pagong sino?

sino nga ba ako?

tao ba ako o pagong?  well, unang una–ako ay isang tao na gustong itago ang sarili sa pagiging isang pagong.  kahit sa internet lamang.  maganda na rin tong may anonimiti sa buhay.  yun bagang walang nakakakilala kung sino talaga ako.  mahilig ako sa pagong kasi madali lang silang alagaan.  hindi maingay at hindi mabaho, pwera na lang kung ididikit mo ang butas ng ilong mo sa kanila.  hindi rin sila mabalahibo.

at lalo na sa lahat eh simple lamang sila.

yun naman talaga ang gusto ng mga tao sa buhay diba?  yung simple lang.  kaya ito ang paraan ko ng pagiging simple.  ang maging pagong.  maging isang simpleng pagong.  syempre, kung interesante ka talagang malaman kung sino ako o di kaya’y sino ang tao na gustong maging pagong, puntahan mo na lang tong link na ito:

ang tao sa likod ni simpleng pagong

sa ingles talaga ako nagsusulat.  hindi ako magaling gumawa ng pormal na pagsusulat sa pilipino kaya ganito ang pagsusulat ko sa blag na ito.  baluktot ang ispeling at di mawari ang diksyon.   pagpasensyahan mo na, ito lang kasi ang tanging paraan na naipapahiwatig ko ang aking damdamin sa sariling wika.

gusto ko kasi na kahit sa ingles ako nag-major e meron din akong awtput sa pilipino.  total, pilipino naman ako.  pilipinong pagong!

kung gusto mo malaman kung saan ako nakatira, nakatira po ako sa bulebard, lungsod ng dabaw.  kung saan nasa gitna ako ng syudad.  wag mong isipin na porket nasa mindanao ako e nasa bukid ako.  isang malaking miskonsepsyon yun.  pero totoong pinapalibutan ang dabaw ng bukid at lubhang napakadami ng malls sa luzon at visayas.

eniwey, magdadagdag na lang ako kung may maisip akong idagdag…  ay lab yu, pans!

simpleng pagong

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: