ang sususwerte ng nakatuluyan nyo, kung sino man sila

6 05 2008

elo prends! kwentong musika na naman tayo para enjoy.

nadiskas namin sa aming klase sa kritisismo na ang musika daw ang hayest porm of art. ito daw ang pinakamataas na uri ng artes at sining. maniniwala ka ba? para sa akin e totoo yun. hindi daw literary teks o yung visual arts ang pinaka-da best. musika daw talaga. paulit-ulit na lang ako. bakit kamo? tinanong ko din ang sarili ko kung bakit. antagal namin nag-hula-hulaan sa klaseng yun. antagal namin nagets ang sagot. ang dahilan kung bakit ang musika ang da best ay dahil…

walang kinakaylangang media para maintindihan o makomprehend ang musika. pinapakinggan mo lang daw ang musika e makukuha mo na ang konsepto ng buong likha. sa litereytyoor e andami pang poetics at kung anu-anong animo’y bugtong na dapat mo pang intindihin bago mo magets ang kabuluhan. mahilig ako sa ganun, mahilig akong magbasa ng mga ganun at mahilig na rin ako magsulat ng mga ganun pero ayaw yun gawing ng ibang tao. nakakapagod daw e. para sakin e challenging kaya nga naging kors ko ang kre-eytib writing. ganun din sa visual arts. hindi mo makokomprehend ang tunay na diwa ng isang obra maestra sa unang tingin mo lang. pero sa musika e ibang iba talaga ang epekto sa atin. makinig ka lang e solb na! hindi mo kaylangang maging eksperto para maapreciate ang musika. basta basta! hehe..

eniweys, nabanggit ko na sa powst na “gusto mo ng mustard?” na mahilig ako sa mga babaeng singers at mga female-fronted band o yung mga banda na babae ang bokalista. yup yup! ibang iba talaga ang epekto sa aking pandinig at pakiramdam kapag babae ang kumakanta. hindi ko naman sinasabi na bading ka kung paborito mo yung mga lalakeng singers at male-fronted bands tulad ng kamikaze, red hot chili peppers, blink 182, martin nievera, ryan cayabyab at randy santiago. hehe. ayus din naman sila, sa totoo lang e may mga paborito rin akong ganung klaseng singers at banda.

gayunpaman e paboritong paborito ko ang mga girl bands. grabe kasi pag babae eh. iba ang boses ng babae sa boses ng lalake. para sa aming mga lalake e hindi pwedeng maging seksi ang boses ng lalake pero pwedeng pwedeng maging seksi ang boses ng babae. at gustong gusto ko ng seksi syempre. hehe. madali lang akong nagkaka-voice crush sa mga dj na babae sa fm radios. hehe. hindi ko pa nga nakikita si grace lee ng magic 89.9 e voice crush ko na. hehe. eniwey, ito ang listahan ng mga paborito kong female singers at female fronted bands:

da best gelprens

1. corrs. andrea corr! ewan ko na lang kung sinong gung-gong ang hindi ilalagay ang pangalan nya sa namber wan. hehe. ay, personal kong opinyon yan. hehe. as in antagal ko nang krash yang singer na yan. sya yung bunso sa kanilang magkakapatid na nagbanda ng dakilang the corrs. ang gaganda din ng mga ate nya. ang galing maggitara ng kuya nya. pero da best sya para sakin. ang galing din nya mag-flute. sus, sarap saksakin ng swerteng kung sino ang nakatuluyan ng babaeng toh.

2. paramore. espesyali si hayley williams. pangkistang pangkista! ang galing galing kumanta ng babaeng toh. hanggang ngayon e tumatakbo parin sa utak ko ang mga kanta nya. meron na akong last song syndrome na puro kanta lang nya. haha. para tuloy merong naka-instol na mp3 player sa ulo ko na puro kanta lang ng paramore ang nakapley. hehe.
 
3. mymp. juris fernandez ang pangalan nung babaeng ang kyoot kyoot ng boses. as in parang ansarap pakasalan ng boses. ang bandang ito e mahilig magrebayb ng mga kantang piling ko e napaglipasan ng panahon. ang ganda ng mga bersyon nila, napakasweet ng boses nya. ang boses na siguro ng bokalista ang tunog ng pag-ibig. naks naman. hehe. basta, ang galing galing. talagang prawd na prawd siguro ang nanay nila sa kanila kasi nga ang ibig sabihing ng mymp ay make your momma proud. asus, parang hindi nila alam. hehe. uy, hapi maders dey nga pala sa mga nanay, ina, mama, mader at ermats.
 
4. barbie’s cradle. leytli e mag-isa na lang ang bokalista nilang si barbie almalbis. ay, ito! crush na crush ko rin tong babaeng ito. hahay! e wala na akong magagawa, kinasal na. barbie almalbis-honasan na nga ang buong neym nya e. pero as a singer e lab na lab ko talaga tong si barbie. isipin mo, sya yung gumagawa ng sarili nyang mga kanta. nakaka-inlab rin ang boses nya, parang poetry ang lyrics ng mga kanta nya. uy, dapat sya ang number wan ko noh? hehe. ay wag lang.

5. up dharma down. leading lady nila si armi millare. perstaym kong narinig ang mga kanta ng bandang ito e napalundag ako kasi aliw na aliw ako sa kombinasyon ng boses at istilo ng pagkanta nya. aydol na aydol. noon din akala ko e tiga up sya. up dharma down e. hehe. pero kahit na, hanap pa ako ng album ng kanilang mga kanta. o di kaya e makiki-burn na lang ako. hay naku naku. ang galing ng impak ng bandang to talaga! super na super. hehe.

ay ay. kung gusto mo makita ang iba ko pang paborito e iklik mo tong link patungo sa isang post sa isa ko pang blag. para nga lang kasing niresaykel ko ang tapik e. ganun din naman, di naman lahat ng nagbabasa ng isa kong blag e binabasa tong blag na ito. ewan ko nga ba kung may nagbabasa pa ng blag na ito e. pero kahit pa, okey lang. kyut parin naman ako. mwahahaha..

musika, musika. tama nga pala, wala akong mp3 player. baka merong gustong mamigay. yung water proof ha. di kasi gumagana ang mp3 players dito kasi underwater e. bawal daw mabasa. nyahahaha. basta basta! inisip mo agad noh kung pano ako nakakainternet at bakit meron akong selepon. hayaan nyo na lang ako. teka, sino nga pala ang paborito mong singer? aling banda din ang paborito mo? merong ka bang preference? ako meron akong gender preferens sa banda. meron ka rin ba?

eniweys, dito na muna ako. sana’y naenjoy kayo sa powst na ito. sana’y pareho tayong paborito ang mga banda o singer na nasa taas. para in a way e related din tayo sa parehong interes. sana’y meron kayong komento tungkol sa musika. sana’y nareyalays nyo din na musika ang pinakamataas na uri ng art. sana’y mabigyan nyo ako ng mp3 o kahit ipod lang. sana’y merong world peace bukas, kung wala e sana e mamaya na lang. andami kong sana noh?

hanggang dito na lang muna ako. labyu ol. hehe.

basta, stey simpol at stey pagong. wag na yung kumplikado, simpleng pagong lang.


Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: