pagong q&a

bihira lang ang mga pagong na nagbablag noh! at dahil meron akong pagka-know-it-all na atityood e lubos-lubosin nyo na rin toh. malay mo e matulungan pa kita.

dito sa page na ito e maaari kang magtanong ng kahit ano! may sens o wala. wag nyo babalewalain ang mga sagot ko noh! kahit simple at kahit pagong lang ako e may nalalaman din naman ako e. bakit? bobong pagong ba ang taytel ng blag ko? hindeee! simpleng pagong, chong!

modest ako kaya hindi matalinong pagong ang nilagay ko! hah!

wel eniweys, handa akong magbigay ng insayts at adbays tungkol sa lablayp, pera, iskool, trabaho, buhay mag-asawa, pagiging pinoy, bayolens, seyks, pagkain, crush, pamilya, gender, history, math, sayans at iba pa! hala bahala kayo! sasagutin ko ito sa abot ng aking makakaya.

wag nyo nang asahang masasagot ko ito agad agad. kung kelan di ako tatamarin. hehe. sins nagsisimula pa ang blag na ito e minabuti ko na ring gumawa ng kwestyon en answer porsyon. haha. siguro e magpapabayad na rin ako sa susunod. loko lang…

o sya.. asahan kong mga tanong ninyo mga parekoy at marekoys.

stey simpol, stey pagong: simpleng pagong, ang pagong na walang kumplikasyon!

10 responses

5 06 2008
eloiski

bakit ka po nasuspend????
complete details please…

hahaha!

mareng eloiski,

bago ang lahat e nais ko munang batiin ka dahil ikaw ang pers na nagtanong sa aking dakilang “itanong mo sa pagong”! yey! ayaw mo nun? ang saya nun ah.. pa-burger ka naman jan.. ay naku.. dahan-dahan nang nagiging korny tong “pa-burger” dyok.

eniweys, balik tayo sa tanong mo. nasuspend ako dahil merong bugbugang nangyari at nadawit ako dahil sumali ako sa yakapan na parang prends. o debah? andun yung dalawang clues na pinalabas ko.

hindi ko dito ilalagay ang kumpletong detalye dahil trip kong gumawa ng isang powst tungkol sa nangyari. pero ewan ko kung gugustuhin pa ng mga taong basahin yon kasi di naman masyado interesting ang nangyari..

botomlayn e kahit simpleng pagong ako e meron din akong mga nagagawang hindi masyado simple at minsan din e nalalagay ako sa hindi masyadong simpleng sitwasyon. isa akong simpleng pagong na nalagay sa isang kumplikadong sitwasyon. nyehehehe.

chalamats sa tanong,
simpleng pagong n_n

9 06 2008
wei vines

haha! tanong kay pagong!
maygrado ba salamin ni pagong?

usang (dear) wei vines,

una sa lahat, bakit wei vines ang pangalan mo? kung sa tagalog pa e “daanang baging”.. hehe. loko lang. hmmm.. ewan ko kung may grado ang salamin ko. pero teka lang, hindi naman ako yang nasa header ko. ninakaw ko lang yan sa http://www.deviantart.com .. hehe..

wala naman talaga akong salamin kahit medyo malabo na rin ang mata ko dahil mahilig akong magbabad sa harap ng monitor at mahilig ako magbasa ng nakahiga. minsan din e nalilimutan kong buksan ang ilaw pagnagbabasa ako. seryoso, nalilimutan ko.

eniwey, walang grado. yun ang sagot. hindi kasi sya pumapasok ng elementarya. hehe.. gud lak sa buhay mo, parekoys..

stey simpol,
simpleng pagong n_n

21 10 2008
Ma. Niña Divina C. Te

katawagan sa manok na inaalagaan upang patabain at gawing pagkain

a. layer b.broiler c.brooder d.cull

para kay binibining ma. niña divina c. te,

unang una, ano ang nakain mo at naicipan mong sa blag ko itanong ang ganyang klaseng tanong. meron bang nakapagbigay ng clue sayo na mukhang eksperto ako sa mga bagay na mga ganyan? manok? hindi po ako manok. diskleymer lang. isa po akong pagong. iskrol ap mo sa taas at makikita mong ako ay isang simpleng pagong sa header.

pangalawa, halata naman na alam na alam mo ang sagot. sosyal ha, nagbigay ka pa ng multipol chois. hehe.. nakakatuwa ka naman. at syempre obyus na obyus ang sagot. ibig sabihin, alam mo na ang sagot. hehe..

besayds kahit wala ka pang binigay na choyses e “broiler” lang din ang maibibigay ko na sagot kasi yun lang naman ang alam kong tawag ng mga tindera sa palengke namin sa manok. hindi kasi sila sosyal para tawaging “poultry” ang manok nila. “broiler” talaga.

at syempre din, neber na neber akong nakarinig ng manok na tinawag na “layer”, “brooder” at “cull”. imaginin mo kaya kung mamimili ako sa palengke, “ale pabili po ng brooder na manok”. siguradong tataasan ako ng kilay (na halatang tattoo lang).

o sya, sana’y nasagot ang tanong mo. pasensya na kung natagalan, pagong ako eh..

simpleng pagong pa talaga!

simply yors,

simpleng pagong n_n

28 10 2008
yema

may gelpren ka na? mabango ka ba? weh…

dear taong yema,

ako may tanong sayo, sweet ka ba? matamis ka ba? hehe.. bakit sa dinami-daming pwedeng screen name sa mundong ito e yema ang naisipan mong ipangalan sa sarili mo? kung may balak kang sagutin yan e wag dito na page dahil para lang ito sa mga tanong para sakin.

may gelpren na ba ako? sa tingin mo? ahahahahaha… sikreto po. hindi ko sasabihin na meron.

nakakatuwa nga kasi nung isang linggo e naghiwalay kami sa di maipaliwanag na dahilan. trip lang siguro niya. pero bigla lang nagbabago ang isip ng babaeng yun. di ko parin gets ang psyche ng mga babae dahil hindi nga ako babae. pero aaminin kong marami talaga akong alam tungkol sa mga babae. minsan e marami pa akong alam kesa sa mga aktwal na babae. ewan bakit, kasi mahilig ako sa babae.

hahaha… kung tatanongin mo naman ako kung mabango ako, depende yan!

syempre kung paliliguan ko ang sarili ko ng jonson en jonson o kung anong pabango e babango ako. pero kung nakita mong galing ako sa buong araw na walang ginawa kundi maglakad at magbabad sa sikat ng araw at sa sariling pawis, e dehins talaga ako mabango.

pero naliligo ako araw araw. pagong ako eh.. simple pa!

stey simple,
simpleng pagong n_n

24 11 2009
malou linao

ano ang pagkain ng pagong bukod sa pinapakain kung hilaw na manok at hilaw na kabayo?

dear malou linao,

unang una, pakainin mo ng saging ang pagong mo. oo, kumakain sila ng saging (tingnan pagong kwento).

pangalawa, bakit mo naman pinapakaing ng hilaw na manok at hilaw na kabayo ang pagong mo? hindi ka na naawa! syempre dapat lutuin mo yan! dapat adobong manok at sinigang na kabayo! hay naku, mga batang ito talaga…

pangatlo, ang laki siguro ng pagong mo kung nakakakain siya ng kabayo. sana’y makita ko siya minsan. o kung may litrato ka, e di mabuti. hehe..

sana’y nakatulong ito sayo. pero kung seryosohan, pakainin mo ng gulay, kanin, tinapay at saging. wag mong kalimutang painumin ng tubig ang pagong mo. mas maganda rin kung wag mong titingnan ang pagong habang kumakain, shy sila e. pwede mo lang silang tingnan kung nasanay na siya o di kaya’y close na kayo. merong mga binebentang feeds para sa pagong sa mga pet shop.

omnivore sila kaya madali lang silang pakainin.

basta galingan mo sa pagaalaga jan sa higanteng pagong mo ha.

stey happy en simpol,

simpleng pagong

18 12 2009
jay

ano b ang pagkain ng pagong n native?

dear jay,

native saan. para sa akin e pare-pareho lang lahat ng pagong.

omnivore ang mga pagong. parang tao, kahit ano, karne man o gulay e pwedeng kainin. pinapakain ko ng tinapay, kanin at saging ang pagong ko. yung mga pagkaing yun ay kinakain ko rin.

stey simpol,

simpleng pagong

10 02 2010
miaka

http://www.facebook.com/search/?q=koreanong+pagong&init=quick#!/pages/koreanong-pagong/296216021247?ref=ts

thanks! i am hoping!
KOREANONG PAGONG
leave some comment

dear miaka,

hay naku! hay naku na lang talaga! hahai… dahil mabait ako at rasyonal na pagong e hanggang “hay naku” na lang muna ako.

hindi ito tanong, nat following instrakshons ka. ilang beses na akong bumagsak sa kinder dahil hindi ko kinahunan ang tamang sagot, binilugan ko. perpek sana ako nun.

ay basta! naka-creative commons at copyscape proteksyon ako… hay naku! hay naku! hay naku!

ang mabait na ako,

simpleng pagong

6 08 2010
lass

ano nga pala yung tunay mong pangalan??

usang lass,

pagoy ang tunay kong pangalan… n_n

sinsero,

simplengpagong..

6 08 2010
lass

P.S. stay simpol,
wag kang magkakapimpol,
ako

29 09 2012
fatima nacis aurello

hanggang anong oras po sila pwedeng alisin sa tubig? sabi kasi nila sa akin ay wag ku daw tanggalin sa tubig,,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: