mis-ander-stood slash gago ka ted bundy!

1 05 2008

nandito na naman ang paborito ninyong pagong na nag-bablag! oy, ako lang ata ang pagong na nagbablag eh. hah! well, eniweys, dahil nakasulat na ako ng powst tungkol sa binary opposition e sana nama’y magegets nyo na kung bakit mas paborito ko ang mga kontrabida sa mga kartoons, pelikula at sa mga letereytyoor.

mis-ander-stood!

yan dapat ang tawag sa kanila. wala namang pinapanganak na masasama eh. grabe din. sa tingin nyo, hindi ba naging bata nang minsan si adolf hitler? may nanay rin naman si sadam hussein ah! kahit papano e may nagmamahal kay ferdinand marcos. anu ba? kahit sila pa ang dahilan ng holocaust, war in iraq at martial law e hindi naman sila pinanganak na ganun. malay ba nila na magiging ganun sila.

ang totoong may kasalanan e ang nagmolde sa kanila upang maging ganun. wag nyo nang tanungin kung sino. hindi ko alam. bakit? sa tingin mo ba’y clowse kami? neknek mo! mabait ata ako. hehe..

pero kahit ganun e galit na galit ako kay ted bundy! talagang sasaksakin ko ang kumag na magsasabing dapat e merong hustisya si ted bundy! ngayon ko lang to sasabihin: putang ina mo ted bundy! pak yu! kahihiyan ka ng nanay at tatay mo. kahihiyan ka sa salitang “evil”.

kung hindi mo kilala kung sino si ted bundy, hala! magresearch ka dong! o di kaya’y iklick mo tong link na toh! at yung mga link sa pangalan na ted bundy! ayun oh! ted bundy!

pero seryoso. mararangal naman na mga tao o halimaw na nagiging kontrabida. ewan bakit wala akong kilalang pagong na kontrabida. meron ba? sino? natural kasing mababait at kyoot ang mga pagong. hehe.

at bilang parangal sa mga bida sa buhay ko na pawang mga kontrabida e meron akong list ng aking mga paboritong kontrabida ob ol tayms. hehe. salubungin ng masigabong palakpakan sina:

1. count dracula. konde sa transilvannia. sya na ata ang pinakaklassik na kontrabida sa listahang ito. sya ang pinaka-una at pinakamalakas na bampira sa lahat ng mga bampira. wala na syang interes sa walang hanggang buhay at limpak-limpak na salapi kasi nasa kanya na ang dalawang yun. pero nakakagutom lang talaga ang laypstayl nya. dugo ang kaylangan nyang kainin. di sya nakakasimba kasi alergik sya sa krus. di din sya nakakapagstrolling sa parke pag-umaga kasi alergik din sya sa araw.

2. lord voldemort. kinilabutan ka? sa sobrang tindi daw nya e hindi daw dapat sabihin ang pangalan nya. isa lang ang masasami ko sa mga taong naniniwala dyan: voldemort! ka-itlogan nyo! yun siguro ang dahilan bakit naging emo sya. pag tinatawag sya e hindi sa pangalan nya. pag gusto syang tawagin ng mga ka-berks nya e madalas e “hoy”, “psst” at “bading” ang ginagamit nila. sino ba naman ang masisiyahan nyan. palagay ko si propesor dumblodore ang mahilig mamintas sa kanya noon kaya natatakot sya dun. kaya yun! ang batang si harry potter na lang ang pinagdidiskitahan nya.

3. darth vader. ay kawawa talaga tong taong to. bata pa lang e pinasasali na sa karera kalaban ang mga alieng may mga masasagwang mukha gaya nung si sebulba. naputulan ng kamay nung nagbibinata. inaway ng kanyang master nung gumagaling na sya. kung anu-anu pang pambebreynwash ng tanginang darth sidious o senador palpatine sa kanya (may topak talaga yang mga senador). bigo pa talaga sa pag-ibig. bawal daw sabi ng jedi order. e ano ngayon? kasalanan ba ang magmahal? nagmahal lang naman sya ah! abah! makakaluko-loko din ako kung si natalie portman ang leading lady ko noh! paboritong libangan: naglalakad sa langit, skywalker kasi…ngie! Basahin ang karugtong nitong lahok »