simpleng pagong to be ispesipik! layon kong magblag at sana’y layon nyong basahin ang mga powsts ko at magkomento. kahit smayli lang e masaya na ako. at dahil makata ako e dito ko isusulat ang aking mga adbentyoors sa pang-araw araw na pamumuhay.

itong blag ay puno o pupunuin ko ng mga saloobin, fityoors, rebyoos, payong kaybigan, usapans, opinyons, random powsts at kung anu ano pang mapagtripan kong ipowst por yor eyes and por my satispaksyon. sana’y mag-endyoy kayo sa pagbisita nyo dahil talagang nakakataba ng puso ang inyong pagbisita…naks!

so stey simple, stey pagong. simpleng pagong, ang pagong na hindi kumplikado!

6 responses

2 05 2008
Davenorth

ayos ha

2 05 2008
Davenorth

regards ko kay jojitah hs

2 05 2008
simpleng pagong

@davenorth: ano? sinong jojitah? weh..

28 10 2008
yema

kras na kita! halabyu!

9 08 2010
FLORANTE

SANA MA IN LOVE NA SAKIN SI DIANA DIONISIO PLZ PLZ PLZ PLZ PLZ PZL …………………………………………………………………..

31 08 2010
simpleng pagong

@yema: hindi pa kita kilala, pero salamat… n_n

@florante: sana nga… pero intindihin mo na kailangan mo ding mageport… n_n

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: