jack and jill scandal

12 04 2008

oo, skandaloos tong powst na ito–ay tingk.

jack and jill went up a hill
to fetch a pail of water
jack fell down and broke his crown
and jill came tumbling after

siguradong pamilyar na pamilyar yang nersery raym na yan sa inyong pandinig deba? napakainosente kung babasahin. alala mo pa ba nung unang na-enkawter mo yang nersery raym na yan? siguradong aliw na aliw ka nyan nung bata ka pa dahil na rin sa napakakyoot na tono na animo’y nakikipaglaro lamang sa inyo. at dahil simple lamang itong nersery raym na ito e naging palaisipan ito sa isang simpleng pagong na tulad ko. at dahil mahilig akong maghimay-himay ng litereytyoor e nais kong gawing obdyekt of stady itong nagmimistulang simpleng raym na pambata.

isa sa mga napaka-akyureyt na piktyoor ni jack en jill. ito ay inaplowd ni meluseena sa deviantart.com

dahil sa pagiging analitiko ko sa mga bagay-bagay at dahil mahilig akong mag-analays e inanalays ko ang jack en jill na raym. napag-usapan na rin namin ito sa aming klase kasama si prof. nino de veyra na nagturo sa amin sa mga iba’t ibang paraan sa pagiging isang kritiko. in ader words, tinuruan nya kami pano kumilatis, pumuri at manlait ng mga works ob art. wehehe..

bago ko simulan ang aking analisis sa nersery raym na jack en jill e gusto ko nang sabihin sa inyo ngayon pa lang na maaaring hindi ninyo magustuhan ang mga ipagsusulat ko dito sa blog na ito at maaaring isipin mong isa akong pagong na napakarumi ng isip at walang magawa sa buhay. well, mejo totoo yun pero pawang propesyonal naman ang aking analisis e. gayumpaman e hindi ko kayo pinipilit na ipagpatuloy ang pagbabasa ng powst na ito. kung ayaw mong malaman ang totoong ibig sabihin ng jack en jill dahil gusto mong ipreserb sa utak mo ang inosenteng image nito e be may gest! magklik ka nalang ng ibang mas holsam na blog! madami pa naman akong gustong ilantad..

enyweys e ilalantad ko muna ang isang napakaimportanteng rebelasyon sa inyo tungkol sa raym na ito at yooswal sa iba pang nursery rhymes: Basahin ang karugtong nitong lahok »